CHAPTER 3 AND 4

2817 Words
#TheSecondHusband CHAPTER 3     “What’s wrong By? Kanina pa lumilipad ang isipan mo, parang hindi kita kasama.” Napatingin ako kay Rina, ang girlfriend ko for 1 and a half years nang marinig ko ang sinabi niya. We are on a date dito sa park pero ito ako, lumilipad ang isipan sa kung saan. Napabuntong-hininga ako.     “A... Wala lang ito.” Sabi ko sa kanya. Mas tinabihan ko pa siya sa inuupuan naming dalawa.     “Hindi naman pwedeng wala lang ‘yan dahil kung wala nga lang, iisipin kong baliw ka sige.” Pabiro niyang sabi.     Muli akong napabuntong-hininga. Hay! Sabihin ko na nga.    “Si Mama kasi... Nagbubuhay dalaga.” Sabi ko sa kanya.     Nangunot ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay ng maganda kong girlfriend.   “What do you mean?” pagtatakang tanong niya.    “What I mean is... Si Mama... mukhang may manliligaw.” Sabi ko sa kanya.     Napatango siya saka pamaya-maya ay napangiti. Bakit siya napapangiti?    “O... Bakit ka napapangiti diyan?” ako naman ang nagtaka sa kanya.     “Ikaw kasi... Akala ko naman napakaseryoso ng problemang dinadala mo... Handa pa naman sana kitang tulungan.” Sabi niya.     “Seryoso naman talagang problema ang sinabi ko a... Ikaw kaya, paano kung malaman mo na may bagong nililigawan ang Papa mo pagkatapos mawala ng mama mo, di ba magugulat ka? Magkakaroon ka ng agam-agam sa sarili at hindi mo maiiwasang mag-alala.” Sabi ko sa kanya.     Napatango-tango siya.     “Naiintindihan ko... pero wala pa ako sa sitwasyon na gaya ng sayo kaya ikaw ang topic.” Sabi niya.     “Alam mo By... Hindi naman malayo na magkaroon ng bagong manliligaw ang Mama mo, una... ang ganda kaya ng Mama mo at isa pa, single naman siya...”     “Pero hindi pwede.” Sabi ko kaagad na pumutol sa sinasabi niya.     “Bakit naman hindi pwede?” tanong niya sa akin. Imbes na date namin ito, napunta sa pag-uusap tungkol kay Mama.     “Kasi... Kasi dahil sa ginagawa niya, ipinapakita lamang niya na nakalimutan na niya si Papa... na hindi na niya ito mahal at isa pa, ang ibig sabihin lang nun... hindi na ako sapat para sa kanya.” Sabi ko.     Napailing siya sa sinabi ko.    “Alam mo... Hindi naman siguro ‘yan ang gustong iparating sayo ng Mama mo... Sa tingin ko, hindi naman niya kakalimutan ang Papa mo, habambuhay na siyang nakatatak sa kanya... Mahal niya ang Papa mo at pati na rin ikaw pero may mga bagay na kailangan nang iwanan sa nakaraan para maging mas masaya sa kasalukuyan... Alalahanin mo, sa bawat pagkilos ng kamay ng orasan, may mga nagbabago at sa tingin ko, nangyayari na ang mga pagbabagong iyon.” Sabi niya. Napabuntong-hininga. “Niyayakap lang ng Mama mo ang mga pagbabagong dumarating sa buhay niya, hindi naman ibig sabihin nun na hindi sapat ang mga nangyayari sa kanya sa kasalukuyan para maging masaya, tinatanggap lamang niya sa kanyang sarili ‘yung mga mas makakadagdag sa sayang nararamdaman niya sa hinaharap.” Sabi pa niya.     Natahimik ako sa sinabi ni Rina.    “Ikaw... Ibig sabihin ba kaya minahal at ginawa mo akong girlfriend kasi hindi na sapat ang Mama mo na nagpapasaya sayo?” tanong pa niya.    Napailing ako.     “Bakit naman napunta sa atin?” tanong ko.    Napangiti siya.     “Alam mo kasi... iba ang pagmamahal ng isang pamilya sa pagmamahal ng isang magkarelasyon... Dapat alam mo ‘yan.” Sabi ni Rina.     Alam ko naman iyon. Siguro hindi ko lang talaga matanggap sa sarili ko ang katotohanang may bagong lalaki si Mama sa buhay niya.   “Ang lahat ng tao sa mundo ay may karapatang magmahal... Ano man ang edad, kasarian o estado sa lipunan, malaya nilang gawin iyon. Deserve ng bawat tao ang magmahal at mahalin... Gaya ng Mama mo na nangulila sa Papa mo ng maraming taon, deserve niya na magmahal at mahalin rin muli at ito na ang tamang panahon para doon.” Sabi pa niya sa akin.     Napailing-iling ako.    “Pero hindi pwede... Ayokong palitan niya si Papa sa mga buhay namin.” Sabi ko. “Hindi ko ‘yun hahayaan.” Sabi ko pa.     Hinawakan ni Rina ang kanang kamay ko at bahagya iyong pinisil.    “Sinabi ko na di ba?Sa tingin ko hindi papalitan ni Tita si Tito... Dumating lang sa kanya ang panibagong pag-ibig at tinanggap niya iyon dahil gusto niya. Sana lawakan mo ang pag-unawa mo sa kanya dahil ikaw, nagmahal ka rin naman.” Sabi niya. Napabuntong-hininga siya. “Isa pa, ang pag-ibig, hindi mo ‘yan mapipigilan kahit na magtayo ka pa ng isang mataas na pader sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan, uusbong at uusbong pa rin ang mga nararamdaman nila at gagawa sila ng paraan para maiparamdam sa isa’t-isa ang pagmamahal... Hayaan mo na lamang ang Mama mo, alam naman niya kung anong ginagawa niya.” Sabi pa niya.     Masasabi kong close sila ni Mama dahil sa tuwing pupunta siya sa bahay, imbes na ako ang lagi niyang kasama, si Mama at kwentuhan to the max sila at minsan, tinuturuan pa ni Mama si By na magluto.     Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya.     “Natatakot lang kasi ako para kay Mama e... paano kung magkamali siya? Paano kung saktan lang siya ng lalaking kinahuhumalingan niya ngayon? Paano kung sa pagpasok ng lalaking iyon sa mga buhay namin, imbes na maging masaya ay mapunta iyon sa delubyo? Alam ko sa sarili kong kaya ko siyang maipagtanggol pero hindi naman lahat kaya kong gawin para sa kanya dahil hindi naman ako ganun kalakas gaya ng iniisip ng lahat.” Sabi ko.     “Nakita mo na ba ang manliligaw ng Mama mo?” tanong ni Rina. Napailing ako.     “Masyado kang advance mag-isip... Hindi mo pa nga nakikita at kilala ‘yung tao pero hinuhusgahan mo na agad.” Sabi niya.    “Tama lang na maging advance ang pag-iisip ko sa mga bagay-bagay para hindi maging mali ang kalabasan.” Sabi ko.     “Pero mali na manghusga ka ng ibang tao na hindi mo man lang pa nakikita at nakikilala.” Sabi niya.     Napabuntong-hininga ako. Kahit kailan talaga, hindi ako nanalo sa girlfriend kong ito.     Niyakap ko na nga lang siya para gumaan ang pakiramdam ko. Sarap niya talaga yakapin kasi chubby siya. Natuwa naman siya sa pagyakap ko kaya gumanti siya.     Siya si Rina Montelibano, kasing edad ko, galing sa may kayang pamilya. Ulila na siya sa ina kaya naman ang kanyang ama ang siyang nag-aalaga at tanging pamilya niya. Minsan ko na ring nakita at nakasama ang Daddy niya na masasabi kong mabait at pinagmanahan nitong si Rina.     One and a half years na ang aming relasyon. Nagkakilala kami sa work. Ewan ba pero lagi kaming nag-aasaran kapag beaktime, nabuyo kami tuloy ng mga ka-officemate namin hanggang sa isang araw, narealize kong nahulog na ako sa kanya. Akala ko nga walang sasalo pero sinalo niya ako kasi nahulog rin siya sa akin. Now, mahal na mahal na namin ang isa’t-isa and going strong!     He accepted me for who I am. Yes, alam niya ang tunay kong pagkatao at hindi niya ikinahihiya na ako ang boyfriend niya. Lalaki pa rin naman ako kumilos at manamit at dahil tanggap niya ako at ipinagmamalaki pa, hindi ko hinahayaan ang sarili ko na maging bakla sa paningin ng iba para hindi rin niya ako ikahiya kahit na alam kong hinding-hindi niya gagawin iyon, kumbaga, nagkukusa na ako na hindi gawin ang mga bagay na pwedeng ikutya sa kanya ng iba. Hindi ko nga akalain na matatanggap niya ako, una pa lang kasi, inamin ko na sa kanya ang lahat. Ang dahilan niya kung bakit niya ako tinanggap? Kasi ang gwapo ko daw at lalaki pa rin naman daw ako. Hindi ko nga maiwasang matawa kapag naaalala ang sinabi niyang iyon. Siya rin naman, ang ganda kaya niya.     Tanggap rin ako ng Daddy niya, dapat sa una pa lang, maging tapat na ako at iyon ang ginawa ko. Siguro, nakita ng Dad niya na hindi ko naman pinababayaan ang anak niya kaya kung anuman ang kasarian ko, wala na siyang pakiealam basta ang mahalaga, lalaki akong pinapahalagahan at minamahal ang kanyang nag-iisang anak.     Sa tagal ng aming relasyon, mas nangingibabaw ang saya kaysa lungkot. May problema at tampuhan pero nalalagpasan at nasosolusyunan namin. Ganun naman talaga ang relasyon, parang ferris wheel, oo magiging masaya ka sa pagsakay pero darating ka sa puntong sisigaw ka dahil sa takot, kumbaga, hindi laging saya ang mararamdaman.     I am so lucky na dumating siya sa buhay ko... Sa kabila ng lahat, binigyan ako ni God ng isang tulad niya at hindi ko hahayaang mawala siya sa akin.     #TheSecondHusband CHAPTER 4     Lumipas ang mga araw at naging madalas ang pag-alis ni Mama sa bahay. Minsan nga, mas nauuna pa siya sa akin at ang lagi niyang dinadahilan, kundi mamimili siya ng mga inorder sa kanya online sa Divisoria, makikipag-meet up siya sa mga customer niya pero ang mga dahilan na iyon ay hindi ko na masyadong pinaniniwalaan at ang paghihinala ay mas lalo pang tumibay.     Wala naman akong magawa, gusto ko mang pigilan si Mama pero wala e, minsan ko na iyong ginawa pero nauwi lang sa wala at mas nasunod pa rin ang gusto niya. Ewan ko ba, nagmistulang ako ang naging tatay niya at siya ang anak na lagi kong pinapangaralan.     Ginagalang ko si Mama pero may mga pagkakataong hindi lalo na kung nag-uusap kami tungkol sa pag-alis alis niya. Natataasan ko siya ng boses kahit hindi ko gusto. Bilang anak niya at lalaki pa, kailangan kong protektahan ang sarili kong ina, ako na lamang ang gagawa nun sa kanya.     Ngayong araw ay day off ko na naman. Wala muli si Mama sa bahay dahil pinagpalit niya ang sana ay bonding namin every week para lamang makipagmeet up daw sa mga customer niya. May mga props pa nga siya pero alam ko, sa kanya lamang siya makikipagkita ang aking ina.     Hindi ko maiwasang hindi mainis. Sa isip-isip ko, mas mahalaga pa pala ang taong iyon kaysa sa akin? Ano bang meron siya at mukhang mas napapasaya pa niya si Mama? Nabuo tuloy ang kuryosidad sa akin. Gusto kong makita ang lalaking kinahuhumalingan ngayon ng aking ina.     Napatingin ako sa itaas, Napabuntong-hininga.    “Pasensya ka na kay Mama, Pa sa mga nakikita mo sa kanya... Ewan ko ba pero mukhang tinamaan na naman ng pag-ibig sa iba... Pag-ibig nga ba talaga? Hay! Pa... pinipigilan ko naman e pero sadyang tumitigas na ang ulo ni Mama at ayaw ng papigil kahit na kung ano-ano na ang sinasabi ko.” Sabi ko. Kinakausap ko si Papa. “Tulungan mo naman ako Pa o... Kung pwede magpakita ka kay Mama at kausapin siya... Iparating mo sa kanya na ayaw mong palitan ka niya kasi kung ako ang tatanungin, ayoko. Ayokong may pumalit sayo Papa.” Sabi ko pa.     Napabuntong-hininga ako.   - - - - - - - - -- - - - -     Pagkalipas ng tatlong buwan...     Mabilis na lumipas ang panahon. Sa panahong ito, tila nagkakalayo na kami ni Mama. Mas naging palalabas kasi siya ng bahay hindi gaya noon.     Day-off ko ngayon, wala si Mama sa bahay kaya bilang wala akong magawa, naglinis ako ng bahay. Mabuti na lamang at hindi ganun kainit at nakasuot naman ako ng sando kaya naging komportable ang ginagawa ko.     Napatingin ako sa pintuan ng bahay namin ng magbukas iyon. Nakita kong pumasok si Mama na sasalubungin ko sana pero napahinto ako dahil may kasama pala siya na kaagad na sumunod at nasa likod niya. Napatingin silang dalawa sa akin.     Siya na ba? Siya na ba iyong gusto kong makita noon pa? Ang lalaking kinahuhumalingan ng aking ina? Ito na ba ang panahong sa totoo lang, kinakatakutan kong dumating?     Sinara nila ang pintuan at lumapit sa akin.   Nasa sala kaming tatlo... Ako, si Mama at katabi niya ang isang lalaking matangkad, matipuno at hindi ko ikakailang gwapo kahit na halatang may edad na. Sa tingin ko nga nasa late thirties na ito.     Pinipilit kong alisin sa utak ko ang mga sinasabi nito pero sadyang makulit siya kaya naman paulit-ulit itong nagsasabi sa akin na ayaw kong tanggapin. May hinala na ako kung sino ang lalaking ito gaya nang sinasabi ng utak ko pero ayokong paniwalaan dahil hindi ko tanggap.     “Sino siya?” tanong ko. Gusto kong makumpirma na siya na nga. Kinakabahan ako sa totoo lang.     Tipid na napangiti sa akin si Mama. Napatingin ito sa kasama niya. Nagkangitian sila.     “Siya ang binata kong anak... Si Eris.” Pagpapakilala ni Mama sa akin sa kasama niya. Muling napatingin sa akin si Mama. Napabuntong-hininga bago magsimulang magsalita.     “Anak... Pasensya ka na kung ngayon ko lamang sasabihin sayo ang lahat... Nahihiya kasi ako at the same time, inaalala ko ang magiging reaksyon at mararamdaman mo na nakakapagpahina ng loob ko... pero ngayon, handa na ako, handa na akong sabihin sayo ang lahat kaya sana, makinig kang mabuti at tanggapin ang kung anumang mga sasabihin ko.” Paunang sinabi ni Mama. Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya.     Napatingin ako sa kanilang mga kamay nang maghawak iyon ng mahigpit. Sinasabi ko na nga ba. Kaya pala napapansin ko na parang nagbubuhay dalaga ang aking ina. Sa pag-uwi, may dalang mga bulaklak at chocolates, akala ko binili lamang niya pero sa tingin ko, hindi.     “Anak... Ipinapakilala ko sayo si Greco... ang aking nobyo.” Sabi ni Mama. Napatingin ako sa lalaking katabi ni Mama. Nakatingin sa akin ang kanyang chinitong mga mata at nakangiti ang kanyang may kanipisan at mamula-mulang labi. Kahit ang balat niyang makinis at mestiso ay mamula-mula ang kulay, sa tingin ko nga, may lahi itong korean.     Bigla kong naalala noon ang tinanong sa akin ni Mama nung minsan kaming mag-usap muli.     “Anak... Kung sakaling magkakanobyo ba ako... tatanggapin mo ba?”     “Hindi.” Naisatinig ko ang dapat ay sa isipan ko lang. Ngayon ay nasagot ko na ang tanong niya na hindi ko nasagot noon.     Nagulat sila sa sinabi ko.    “Anak...”     “Ganun na lang ba sayo kadaling palitan si Papa na minahal mo ng higit labing-limang taon?” tanong ko kaagad sa kanya. Alam kong nagagalit na ako at dapat lang na magalit ako kasi papalitan na niya si Papa.     “Anak... Hindi sa ganun... Kaya lang... dumating kasi sa akin ang pag-ibig... Akala ko, hindi na ako muling magmamahal pero nung dumating si Greco sa buhay ko... nagbago ang lahat. Mahal ko pa rin ang Papa mo pero wala na siya... Ilang taon na siyang wala at sa mga panahong iyon, nangulila at nalungkot ako...”    “Kahit na!” sumisigaw na ako. Galit akong napatingin kay Greco na nakatingin pa rin sa akin pero wala na ang ngiti sa labi. Muli akong napatingin kay Mama. “Kung mahal mo talaga si Papa, hindi mo siya kailanman papalitan hindi lamang sa puso mo kundi pati na rin sa buhay ko.” Sabi ko pa.     “Anak naman... Kailanman ay hindi mapapalitan ang Papa mo... Siguro may darating lang at si Greco iyon pero hindi siya mapapalitan dahil iba siya, nakatatak na ang papa mo sa ating mga puso at buhay.” Sabi ni Mama.     Napailing-iling ako.     “Sana anak matanggap mo... Hindi ko napigilang magmahal muli... hindi ko man ito inaasahan pero bigla na lang dumating at tinanggap ko ng buong puso dahil gusto ko rin naman maging masaya... Sana maging masaya ka rin para sa akin...”     “Hindi pa ba ako sapat sayo Ma? Hindi ba kita napapasaya? Nasanay naman tayong dalawa lang sa bahay na ito pero bakit gusto mo pa yata magdagdag ng isa?” tanong ko kaagad.   Napabuntong-hininga si Mama. Naluluha na siya.     “Anak... Masaya naman ako na kasama kita... pero iba kasi na may katuwang ako... na may kasama akong mag-aalaga rin sayo. Iba pa rin kapag kumpleto ang pamilya.” Sabi niya.     “Ma... Matagal ng hindi kumpleto ang pamilya natin dahil nawala si Papa... at kung iniisip mong muling kukumpletuhin ng lalaki mo ang pamilyang meron tayo, nagkakamali ka.” Sabi ko sa kanya.     Mahigit dalawampung taon ng wala si Papa. Kinse pa lamang ako nun. Namatay siya dahil sa isang car accident. Mabuti na lamang at may kaya naman ang pamilya namin kaya hindi kami nahirapan sa pinansyal ngunit alam kong nahirapan si Mama na palakihin akong maayos ng nag-iisa lamang. Alam ko iyon pero nakaya naman niya e, bakit ngayon kailangan niya pang magkaroon ng katuwang?     “Anak Please... sana matanggap mo kami...”     “Hindi.” Sabi ko kaagad. “Hindi ko hahayaang mapalitan ng lalaking ‘yan si Papa.” Sabi ko pa. Tiningnan ko si Greco. Malungkot siya dahil sa mga binitawan kong salita.     Hindi ko kailangan ng isa pang ama, sapat na sa akin si Papa na naging ama ko kahit na sa sandaling panahon lamang.     Tuluyang umiyak si Mama, niyakap naman siya ni Greco at pinapatahan.     Ayokong nakikitang umiiyak si Mama lalo na at ako pa ang dahilan pero kailangan kong maging matigas para makita niya na hindi talaga ako sang-ayon sa pagkakaroon niya ng nobyo at alam kong magiging asawa niyang muli.     Tinalikuran ko silang dalawa at nagpunta sa kwarto ko. Sa pagsara ko ng pintuan, napasandal ako sa likuran nun. Nakakuyom ang aking mga kamao at namumuo ang galit sa akin.     Hindi ko matanggap ang lahat, ang bilis. Ang hirap i-absorb ng mabilisan sa akin ang mga pangyayari.     Bakit ganun na lang kadali para sa kanya na palitan si Papa? Bakit pa siya nagmahal kung alam niyang malulungkot si Papa na nakakakita sa kanya? Hindi man lamang niya naisip ang mararamdaman ko at ni Papa! Makasarili siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD