Araw ng Sabado. Alas kwatro pa lang ay gising na ako at inilipat ko sa kwarto ni Marian ang bata. Pagkatapos ay nagluto na rin ako ng pagkain upang hindi na maabala si Marian dahil mag-isa lang ito. Wala pa rin si Brent. Dinamihan ko ang aking hinandang pagkain kasi hanggang lunch o dinner na ‘yon para kay Marian at sa anak ko. Nag-iwan na rin ako ng pera sa babae just in case na may gusto silang bilhin. Paglabas ko ng bahay ay naramdaman ko pa rin ang lamig ng hangin kahit sobrang makapal ang hoodie na aking sinuot. Inilagay ko sa bulsa ng hoodie ang aking kamay upang kahit papaano ay mainitan ito. Pinaglaruan ng aking paa ang isang maliit na bato habang hinintay ang taxi na maghahatid sa akin patungong terminal. Hindi kasi ako marunong magmaneho kaya kung wala si Brent ay commute