#TheSecondHusband CHAPTER 9 Pumapailanlang ang maingay na awiting tila humaharot sa pandinig na sinasabayan naman ng pagpatay sindi ng mga ilaw sa may kadilimang lugar at pagsasayaw ng mga taong nasa loob ng lugar na ito, ang iba ay umiinom pero karamihan ay nakikipaglandian. Hindi ako madalas magpunta sa ganitong klaseng lugar dahil hindi naman ako ‘yung klase ng tao na ma-gimik pero ito ako ngayon, kabilang nila na nasa loob. Ewan ko ba, sa dami ng mga nangyayari sa buhay ko, siguro kailangan kong malayo muna sa tunay na reyalidad ng buhay para kahit sandali ay makalimot at ang pagpunta dito ang sa tingin ko ay sagot. Nasa loob ako ngayon ng isang bar, straight bar ito kung saan lahat ng kasarian, pwede. Nakaupo ako sa bar stool, sa tapat ng orderan ng alak. Unti