LOURDES POV'S
“Lourdes?" naririnig kong sigaw ni Patricia.
Napalingon ako sa likod ko at nakita siya.
“Humahangos ka?" tanong ko sa kanya, napahinto siya malapit na sa aking harapan.
Hinihingal pa siya na aking kinatawa.
“Ano bang meron at tumatakbo ka papunta rito?" tanong ko ulit ng makahinga na siya ng maayos.
Tinitingnan ko siya habang napangiti.
“Pasensya na, may nais lang sana ako sabihin sayo." sagot niya at huminga pang muli.
Umayos sa pagkakaupo si Patricia.
“Oh, ano naman yon?" nagtaka kong tanong na nginitian niya ako.
“Kasi nga... Paano ko ba dapat umpisahan?" nang mapahinto muli at mapag-isipan ang sasabihin.
“K-kasi..." nang huminga pa muli siya.
Mukhang malayo pa ang pinanggalingan nitong si Patricia, hanggang ngayon ay hinihingal pa siya.
“N-naalala mo yung malaking factory sa may kabilang baryo?" aniya na sabi ni Patricia na maitanong at maipaalala niya.
Naalala ko, napag-usapan na namin minsan ang tungkol sa factory na yon.
Naalala ko pa nga, hindi kami makapag-apply ni Patricia gawa na may kulang ako sa aking requirements.
Hindi ko maprovide nuon. Dahil wala pa ako sapat na pera na pangkuha ng mga requirements na hinihingi sa pagsubmit pa lang ng application sa factory.
Naalala ko na nag-apply na itong si Patricia duon. Pero, hindi siya pinalad.
Hanggang sampung tao lang ang maswerte na kinuha ng factory ng mga panahon na yon.
Kaya naman minalas si Patricia dahil sa sampu na yon ay panglabing isa pa siya.
“A-anong meron?" nagtataka ko pa rin na naitanong. Habang kinukuha ko ang nilabhan ko sa dyer.
“Open na ulit sila ngayon. Baka gusto mo mag-apply?" sabi na may tuwa ni Patricia.
“Balita ko pa, naghahanap rin sila ng mga nais na makapag-aral." excited na sambit ni Patricia na kinagulat ko rin.
“Open sila ngayon sa mga working student, at ang mapipili nila ay bibigyan nila ng scholarship." sambit pang muli ni Patricia na sobrang saya niya habang naikwento.
Napabuntong-hininga ako.
Napaisip, inisip kong mabuti ang mga sinabi ni Patricia.
Matagal ko na nais na makapag-aral, yon nga lang hindi ko magawa. Dahil mas iniisip ko si Lucy.
“Di ba?" aniya nakangiti.
“Magandang balita ang dala ko? Pagkakataon na ito para sayo, Lourdes. Di ba nga, matagal na panahon mo na nais ang makapag-aral at makapagtapos?" muli ay napahinto siya.
“Bakit parang nalulungkot ka? May problema ba?" may pag-aalala na kanyang naitanong.
Bumuhos ang maraming isipin sa akin. Kaya napatahimik nalang muna ako at napag-isip.
“Oi, Lourdes?" sabi ni Patricia, tinatawag ako sa aking pangalan.
Kinukulit habang inuuga ang aking magkabilang balikat.
“Gumising ka nga, dinaig mo pang natutulog sa bigla mong pananahimik." sabi niya at iniangat ang mukha ko para magtama ang mata naming dalawa.
“May problema ba? Sabihin mo." tanong ng may pangungulit niya.
“Si Lucy na naman?" bulalas niyang tanong.
Huminga rin siya, napahugot ng isang malalim at saka nagsalita. “Tama na nga, wag mo na siyang isipin pa. Malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya." seryosong sabi ni Patricia.
“Alam mo, sa totoo lang. Ikaw naman ang may problema kung bakit nagkakaganyan si Lucy." pamumuna na naman niya at mukhang mag-uumpisa na naman sa panenermon si Patricia.
“Pinamihasa mo siya na maging ganyan. Bakit hindi mo nalang siya hayaan na buhayin niya ang sarili niya sa paraan na siya naman?" aniya na sabi ni Patricia habang seryoso na nakatingin.
“Alam mo naman Patricia na hindi ko magagawa yan. Mahirap na bitiwan si Lucy. Baka mamaya mas lalo lang lumala, kung ngayon pa lang bibitaw na ako sa kanya." sagot ko kay Patricia.
Huminga muna ako.
“Patricia, salamat palagi sa pag-aalala mo sa akin. Sa palaging nandiyan at pagtulong sa madalas sa tuwing kailangan ko ng makakausap." sabi ko muli na kahit pilit lang ang ngiti ko.
Maramdaman niyang seryoso ako at bukal ako sa pagpapasalamat sa kanya.
“Ang drama mo. Halika na, sumama ka. Mag-apply ka ruon sa factory at baka sakali na swertehin ka naman ngayong araw. Tama na iyang drama na walang kwenta." sabi nito ng hilahin ako.
“Teka, kailangan ko pang plantsahin ito." sabi ko ng ipakita ang mga damit na nilabhan ko.
“Kay Lucy na naman ba iyan?" tanong niya nakatingin sa mga damit na hawak ko.
“Oo, kailangan raw mamaya bago maggabi." sagot ko.
“Ako na mamalantsa. Gumayak ka nalang at dalhin mo lahat ng mga requirements na meron ka na." sabi ni Patricia at kinuha sa akin ang mga damit ni Lucy.
Mabilis akong gumayak habang namamalantsa si Patricia. Matapos ko maayos ang mga gamit ko. Natapos na rin si Patricia sa pamamalantsa niya.
“Tapos na ito, alis na tayo?" tanong na sabi niya matapos mailapag ang mga damit ni Lucy.
“Teka, ihatid ko lang kay Lucy ito." sabi ko muna sa kanya at mabibilis ang yapak na tumakbo ako papunta sa kwarto ni Lucy.
Tulog si Lucy, kaya naman inilapag ko nalang sa kanyang tabi ng makita niya paggising niya ang mga damit na iniutos niya na ipalaba sa akin.
Maingat kong isinara ang pinto. Sumilip pa muna ako bago tuluyan na isinarado.
Haist! Nakahinga rin ako.
Buti nalang at tulog pa siya ng pumasok ako. Baka magtanong pa yon bakit ako aalis ng bahay at maiiwan siyang nag-iisa.
“Okay ka na?" tanong ni Patricia nagulat pa ako.
“Ano ka ba?" bulalas sa gulat ko.
“Nagulat ka ba?" nagtanong pa ito.
”Oo naman, hindi mo ba nakita nagulat ako?" tanong ko sa kanya.
“Sorry na, pero tara na, umalis na tayo bago pa magising iyang demonyo." bulong na sabi niya na nagawa pa niyang matawa, dahil sa biro na sinabi niya.
Baliw talaga itong si Patricia, madalas niyang sabihin na demonyo si Lucy. Habang ako isang angel na walang ginawa kung hindi ang sumunod sa lahat ng mga utos ni Lucy.
Alila, Yaya at kung minsan raw ay Nanay pa ni Lucy.
Kasi nga, madalas na ipatawag ako sa school ni Lucy dahil sa madalas na nasasangkot siya sa gulo.
Ako pa ang nagiging taga ayos, taga harap sa mga tao na nasasaktan ni Lucy.
Kung minsan kailangan ko pang bayaran ang mga kapwa estudyante na nabugbog ni Lucy.
Napabuga nalang ako habang binabalikan ang lahat habang itong si Patricia, akay ako habang hila niya papalabas ng bahay.
Bitbit na pala niya ang mga gamit ko.
“Basta, galingan mo mamaya sa interview. Para naman matanggap ka!" sabi at bilin ni Patricia habang nasa tricycle na kaming dalawa.
“Ikaw ba? Hindi ka ba mag-apply?" tanong ko rin sa kanya.
Saka ko lang naalala na katatanggap nga lang pala niya sa kabilang factory.
“Sorry, nakalimutan ko." sabi ko.
“Basta, ayusin mo mamaya, pagbutuhin mo ahh, sa interview pa lang, pabilibin mo na agad sila." nginitian ako ni Patricia habang pumara na siya upang makababa na kami sa tapat mismo ng factory.
”Manong, sa tabi lang po ng factory." sabi niya, kinalabit niya yung driver.
Huminto naman sa tapat sa sinabi ni Patricia.
“Salamat po!" sabi ko maging si Patricia ay napalingon ng makita namin sa aming harapan ang malaking factory ng damitan.
“Hanggang ngayon maayos pa rin itong factory na toh! Wala pa ring ipinagbago?" sabi ko.
May ilang taon na rin kasi mula ng subukan namin mag-apply rito. Ngayon parang mas lumawak pa ang nasasakupan ng buong factory.
“Halika na, duon tayo sa guard." Aya sa akin ni Patricia.
“Manong guard, hello po." nakangiti na sabi ni Patricia.
“Yes?" tanong ng malingon si Manong Guard at tiningnan ako.
Hindi si Patricia, sa akin nakatingin si Manong Guard.
“Applicant po!" sagot ni Patricia.
Parang nabigla pa yung guard sa sinabi ni Patricia.
“Pasensya na pero close na kami." sambit na sagot ng guard.
“Poh?" gulat na bigkas ni Patricia.
“Close na para sa mga applicant's na gaya niyo. Kangina pa, nagpalabas na sila ng memo na tapos na ang pagtanggap sa mga applicant's." sabi muli ng guard at naipaliwanag naman nito pero si Patricia mapilit.
“Manong, baka pwede naman po makiusap. Ang kaibigan ko lang naman po ang mag-apply." pakiusap na sabi niya.
“Hindi naman po ako kasama. Sinamahan ko lang po talaga siya. Baka pwede naman po maipakiusap. Sayang naman po ang kanyang ipinunta rito."
“Pero kasi..." napakamot sa ulo ang guard at hindi mapalagay at napapaisip sa maraming pakiusap ni Patricia.
“Sige na po, pakiusap. Siya lang naman po." sabi pang muli niya habang ako nasa likod at nakikinig lang sa mga pakikiusap ni Patricia.
“Baka kasi mapagalitan ako." sagot ng guard.
“Okay lang, patuluyin mo na." isang boses ang siyang nagsabi na kinagulat naming tatlo.
Sabay-sabay pa kami mga napalingon sa taong nagsalita nuon.
“Sir Rodel, kayo pala." sabi ng guard at humingi pa siya ng dispensa.
“Okay lang, tanggapin mo na, ngayon lang naman. Saka last na siya, huwag ka na magpatuloy ng iba." sabi nito na iniutos sa guard.
Naghabilin pa ito ng ilang mga habilin mula sa mga dadating pang applicant na gaya ko.
Si Patricia, panay ang kanyang pasasalamat sa lalakeng dumaan at siyang nagsabi na tanggapin na ako.
“Ang swerte mo!" sabi ng guard.
Nakangiti lang ito habang nakatanaw sa papalayong lalake.
Kagaya ko, sinubukan ko ring sundan at tanawin ang bawat hakbang nito habang papalayo at pumasok sa isang pinto.
Bukas kasi yung gate. Kaya naman tanaw ko hanggang sa loob maging ang ilang mga applicant's na mga nakapila para sa interview.