Chapter 3

1404 Words
KANO Tinaasan n'ya ako ng kilay. What the f*ck? Ayaw n'ya ba sa akin? Well, that's a first. Simula ng magbinata hanggang ngayon na trenta y dos na ako ay walang babae na hindi nagkagusto sa akin. Mas lalong lumala noong sumali ako sa banda. And if you think that's the end of it, nagdoble triple pa ang mga naghahabol sa akin noong nadiscover kami sa isang gig sa bar. We instantly rose to stardom after that. But this woman.. she's so beautiful and I can't take my eyes off her. Kung wala ako sa entablado ay nalapitan ko na s'ya. Hmm.. why not call her out on the stage and sing her a song. Nang matapos ko ang kinakanta ko ay nagsimula akong kausapin ang crowd. "How's everyone doing so far tonight?" The crowd responded loudly. "Great!" "That's awesome! So tonight, I want the most beautiful woman I ever laid my eyes on to come up to the stage and join me," I smiled at her. Nagsimulang umugong ang bulungan at halata ang kilig ng mga manonood. Nang lingunin ko sina Jax ay nakangisi ang mga ito at nanunukso ang mga mata. Bago magsimula ang concert ay naagaw na n'ya ang pansin ko.  Nakita ko s'yang kumakain ng hotdog kasama ng kaibigan n'ya sa may gilid. She looked sophisticated kahit nakasalampak lang sila at hindi ko napigilan ang mapangiti ng ngumiwi s'ya sa kaibigan n'ya. She looked adorable. I wonder what her friend said to her. Lalapitan ko sana s'ya pero tinawag na kami ng manager. I was hoping to see her in the crowd kahit alam kong maraming tao. And maybe it's fate, because she's right here in front of me. "And the woman I was referring to is this one right... here," I pointed at her and the spotlight shone on her. The crowd went wild. Ang kaibigan n'ya ay kinilig ay siniko s'ya habang nasisilaw naman ang itsura n'ya at nakangiwi na naman. Halos ipagtulakan ito ng kaibigan n'ya at panay naman ang iling n'ya. Halata ang disgusto at ayaw pumanhik. Well, she's gonna have to. Nang alalayan s'ya ng security staff paakyat ng stage ay nakatutok ang mga mata n'ya sa akin at wari ko ay may binabadyang bagyo. Nang makalapit s'ya sa akin ay ngumiti ako sa kanya. "I was right, mas maganda pa s'ya sa malapitan. What's your name, Miss?" Inamba ko sa kanya ang microphone. Pero hindi agad s'ya sumagot at gusto kong pagpawisan. Nakahinga lang ako ng maluwag ng bahagya n'yang ilapit ang mukha sa mic at sabihin ang pangalan n'ya. Sa totoo lang, ngayon lang ako ninerbyos sa harap ng babae. She's different and unpredictable. "Jai." See? Even her name is unique. I wonder if it  is an acronym for something. "Jai, a beautiful name for such a beautiful woman. This song is for you," humarap ako sa crowd. "It's called Always Only You." Naghiyawan ang crowd. It's their most favorite. I saw her blush earlier when I dedicated the song to her. Mas lalo s'yang namula nang hawakan ko ang kamay n'ya at nagsimulang kumanta. When I finished the song, inalalayan ko s'ya pababa at inihatid sa upuan n'ya. Bumulong ako sa kanya. "Join me in the backstage later." But I didn't get any reaction from her habang ang kaibigan n'ya ay mukhang mamamatay na sa kilig. I went back to the stage and finished the set. When our concert was done, nagsimula ng magsitayuan ang mga tao para pumalakpak and somewhere along the way, I lost sight of her. She was wearing a black top for Pete's sake. Kanina pa ako naghihintay sa backstage at napansin ako ni Jax. Kanina pa kasi ako nag-aabang dahil wala s'yang passes. Damn! Hindi ko rin naitanong ang apelyido n'ya. Am I losing my touch? "Hey, dumating na ba s'ya?" "Wala pa nga. Saan kaya nagsuot ang babaeng 'yon?" But the night went on at madaling araw na ngayon ay walang Jai na nagpakita sa akin. The next day, I asked the company who purchased the tickets for that seat para mapuntahan ko s'ya. Stalker lang ang dating pero gustong gusto ko talaga s'yang makita. Hindi pa ako nagkaganito sa isang babae. Ngayon lang -- at mukhang mababasted pa yata ako sa kauna unahang  pagkakataon. Ngunit sadyang mailap ang pagkakataon, the ticket was purchased anonymously kaya kahit kaibigan n'ya ay hindi ko malaman ang pangalan. A week later, we had another concert at sold out uli 'yon. Kahit ang selected VIP tickets at backstage passes ay ubos. One person bought it. I wonder who it is. Kung sinuman 'yon ay nahihibang na siguro para bilhin lahat. Not to mention mayaman. But the person didn't show up  at nagsimula ng mag-uwian ang mga kasama ko. At the back of my head, I was hoping to see Jai so I stayed behind. Which turned out to be a bad move dahil paglabas ko ay kinuyog ako ng mga babae. Dumaan ako sa gilid aat pagbukas ko ng pinto ay may isang mamahaling kotse. Luckily, bukas 'yon. At ang driver ay babae na kumakain ng.. "What the --" gulat na bulalas n'ya. Natigil ang pagkagat n'ya ng kinakain n'ya. "Is that cheeseburger?" Talagang nakuha ko pa ng magtanong sa kanya sa kabila ng pagkagulat n'ya. She looked familiar. "What are you doing in my car? I don't remember inviting you in," mataray na sabi n'ya. That voice. "I need your help." Kumunot ang noo nito. Medyo madilim sa kotse n'ya at nang buksan ko ang pinto ay umilaw sa loob pero namatay rin ito ng saraduhan ko. I can hear the women screaming at palapit ng palapit ang mga yabag nila. Nakita ko rin sa glass door na madami sila. Sh*t. "And why would I help you?" "I'll owe you. Just get me out of here. Take me anywhere.  Malapit na sila." Bahagya itong napabuga ng hangin. "You owe me. Remember that," pinaandar n'ya ang sasakyan at nagsimulang magmaneho. I felt relieved and now I am hungry. Hindi pa nga pala ako kumakain sa kahihintay sa misteryosong tao na 'yon. And this cheeseburger is making my stomach grumble even more. Mukhang narinig yata n'ya. I saw her smirked. "Eat it. Isang kagat ko pa lang 'yan. Unless maselan ka, eh di magpakagutom ka na --" "On it. Thank you," nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi ko s'ya pinatapos sa pagsasalita kanina. Madali kong naubos ang cheeseburger at ininom ko rin ang coke n'ya. Napansin ko na lang na pumasok kami sa isang underground garage sa isang mataas na building. Nang lumabas s'ya ay sumunod ako. She pressed 'P' for penthouse. Okay. I can hide here for a bit and then go home later. Pinasadahan ko s'ya ng tingin. Mabilis lang. This woman had no make up on. Her hair is tied on a ponytail. She looked formal. Slacks, long sleeves and flat shoes. And she's wearing specs -- teacher? Pumasok kami sa loob ng bahay n'ya. It was very organized and very clean. Very classy.. just like her. "What do you want to drink? Nagugutom ka pa ba?" "Just water, please. Thanks," sagot ko sa kanya. "Okay, I'll get you one. Have a seat and make yourself comfortable." Saglit lang at bumalik s'ya dala ang tubig ko. Naupo s'ya sa katapat kong silya. Nang magsimula s'yang magsalita ay parang naririnig ko ang boses ni Jai. But she can't be Jai. "Did you hear me? You were spacing out," kunot noong tanong n'ya sa akin. That frown. "Sorry. May iniisip lang. What's your name. Full name." "I'm Juliana Aspen Itzel London. What's your name?" Ang haba ng pangalan. At tinanong pa ang pangalan ko. Hindi n'ya ako kilala? "I'm Kano." She rolled her eyes. "I know that. Your full name is what I meant." Umasim ang mukha ko. I don't like my name. Masama yata ang loob ng nanay ko sa mundo noong pangalanan n'ya ako. "Nicanor Tejada." And that made her smile. Her smile reminds me of Jai. Juliana Aspen Itzel.. J.. A.. I.. F*ck! It's her. Anong nangyari sa kanya? "You said earlier that I owe you. Well, I need something." "Okay. Tell me." "I need your sperm." Naibuga ko ang tubig na ininom ko. What the f*ck? I thought she wanted a date. Maybe a relationship with me. Be my girlfriend or something.. normal. But to ask me for my sperm? She has lost her goddamn mind!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD