Chapter 23

709 Words
LIA'S POV Sabado na. Nakatulog ako sa kakaiyak kagabi. Hindi ko na nakuhang kumain ng hapunan kagabi dahil sa sobrang takot na muli akong bugbugin ni tita bhecca. Maaga niya akong ginising para raw mag umpisa na sa pag lilinis ng buong bahay.. Pinagtanggal niya ko ng alikabok sa buong bahay. Pagkatapos ay nag walis at nag lampaso ng buong bahay. Pinaglinis din niya ako ng banyo. Nang Matapos ko na ang pag lilinis. Pumunta na ako kay tita bhecca para ipaalam na tapos na ako sa lahat ng mga pinapagawa niya. Nagpaalam sana ako para mag almusal pero hindi niya ako pinayagan. Gutom na gutom na ako. Matapos ang lahat ay pinaglaba naman niya ng mga damit. Halos maluha ako sa mga pinapagawa saakin ni tita. Tapos mag luluto pa ako mamamya. Wala ng katupasan ang lahat ng gawain dito? Ito tuloy ako, kuskos dito, kuskos doon. Halos magkandangawit ako kaka kuskos. Tapos kumakalam pa yung sikmura ko. Gutom na gutom na talaga ako!. Habang pinapalipitan ko yung mga nilalaban ko ay hindi ko na namamalayan ng naluluha na pala ako. Hirap na hirap na kasi ako. Pagod na gutom pa. Pagkatapos kong mag laba ay inutusan naman niya akong pumunta sa palengke para mamili ng ipang luluto ko para sa lunch namin. Jusko! Lunch naba ako makakakain? Super gutom na gutom na ako. Bago ako pumunta sa palengke ay nag buhos ulit ako nang sama nag loob sa f*******:. Mayamaya ay nag message saakin si Jamaica. Naka online din pala siya. "Sobra na talaga si Mommy. Sorry Ate Lia. Hindi kita mapagtanggol kay mommy. Pinadala nya ako dito sa mga tita ko sa kapatid ng papa ko, dito daw muna ako dahil pinapakelaman ko daw siya." "Kaya pala kanina pa kita hindi nakikita dito sa bahay. Akala ko may pinuntahan ka lang." "Sorry talaga Ate. Awang awa na talaga ako sayo." "Hayaan mo na, kakayanin ko nalang ang lahat ng papagawa nang Mommy mo. Titiisin ko na lang.” Matapos naming magka-chat ay nagpaalam na ako sa kanya. Baka kasi mapagalitan na naman ako ni Tita. Ito naman ako nagkakandarapa papuntang palengke. Mamimili naman ako ng iuluto ko para sa tanghalian namin. Nang dumating ako sa palengke ay halos manlambot ako sa tindi ng pag ka gutom ko. Pag ka bili ko nang lahat ng sangkap na kailangan ko ay tuloy uwi narin ako kaya Ito ako ngayon nagtatakbo nanaman pauwi. Napatigil nalang ako sa paktakbo nang biglang may humarang saakin na isang taong may takip ang mukha. Mukha syang lalaki kasi medyo malaki yung katawan niya at bakat na bakat pa ang six packs abs niya sa puting t-shirt na suot niya. Inabot niya saakin yung isang supot. Hindi ko alam ang laman nun. Natakot ako kasi baka kung ano laman nun. Baka mamaya niyan eh, bomba un. Madali naman siyang umalis pagkaabot niya saakin ng supot. Nang buklatin ko ang supot ay nagulat ako. Mga tinapay na red ribbon at tatlong milk chocolate. Ano ito? Grabe sino kaya yung taong yun? Napaka bait naman niya. Tamang tama lang yung dating niya dahil gutom na gutom na talaga ako. Wait, hindi kaya siya rin yung nagbigay saakin ng libreng lunch sa school? Sino kaya siya? Pag kauwi na pag kauwi ko ay inilagay ko sa kwarto ko yung supot na bigay saakin nung sino mang taong yun. Bago ako nag luto ay kinain ko na muna yung isang tinapay. Doon ko narin kinain sa kwarto ko at baka isipin pa ni tita na kumupit ako ng pera sa pinamili ko. Ininom ko narin yung isang milk chocolate. Grabe ang sarap! Pagkatapos nun ay nag ka energy na ako kaya nagluto na ako. Tinolang manok ang aking lulutuin ngayon. Okay naman ang kinalabasan. Hindi na ako pumapalpak kay tita bhecca. Maayos niyang kinain yung mga luto ko. At pagsapit naman nang hapon ay mukhang naawa na saakin si tita. Ginhawa na ako. Wala siyang inuutos saakin. Dahil sa wala akong magawa ay nag open nalang muna ulit ako ng f*******:. Pinost ko yung guardian angel ko. "Kung sino kaman na nagbigay sakin ng isang supot na pagkain kanina, maraming maraming salamat. Gusto kitang makilala at sana makita naman kita ng makapag pasalamat ako nag personal. Godbless you!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD