Chapter 24

969 Words
SHARMAINE'S POV Ngayong araw na namin ipag tatapat kay Lia ang lahat.Ano kaya itsura nya mamaya kapag nalaman niya na pinag lalaruan lang namin siya ni Liam. Excited na ako. Nag text na muna ako kay Liam. "Mamayang uwian, pumunta ka ng school namin at sunduin mo ako. Mamaya narin natin ipagtatapat ang lahat kay Lia. See you later." LIAM'S POV Ang totoo ay nakukunsensya na ako sa ginagawa ko kay Lia. Nag iba ang ugali ko dahil sa pag ibig ko kay Sharmaine. Nag iba ang tingin ko kay Lia na dati'y sabi kong ipagtanggol ko siya sa mga umaapi sa kanya. Pero ano ako ngayon? Isa pa ako ngayon sa mga umaapi sa kanya. Tulad nalang ng gagawin namin mamaya. Ipag tatapat na namin ni Sharmaine na pinaglalaruan lang namin siya. Ginagawa ko to dahil sa pag ibig. Patawarin mo sana ako Lia. Nagmahal lang ako, kaya nagawa ko ito. Patawarin din sana ako nang panginoon. LIA'S POV "Sige guys, mauna na kayo. May hinihintay pa kasi ako dito eh," pagpapaalam ko kina Leslie. "Okay, bye Lia!" Mga kalahating oras ako naghintay sa may gate at mayamaya lang ay nakatanggap narin ako nang text galing kay Liam. "Andito ako sa may garden ng school nyo." Kanina pa ako naghihintay sa gate tapos nasa loob na pala si Liam. Napatigil ang lakad ko nung natanaw kong magkasama si Liam at si Sharmaine na magkasama at nag hahalikan pa. Naiyak ako sa nakita ko. Kaya naman nag lakas loob na akong lapitan sila . Nabigla ako at nasampal ko si Sharmaine. "HOW DARE YOU!" Galit na sabi ni Sharmaine. Biglang hinablot ni Sharmaine ang buhok ko at ini-ngudngod niya ang mukha ko sa may damuhan. Dali dali naman kaming inawat ni Liam. "Ano ito? Akala ko ba ako ang mahal mo? Bakit ka nakikipag halikan diyan sa babaeng yan!?" mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya. "Grabe ka! feelingera ka! Akala mo ba minahal ka talaga ni Liam? Hahaha! Sorry ka dahil isang malaking kasinungalingan lang ang lahat. Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa. PINAGLARUAN KALANG NI LIAM! TUMINGIN KA NGA SA SALAMIN BABAE KA NANG MAKITA MONG KASUKA SUKA KA TALAGA AT WALANG SINO MAN ANG MAG KAKAGUSTO SAYO." sigaw na sabi ni Sharmaine na lalo kong kinagulat ng husto. Si Liam naman tahimik lang at hindi manlang kumikibo. Ibig sabihin totoo ngang pinaglaruan lang niya ako. Wala akong nagawa kung di tumakbo papaalis sa kanila. Halos pag titinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko. Hanggang sa pag sakay ko ng bus ay iyak parin ako nang iyak. Halos pati ata yung radio sa bus eh nanunura. Bigla kasing tumunog yung kantang…Help me get over na kanta ni Jonalyn Viray. Lalo tuloy akong naiiyak dahil nadadala ako sa kanta. Napakawalangya nila. Pinag laruan niya lang pala ako. Kalahating taon ang lumipas. Kalahating taon na hindi manlang ako ngumingiti. Ngumiti man ako ay ngiti yun na nag pepretend na masaya ako pero, hindi naman. Kalahating taon na inaalipin ni Tita.. Kalahating taon na binubully sa school, lalo na si Sharmaine.. At higit sa lahat ang hinding hindi ko makalimutan ang pinaka masaklap na ginawa saakin ni sharmaine. *FLASH BACK Papalabas na akong ng gate ng may biglang dumakip saakin at sinakay ako sa Van. Dinala nila ako sa may isang lumang bahay na parang bodega. Si sharmaine ang nag pa dukot saakin nun. Kasabwat niya yung mga ibang boys sa school, pati narin yung ibang mga girls na galit na galit saakin dahil daw ako lang ang pinapansin ni Exequiel monteverde. Itinali nila ako sa may isang upuan at saka nila ako pinag sasampal at pinagpapalo ng kahoy. Halos bugbog sarado ang inabot ko nung araw na yun. At ang isang masaklap pa na nangyari. Doon pala sa may bodega yun ay may isang balde nang gaas. Aksidenteng natapunan ng sigarilyo ng isang lalaki na nag yoyosi yung balde ng gaas at bigla nalang yun nagliyab. Nag Sitakbuhan sila papalabas ng bodega at iniwanan ako. Halos mag iiyak ako nun. Napaka init na sa loob nang bodega at puro usok na, kaya naman ubo na ako ng ubo. Inisip ko nun na yun na ang huling araw nang buhay ko kasi mukhang wala nang pag asang mabuhay pa ako. Kaya naman naging kalma na ako nung araw nayun at bumulong nalang ako sa sarili ko. "Napakasaklap ng nangyari saakin. Hindi manlang ako nakaramdan ng saya. Masyadong mabangis ang mga nakapaligid saakin dito sa mundo." Buong bodega na ang nasusunog. Matutusta na talaga ako dito. Pero ang nakakagulat ay may isang lalaking biglang pumasok sa bodega at agad agad akong binuhat. Dinala niya ako sa ospital. Hindi ko nasya nakilala kasi nawalan na ako ng malay dahil hindi na ako makahinga sa kapal ng usok. Pag gising ko nun ay nasa ospital na ako at nandun na si tita bhecca. Imbis na alagaan ako ni tita ay pinag tawanan pa nya ako at sinabing lalo daw akong pumangit. Hindi manlang ako inalagaan ng tita ko. Ljs chicks ang nagbabantay at nag aruga saakin. Tinanong ko sa kanila kung sino ang nag dala saakin dito, pero hindi daw nila alam kung sino. Saka ang pinagtataka ko ay may nagbabayad daw ng bill ko dito sa ospital. Yun lang, ayaw daw ipaalam nung taong yun kung sino daw siya. Secret daw! Grabe ang naging istura ko. Halos nasunog ang mukha at ang buhok ko. Meron ding mga lapnos ang mga balat ko sa braso at binti. Pangit na nga ako lalo pa nila akong pinapangit. Walang katarungan ang ginawa nila saakin! Lahat sila ay mag babayad! Humanda kayo! Pagbabayaran nyong lahat ng ito! Hindi ako titigil hanggat di kayo nag mamakaawa saakin at hindi rin ako titigil hanggat di kayo umiiyak at lumuluhod sa harap ko! Itatak nyo yan sa bato!

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD