Wala raw siyang condom kaya walang nangyari sa amin. Ayaw naman niya ng withdrawal at hindi naman ako tanga na magpabuntis ulit gayung alam ko na kung anong klase siya.
Hindi pa niya naranasan na tumanggi ako kaya nagalit ang kumag. Nasaktan ang pride o ano at sinisi pa niya ako kung bakit lumiban siya sa kanyang trabaho. Sinabi ko bang umabsent siya upang magchukchakan kami? Family bonding ang gusto kong mangyari at hindi ‘yon! Ano’ng akala niya sa akin? Cheap? Sa kanya na lang ‘yong t***d niya, diyos ko naman, kung umasta, parang ang takaw-takaw ko sa katawan niya!
At dahil dun ay tuluyan ng nasira ang aking gabi at siya naman ay umalis. Wala akong pakialam kung saan nagpunta. Hindi ko tinext o tinawagan dahil tama na, husto na, at nag-expire na ang pagbi-baby ko sa kanya.
Kapag sobrang imbyerna ako at hindi makatulog, kdrama at mukbang ang aking libangan. Isali na rin ang t****k at mobile legends kahit paminsan-minsan ko lang silang nabubuksan. Mas vibes kami ng mga bias ko na oppa, eh.
Lumabas ako ng silid at nagtungo sa sala dahil ayokong maka-istorbo nina Marian at ng anak ko. Kapag nasa bahay kasi si Brent ay alam na ni Marian ang SOP na sa kanya matutulog ang anak ko at kapag wala naman si Brent, ako ang tatabi sa bata.
Mukbang ang aking pinanood dahil ayoko muna ng mga drama sa buhay. Puno na nga ng drama ang buhay ko, dadagdagan ko pa ba? Kaya lang nakakagutom ang mukbang lalo na sa channel ni Hamzy, my god, mga ilang minuto ko lang siyang pinanood, kumulo na kaagad ang aking tiyan.
So ang ending, inilapag ko ang phone sa center table at nagtungo sa kusina. May mga stocks ako ng ramen at kimchi kaya okey na ‘yon. Pwede na ‘yon.
“Stress eating?”
Napatalon ako nang biglang sumulpot sa kusina si Marian. “Bakit gising ka pa?” Tinanong ko siya dahil alam ko naman na maaga talagang matulog ang babae.
“Sa lakas ng boses ninyo ni Brent, sino ang hindi magigising? Nag-away na naman kayo, Kylie. I think hindi na healthy ‘yan,” mungkahi ni Marian.
Kung hindi lang kami magkapitbahay sa probinsya ni Marian dati,siguro ay ma-offend ako sa sinabi niya ngunit dahil magkaibigan naman kami, sang-ayon ako. Hindi naman ako bulag at manhid. Kitang-kita ko kung paano nagbago si Brent sa paglipas ng mga panahon.
“Pasensya ka na kanina. Si Brent kasi eh, nakainom na naman at sinisi pa ako sa pag-absent niya. Hindi mo ba nasabi sa kanya na gagabihin ako?”
“Late ko ng nabasa ang message mo at isa pa, umalis naman siya kanina kaya inakala kong mag-work siya,” sagot ni Marian.
Hindi ko na lang inisip ng husto kung saan nagtungo ang magaling kong asawa. Pagod na ako,eh. Ang gusto ko na lang mangyari ay kumain ng ramen, kimchi at manok sana kung meron man pero ayoko ng magpadeliver.
Nang kumulo ang tubig ay kaagad kong inilagay ang ramen at ang seasonings nito, at nilagyan ko rin ng konting kimchi at green onions. Style lang kumbaga.
“Ayaw mo ba ng lechon?”
“May lechon?”
“Meron madam, gusto mo bang initin ko?”
Tumango ako kasi mas masarap naman kainin kung mainit-init pa. Mas lalo tuloy akong nagutom. “Kung ganun ay kakain na ako ng rice. Sabayan mo ako,” inimbita ko si Marian mas masarap kumain kapag kasama ko siya.
“Busog pa ako,” tumanggi si Marian.
“Talaga? Ikaw ang bahala,” sabi ko at saka hinango sa kalan ang niluto kong ramen. Dinala ko ito sa mesa, at sumunod sa akin si Marian na may dalang lechon.
“Kakain na nga rin ako, kasalanan mo talaga ‘to Kylie kung bakit ang taba-taba ko na,” reklamo ni Marian.
“Luhhh, baka nakalimutan mo na mataba ka na nang pumasok dito sa bahay,” sagot ko.
“Ang hilig mo kasing kumain kahit late na,” muling nagreklamo ang babae.
“Hay naku, andami mo pang sinasabi, kumain na lang tayo.”
At iyon nga, the rest was history. Natatawa na lang kami nang muntik naming maubos ang lechon at patin na rin ang ramen. Sabay pa kaming napadighay.
Panay ang aming tawanan nang biglang dumating si Brent at hindi maipinta ang mukha nito. Nainis kaya siya dahil masaya ako samantalang siya ay hindi? Ang babaw naman niya.
Hindi niya ako pinansin at dumiretso sa itaas. Ikinibit ko na lang ang aking balikat kasi wala akong balak na suyuin siya.Ni hindi nga niya ako sinuyo kahit alam niyang galit ako o naiinis ako sa kanya.