Ilang araw na hindi nagparamdam si Brent sa akin. Noong umalis siya ay hindi ko naman inasahan na ilang araw siyang mawawala. Siguro, feeling niya, single pa rin siya, no? Kasi iyong mga ginagawa niya ay hindi naman gawain ng isang lalaking may asawa.
“Sa tingin ko ay kailangan mo na siyang ipagdasal,” mungkahi ni Marian sa akin.
“Kaya pa kaya?”
“Bakit naman hindi? Pumunta ka sa Simala at manalangin ka doon na magbagong-buhay na ang asawa mo,” dagdag pa ni Marian.
“Sa daratig na Sabado ay pupunta na ako,” sabi ko kay Marian dahil tama naman kasi ang babae na mukhang kailangan ko ng ipagdasal si Brent. Ayoko rin namang mauwi sa hiwalayan itong sitwasyon namin kasi hindi ko kaya sa totoo lang. Hindi ko kakayanin kung mapunta siya sa ibang babae.
“Mabuti naman kung ganun. Ibili mo na lang ako ng torta doon,” bilin ni Marian dahil paborito nito ang tortang may halong tuba.
“Masusunod Madam, baka gusto mo ring magpabili ng buko pie sa Carcar,” biniro ko siya at tumango naman ito. Pagdating kasi sa pagkain ay walang pili si Marian. Sabagay, kita naman sa katawan.
“Hindi ka pa ba kakain? Mali-late ka na,” paalala ni Marian sa akin.
“Saglit lang, kakausapin ko lang mga orchids ko,” sabi ko sa kanya bago lumabas ng bahay at nagtungo sa mini-garden na nasa balcony.
Pagbalik sa loob ay nakahanda na ang mesa kaya dumulog na lang ako. Gusto ko sanang makasabay sa pagkain ang aking makulit na anak ngunit tulog pa ito.
“Tumawag pala si Brent,” sabi ni Marian sa akin kaya nabitin ang pagsubo ko ng pagkain.
“Ano’ng sabi?”
“Hindi raw siya makakauwi sa weekend. Nasa Iloilo daw siya at may conference doon tungkol sa investment daw.”
Tumango lang ako kasi p’wede naman na sa aking siya direktang mag-text, bakit kailangan na kay Marian pa? Sa tingin ko ay may kababalaghang ginawa si Brent. “Hayaan na natin siyang gawin ang lahat niya,” sabi ko.
“Mahal mo pa ba si Brent? Bakit parang wala ka ng pakialam?” Nagtanong si Marian.
Mukha ba akong walang pakialam? Hindi ba pwedeng napagod na ako sa panunuyo sa lalaking ‘yon? Hinayaan ko siyang maging pabebe sa loob ng maraming taon ngunit ayoko ng i-tolerate ‘yon. Nagsawa na ako na ako na lang palagi.
“Ipagdasal ko ba siya kung wala akong pakialam? Gusto ko lang na ma-realize niya ang kanyang pagkakamali na hindi ako ang magsasabi,” sabi ko.
“Sabagay. Sinanay mo kasi,” sinisi ako ni Marian ngunit wala akong maisagot kasi totoo naman ang sinabi nito.
“Ang sarap ng adobong pusit, magbaon na lang ako sa office,” sabi ko. Actually, hindi naman kailangang magdala ng food sa office kasi may free lunch naman kami. Salamat sa EC na maalaga sa kanyang mga empleyado. Flowing pa ang coffee, may free meals pa, mayamanin talaga ang mga Chavez. “Muntik ko ng makalimutan na Friday na ngayon, so mamaya na ako mag-grocery, may gusto ka bang ipabili?”
“Chichirya?”
“Sure. Ano ba ang gusto mo?”
“Kahit ano na lang, basta maraming cheese,” sagot ng babae.
Tumango lang ako at nag-focus sa pagkain kasi kailangan ko ang magbihis. “Pagkatapos mong kumain, pakitawag sa guardhouse na kailangan ko ng taxi,” pakiusap ko sa kanya.
“Sus, maliit na bagay,” sabi nito.
“Salamat Marian ha, kung wala ka dito sa bahay, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.”
“Aigoo, tigilan na ang kadramahan at baka ma-late ka pa.”
Ngumiti ako sa kanya dahil sa totoo lang ay itinuring ko na talaga siyang kapatid. Isa lang naman kasi ang kapatid ko at lalaki pa kaya hindi kami masyadong close. Iba rin kasi ang trip ni Rejil.
Kapag Friday ay more on kainan lang ang ganap sa opisina. May mga trucking companies kasi na magpapadala ng pagkain tuwing Biyernes. Parang prayer meeting lang ang ganap kung nasa BOC pa. Prayer meeting kasi ang tawag kapag oras na upang i-distribute ang mga perang nalikom under the table.
Dahil hindi naman kami busy ay nagpaalam na lang akong mag-undertime. Kaya lang, imbes na dumiretso sa pag-grocery, dumaan muna ako sa National Bookstore upang bumili ng libro para sa anak ko.
“Ayyy!” Tumilapon ang aking cellphone nang biglang may bumundol sa akin at paglingon ko ay nakita ko ang isang grupo ng mga estudyanteng nagkukulitan sa loob ng bookstore. Bawal nga, di ba?
Inirapan ang ko ang nakabundol sa akin ngunit bago pa ako makapag-rap ay may isang kamay na humawak sa braso ko. Tinaasan ko siya ng kilay upang alisin ang kamay nitong nakahawak sa akin. Gwapo naman sana, tatanga-tanga!
“Miss, cellphone n’yo po,” sabi nito.
Hinablot ko ang cellphone mula sa kanyang kamay at umalis na hindi nagpasalamat. Kaya lang ay nakunsensya ako bigla. Bumalik ako ngunit hindi ko na siya nakita pa. Hinanap ko siya sa buong bookstore, ngunit hindi ko na talaga siya nakita pa.
Give up na sana ako nang mahagilap ko ang kaparehong kulay ng suot niya kanina. Binilisan ko ang aking lakad hanggang sa makalapit sa kanya ngunit bigla na lang sumulpot si Lorena at Camilla sa aking likuran.
“Ano’ng ginagawa n’yo rito?” Tinanong ko sila ngunit ang aking mga mata ay palinga-linga sa paligid.
“May bibilhin si Lorena, iyong libro daw kung paano akitin ang isang lalaki,” sabi ni Camilla.
Natawa ako sa sinabi ni Camilla at nang tumingin ako sa gawi ni Lorena ay biglang yumuko ang babaeng muher. “So, nahihiya ka ngayon? Ano’ng meron? Sino ba ang aakitin mo?”
“Iyong ka-fling niya na nawalan ng gana,” si Camilla pa rin ang sumagot kaya tinampal ito ni Lorena.
“Ayaw mo naman sa walang label, eh.”
“Noon pero ngayon, gusto kong may label na kami ngunit ayaw na yata niya sa akin,” pumiyok ang boses ni Lorena habang nagsasalita.
“Masakit ba? Kaya mo ‘yan, for sure.” Biniro ko siya at mas lalo lang itong nalungkot. “Akitin mo si Levi,” mungkahi ko sa kanya.
“Gusto mo talaga akong mamatay?”
Kumunot ang nook o sa kanyang tanong dahil hindi naman kriminal si Levi. “Bakit ka naman mamamatay?”
“Baka ako naman ang tatalon sa rooftop kung ipagpapalit niya ako sa ibang babae.”
“Shhhh,” binalaan ko ang dalawang kasama na hinaan nila ang kanilang boses dahil nakita ko ang babaeng nasa rooftop noong tumalon ang babaeng nangangalang Jasmine.
“Bakit?” Sabay silang nagtanong kaya itinuro ko ang babaeng nakita ko.
“Ang ganda talaga niya,” sabi ni Camilla na parang nangangarap na maging kamukha ang babaeng ‘yon.
Sasagot sana ako nang muli kong makita ang lalaking kanina ko pa hinanap. “Hey!” Tinawag ko ang lalaki pero naka-airpods yata, hindi ako narinig eh. Paano kong kahawig lang pala niya ito? Masasayang effort ko pero gusto ko talagang magpasalamat sa lalaking ‘yon.