JAI
Isinara ko ang pinto ng walk in closet ko at saka nagpalit ng damit. Hindi ko maiwasan ang pagbuntong hininga. Kung hindi ko lang talaga mahal itong si Chee, nungka mo akong mapagsuot ng ganito. Pakiramdam ko ay nakabilad ang kaluluwa ko sa lahat ng taong makakakita sa akin. Nang maisuot ko ang damit na gusto n'ya ay pinasadahan ko ang sarili ko sa salamin. It doesn't look so bad but still, hindi ako sanay. Hindi bale, isang gabi lang naman. Bukas ay balik na ako uli sa pagsusuot ng slack at lab coat. Hindi lang 'yon, flat shoes at hindi required ang stilettos.
Nang lumabas ako napatakip s'ya ng bibig at saka umirit. Patakbo s'yang lumapit sa akin at niyakap ako. Ano bang nangyayari sa kanya? Tuluyan na bang nakalas ang natitirang turnilyo sa ulo n'ya? Magkaroon ka naman ng kaibigan na katulad ni Chee, masisiraan ka siguro ng bait.
"Oh my gosh, bru! Bakit ngayon ka lang nag-suot ng ganyan? Kung noon pa ay siguradong pila na ang jowa mo ngayon at hindi lang isa!"
"Luka luka ka talaga, anong pinagsasasabi mo d'yan na jowa? Tara na," aya ko sa kanya. Hahagippin ko pa lang ang shoulder bag ko ay napapalatak na naman s'ya.
"Ano ka ba naman! Hindi tayo lalabas na ganyan ang itsura mo. Hind pa kumpleto. I need to apply some make up on you and put some waves on your hair. Hindi ba mas bongga kung ganoon ang itsura mo sa concert? Malay mo, mabingwit mo pa si Papa Kano! Yieee! OMG sooo excited! Halika na," hinila n'ya ako papunta sa may dresser ko at pinaupo.
Una n'yang ginawa ang buhok ko dahil madali lang naman daw ang mag-make up. Kaya lang ako may stock ng make up dito sa bahay ay dahil n'ya. Kapag lumalabas kami, madalas may shopping na kasama. Ewan ko ba d'yan, hindi yata nag-uulit ng damit at kung sa make up naman -- aba, hindi pa nababawasan ang sa akin pero ang kanya ay pudpod na. Minsan nga gusto na n'ya akong batukan kasi tinudyo ko s'ya kung kinakain ba n'ya at napakadali n'yang makaubos. Sabi naman n'ya, kaya daw hindi nauubos ang stock ko dahil hindi ko nagagamit. Totoo naman 'yon.
Once my look was complete, hindi ko makilala ang sarili ko. My make up is so simple and I love it. Wala lang akong oras mag-ayos ng ganito araw araw. Madami daming minuto na 'yon para sa research and testing. Pinapalitan n'ya rin kasi ng contacts ang salamin na gamit ko para super na duper pa ang transformation ko. Na-enhance ang cheekbone ko at well defined na ang mga labi ko. Ang kilay ko naman ay natural ng may korte at hindi mukhang gubat kaya okay lang. Alam n'ya na ayaw ko ng ginuguhitan ng lapis. Hindi ko naman maintindihan sa mga babae ngayon kung bakit aahitin ang kilay tapos saka guguhitan. That for me is such a weird, weird act.
Chee's choice of words sometimes gives me the cringe at ang malala -- nahahawa na yata ako sa kanya. Pero ang galing ng pagkakaayos n'ya sa akin. Sabagay, magaling naman talaga s'ya sa kulay. Nagtapos s'ya ng kursong Fine Arts sa Unibersidad ng Sto. Tomas. No Latin honours but still, she graduated and for me, she's the best among the rest. Ang pagtimpla n'ya ng mga kulay ay tunay na kahanga hanga sa kanya. Naalala ko pa, pati pintura na dapat sa canvas lang ay kulapol sa blouse at pantalon n'ya. At kahit mukha at braso ay hindi pinatawad.
Hindi nagtagal at lulan na kami ng kotse n'ya. Nagdala s'ya ng driver ngayong gabi dahil alam kong mag-iinom 'yan ng kaunti. I admire her for being responsible. Kahit isang baso ng alak lang ang nainom o isang bote ng beer, hindi hahawak ng manibela 'yan. At heto na nga kami, twenty minutes later ay nasa coliseum na kami. Saka ko naalala na hindi pa nga pala ako naghahapunan.
"Kumain ka na ba?"
Umiling si Chee. "Hindi pa, ikaw?"
"Hindi pa rin."
"Tara doon, may stand ng hotdog. Libre kita tsaka soft drinks," aya n'ya sa akin.
Minsan hindi ko alam kung adventurous s'ya o talagang kuripot lang eh. Imagine, self-made millionaire pero ang mga kinakain pang-kanto? Naglalakad kami papunta doon ng tanungin ko s'ya.
"Hindi kaya tayo magkasakit ng hepa kung bibili tayo n'yan?"
Umasim ang mukha n'ya. "Hayan ka na naman sa mga hazardous threats mo sa buhay. Ang sarap kaya, try mo. At for sure, magugustuhan mo. Hepa ka d'yan. Malinis 'yan."
I sighed. "All right, I'll try it. It better not make me sick, China or you'll --"
"Never hear the end of it, I know Juliana Aspen Itzel London," pinaikot na naman n'ya ang dalawa n'yang mata at halos mawala ang itim.
Nang makaorder kami ay para kaming mga tanga na pinag-cheers ang hotdog. Nagkatawanan pa kami at naupo sa may pasimano sa gilid. Wala kasing mesa at upuan.
"Ano, masarap?"
"Uhm, okay lang."
Natawa ito. "Mual ka at mas marami kang nakain sa akin pero okay lang ang sagot mo. Pag gusto mo pa, sabihin mo lang at ibibili kita uli," nakangising sabi n'ya sa akin.
Masarap naman ang tinda ng hotdog stand -- ayaw ko lang aminin sa kanya. But then it showed how much I liked it when I finished it faster than her. Kumbaga, simot sarap. Tawa s'ya ng tawa.
"May washroom naman dito ano? I want to brush my teeth," sabi ko sa kanya.
"Brush your teeth? Ano ka? Hindi ka naman magkakaroon ng cavities kung mamamyang pag-uwi ka magsesepilyo."
Mayamaya ay may kinuha ito sa bulsa at inabot sa akin. Kulay green. Mukha itong plastic at malandas pero maliit lang na parang square.
"Ano 'yan?"
"Mint strips. Para fresh pa rin ang breath mo kapag may humalik sa 'yo," tatawa tawang sabi nito.
"Bwisit ka! Halik agad? Nalalasahan ko kasi 'yong hotdog eh kaya gusto ko sana mag-toothbrush. Pero mukhang okay na ito for now."
Nang humudyat ang alas otso ay nagsimula na ang concert at nandito kami sa first row. Ang lapit lapit ko lang sa banda at magaganda ang kanta nila. Nang sikuhin ako ni Chee ay napakunot noo ako.
"Ano ba? Bakit?"
May inginuso s'ya sa taas ng stage. "Look."
"Ano nga?"
Panay ang nguso n'ya at nang sundan ko 'yon ay si Kano, ang vocalist ng banda ay panakaw nakaw ang tingin sa akin. And as if not enough, he gave me a wink. A sexy wink.