#TheSecondHusband CHAPTER 13 Hindi ko maintindihan pero naging masaya ako sa araw ko. Naging ganado akong magtrabaho sa opisina to the point na gusto ko pa ngang mag overtime pero hindi naman ako pinayagan ni boss dahil kailangan makauwi ako ng maaga at makapagpahinga din. Naisip ko, siguro kaya ganito ako ay dahil kahit papaano ay nawala ang bigat sa damdamin ko. Naalala ko si Greco at ang naging pag-uusap namin. Masasabi kong mabuti naman siyang tao, sana nga lang ay tama ang impresyon ko ngayon sa kanya. Maaga akong umuwi ng bahay, hindi ko na inisip na magliwaliw pa sa labas. Pumasok ako sa bahay at naabutan ko si Greco na nasa sala at nanunuod ng tv. Napatingin ito nang mapansin ako. “O... Nandyan ka na pala.” Sabi niya. Napatango ako. Lumapit ako sa kan