LOURDES POV'S
Lumipas ang ilang taon. Simula ng mamatay si Mommy, at nawala si Angel, hindi na umuwi, at bumalik.
Sumasakit ang ulo ko at hindi ko na alam ang gagawin ko kay Lucy.
Madalas ang aming pag-aaway at hindi pagkakaunawaan. Pero hindi ko siya matiis.
Kahit masakit sakin at madalas na pinakikialaman niya ako sa lahat ng bagay.
Tinitiis ko lahat. Dahil sa siya nalang naman ang natitira kong pamilya at wala rin naman siyang iba na mapupuntahan oras na iwanan ko siya.
Nakakatagal naman ako ng siya lang ang kasama ko.
Kahit mahirap nga, tiniis ko nalang. Kesa ang piliin ko ang humiwalay at bumukod. Baka mas lalo lang maging malala ang maging sitwasyon at patutunguhan ng buhay ni Lucy.
“Ang baduy mo talaga, Lourdes." sabi niya nang mapansin niya ang suot ko.
Habang nakatingin sa damit na suot ko. Muli ay sinabi niya. “Tingnan mo ang damit na suot mo." aniya at lumapit.
“Ang pangit!" usal na sinambit habang nakataas ang kanyang kilay.
Nakaduster lang ako ng makita niya ng dumating siya sa bahay.
Dito ako nasanay, sa maluwang na damit o kaya naman ay duster na may kahabaan hanggang paa. Madalang naman ako magsuot ng damit na lalagpas sa aking tuhod.
Nasa bahay lang naman ako, at hindi naman ako aalis. Kaya ganito ang suot ko at hindi na ako nagpalit.
“Kaya madalas akong pintasan ng mga kaklase ko dahil sa mga suot mo." Sabi niya ulit habang mas pumalapit.
“Kita mo, hindi ka na mukhang virgin." Sabi ulit ng hawakan ang duster na suot ko.
“Parang hindi ka na dalaga sa suot mo at may maraming anak." bulalas niya at hinila ang suot kong duster.
“Sobrang pangit, ang kapal ng tela. Saan mo nabili yan?" siya ay napabuntong hininga at inikitan ako.
“Wag kang magsusuot ng ganyan, baduy." Bulalas niya ulit, sabi niya sabay bitaw sa suot kong duster.
“Ang pangit mo. Ang pangit pa ng suot mo." bulalas ni Lucy at ngumisi.
Pinagtatawanan ako ni Lucy, habang naupo muna siya sa sofa habang nakatingin sa akin.
“Wala bang makakain?" tanong niya.
“Nagugutom ako."
“Meron naman, ipaghahain kita." sagot ko.
Lumakad ako sa kusina habang napabuntong hininga.
Binilisan ko ang lakad at kumuha ng pinggan na aking paglalagyan ng pagkain na ihahatid ko sa kanya.
Buti na lang nakapagluto ako bago siya dumating.
Inihanda ko isa-isa ang kanin at mga ulam, maging ang panghimagas na binili ko para sa aming dalawa sa bayan.
Huminga pa muna ako bago binitbit ang tray na pinaglagyan ko ng makakain ni Lucy.
“Ang tagal mo." sigaw agad ni Lucy.
“Sorry!" sabi ko nung nilapag ko sa harap niya yung dala kong pagkain.
“Kahit kelan talaga, napaka kupad mo. Bilis-bilisan mo naman sa susunod." sabi nito at kinuha na ang kutsara at tinidor.
Nag-umpisa na sumubo at kumain si Lucy nang hindi man lang ako inaalok.
Magana siyang kumakain habang nakatayo ako sa harapan niya. Hindi man lang niya ako mapansin. Kahit sana maisip na alukin ako.
Nagpatuloy lang siya sa pagkain niya ng hindi tumitingin sa akin.
Napabuntong-hininga ako dahil nakaramdam na ako ng gutom. Hindi pa ako kumakain. Hinihintay ko si Lucy para sabay na kaming kumain.
Pero sa nakikita ko. Ayaw niya ako makasabay at inubos niya lahat ng mga dinala ko sa kanya.
Walang natira kahit yung panghimagas na binili ko kangina.
Muli akong napabuga.
Kinuha ko yung mga pinagkainan niya at ibinalik sa kusina upang hugasan. Habang naghuhugas ako. Sumasabay naman ang pagkulo ng tiyan ko.
Gutom na talaga ako!
Lumakad ako papunta sa may kalan. May kanin pa.
Lumakad ulit ako papunta naman sa lagayan ng mga pinggan. Kumuha ako ng plato at kutsara sinamahan ko na rin ng tinidor.
Bumalik ako sa kalan. Sumandok ako ng kanin. Kahit walang ulam, kakainin ko.
Isa pa muli na buntong hininga. Habang napatitig ako sa aking plato.
Minsan talaga napapaisip ako.
Hanggang kelan ko ba matitiis ang ganitong pamumuhay?
Hanggang kelan ko ba matitiis na kasama si Lucy at pinahihirapan ako?
Hanggang kelan matatapos ang mga responsibility ko sa kanya?
Habang ako ay nagpapakahirap na mapagtapos siya ng kanyang pag-aaral.
Minsan napapagod na rin ako. Pero dahil mahirap na bitiwan at pawalan si Lucy. Nagagawa kong tiisin lahat.
Naluha nalang ako habang naisubo ang kanin at walang ulam kundi ang kape na tinimpla ko para sa akin.
Isang patak na luha nagsunod-sunod.
“Umiiyak ka?" tanong ni Lucy. Nakita niya pala ako.
Andito siya ngayon sa kusina. Nagulat pa ako dahil hindi ko napansin ang ginawa niyang paglapit.
“Napuwing lang ako." sagot ko.
“Napuwing? Parang hindi naman." sabi niya, habang lumalakad papalapit sa akin.
“Napuwing nga lang ako. May parang pumasok sa mata ko." sabi ko muli at hindi siya naniwala sa naging palusot ko.
“Talaga lang?" Tumango ako.
“Okay!" sambit niya habang ibinababa pabalibag ang damit niya.
“Laban mo ito, plantsahin mo na rin. Kailangan ko mamaya bago sumapit ang gabi." sabi niya, pautos at lumakad na paalis.
Tinalikuran niya lang ako matapos na utusan na palabhan ang ilang piraso ng damit na kanyang ibinalibag.
Napabuga na naman ako.
Napasinghap habang nakita ang nagkalat na kanin sa mesa.
Tumama kasi yung binalibag niyang damit sa plato ko. Kaya naman ang nangyari tumalbog ang plato ko at umilapon ang ilang butil ng kanin na kinakain ko.
Tutong na nga halos yung laman ng plato ko. Natapon pa matapos niyang utusan ako at ibalibag ang mga damit na dapat kong labhan.
Muli akong napatulala nang makitang nakalat din ang kape sa mesa.
Maging yung iniinom kong kape na iniuulam ko sa kanin na tutong. Tumapon dahil kay Lucy.
Mabilis kong sininop ang mga kumalat na kanin at pinunasan ang mesa dahil sa mga kumalat na kape.
Hindi ko na rin natapos pa ang aking pagkain at iniligpit ko nalang lahat para malabhan na ang damit ni Lucy.
Matapos kong maglinis ng mga pinagkainan. Tumungo na ako sa labas para maglaba. Kumuha ako ng tubig sa timba at ibinuhos sa planggana.
Kinusot ko ng ilang beses ang damit at saka ko binanlawan. Matapos, inilagay ko sa dyer para mapiga.
Kung hindi lang kailangan ni Lucy. Hindi na sana ako gagamit ng dryer.
Nagtitipid rin ako sa kuryente. Wala pa kasi ako sapat na kita para pambayad sa mataas na electric bill.
Nito nga lang nakaraan. Umabot agad ng dalawang libo ang binayaran ko dahil sa maghapon at kung minsan ay magdamag na bukas ang lahat ng ilaw at maging ang iba pang appliances sa bahay.
Si Lucy, hindi na siya naawa sa akin.
Alam niyang tipid na tipid ako para lang mapagkasya ang mga kinikita ko sa aming dalawa.
“Lourdes!" tawag ni Lucy.
Naririnig ko na naman ang kanyang pagsigaw.
Tama nga ako. Galit na galit ito na papalapit dito sa labahan ko.
“Anong klaseng paglalaba ito?" bulalas na sabi at binalibag yung damit na hawak niya.
“Alam mo bang ang mahal ng bili ko diyan?" Pasigaw niyang sinabi, hinawakan agad ako sa buhok.
“Kahit kelan talaga, hindi mo iniisip. Alam mo kung gaano kamahal ang mga gamit ko, lalo na 'yang damit na sinira mo." umuusok sa galit si Lucy, dinuro-duro ako sa noo.
“Pasensya na, Lucy!" sagot ko nalang.
Hindi na ako kumibo pa sa kanya sa lahat ng mga sinabi niya. Nanatili nalang akong tahimik habang pinakikinggan ang lahat ng galit niya at panunumbat.