#TheSecondHusband CHAPTER 11 Papasok pa lamang ako ng bahay ay rinig ko na dito mula sa labas ang malakas na tawanan nila Mama at Greco. Nakaramdam ako ng inis. Akala ko matatahimik na ako pag-uwi pero hindi pa pala. Binuksan ko na ang pinto at pumasok. Naabutan ko silang may mga hawak na gamit panlinis ng bahay pero mukhang hindi naman sila naglilinis kundi naglalandian lang. Panay ang kwentuhan at tawanan. Napatingin sila sa akin. Ngiting-ngiti pa. “O anak... Nakapagluto na ako ng hapunan, kumain ka na.” Sabi ni Mama. Pawisan siya na gaya ni Greco na naka-topless pa kaya nakita ko ang magandang hubog ng katawan. Ito ang unang beses na nakita ko siya sa ganyang ayos at hindi ko maiwasang hindi mamangha kahit na may inis akong nararamdaman. Iniwas ko ang ting