Pagsapit ng uwian, niyaya ko si Lorena na manood ng sine sa Ayala. Nagtext na rin ako kay Marian na gabihin ako ng uwi kasi may lakad kami ni Lorena.
Nang dumating kami sa mall, inuna namin ang ticket dahil baka mahaba ang pila mamaya. Pagkatapos ay nagtungo na kami sa foodcourt at umorder ng pagkain sa Dimsum.
Habang kumakain kami ni Lorena ay si Levi ang aming pinag-usapan. Hindi na kasi ito bumalik sa opisina pagkatapos ng insidente sa rooftop.
"Si Levi ba 'yon?"
Sinundan ko ang mga mata ni Lorena at namangha ako sa aking nakita. May kasamang babae si Levi at mukhang masaya ang dalawa habang pumila upang bumili ng ticket. "Grabe talaga si Levi!"
"Sinabi mo pa," sumang-ayon si Lorena.
"Parang walang nangyari, bilib na talaga ako sa kanya," sabi ko.
"Huwag na lang natin siyang pag-usapan kasi nakakabwisit ang lalaking 'yon! Eh si Brent, kumusta naman?"
Nagdalawang-isip ako kung sasabihin ko ba kay Lorena ang tungkol sa amin ni Brent. Pakiramdam ko kasi ay nagloloko na si Brent. Hindi naman kasi ako manhid upang hindi mapansin ang pagbabago niya.
"Ewan ko kung okay pa ba kami, lagi na lang kasi kaming nag-aaway, eh!"
"Kaya pala ang init ng ulo mo sa opisina," sabi ni Lorena.
"Nahalata mo pala. Simula kasi nang ma-promote siya, lagi na lang wala sa bahay tuwing weekend eh iyon lang naman sana ang available time naming dalawa na maaari kaming kakain sa labas o di kaya ay mamamasyal."
"Eh ikaw? Musta naman ang love life ko?"
"Ganun pa rin, walang label."
Walang label? Hindi iyon pwede sa akin. Magkamatayan na ngunit hindi ako papatol sa ganung uri ng relasyon. "Hindi kita ma-gets kung bakit kuntento ka na sa walang label. Maghanap ka na lang ng iba kung ayaw niyang lagyan ng label ang relasyon ninyong dalawa," mungkahi ko sa kanya at biglang napakagat sa kanyang labi si Lorena habang nakatingin sa akin. Kinilabutan ako bigla.
"Inisip mo bang tomboy ako? Pure na babae ako, 100 percent na legit. Speaking of label, hmmmm ako ang may kagustuhan na wala kaming label," wika ni Lorena.
"What? Why?"
"Ang oa mo talaga, Kylie. Tanungin mo na rin ako ng how, when at where."
"Alam mo mas malala ka pa kay,Levi. Mabuti pa ay pumasok na tayo, gusto mo ng popcorn?"
"Yes, Mama. Gusto ko rin ng maraming cheese," sabi ni Lorena.
"Masusunod anak," pinatulan ko si Lorena.
Comedy sana ang movie ngunit hindi kami nakapanood ng maayos dahil kay Levi at sa kasama nitong babae. Ang harot kasi, eh! Kahit nasa sinehan ay hindi pa rin pinigilan ni Levi ang sarili at panay halik sa kasama nito.
Gusto ko sanang lumipat ng upuan ngunit fullybooked na kasi. Kaya ang ginawa ko ay sinubukan kong i-deadma sina Levi.
Three hours later, nagulat ako nang madatnan si bahay si Brent. "Mamaya pa ba ang duty mo?" Tinanong ko siya.
"Absent ako dahil gusto kong makasama ka, pero naglakwatsa ka pala," galit na sabi niya at kulang na lang ay duruin ako. Pero infairness, nagpanting ang taynga ko doon sa sanabi niyang naglakwatsa lang daw ako.
Araw-araw ba akong nanonood ng pelikula? Once in a blue moon lang tapos sinita pa niya ako. "So ikaw lang ang may karapatang maglakwatsa, ganun ba?"
"Mga barkada ko lang naman ang kasama," palusot niya sa ajin.
"So ano kami ni Lorena? Hindi ko ba siya barkada? Tigil-tigilan mo ako, Brent. Kung nambababae ka na, wag ako ang sisihin ko o pagbintangan." Binalaan ko si Brent na tigilan na niya ang pagpo-provoke sa akin.
"Wala akong babae," sumagot ito at saka nauna ng pumasok sa bahay.
Aba, magaling talaga 'tong si Brent! Sa bawat pagkakataon na nag-uusap kami, lagi na lang akong nagmukhang may kasalanan. Mas lalo tuloy akong nagduda sa kanya.
Pumasok na rin ako dahil gabi na, at naabutan ko siyang nonood ng movie sa PBO. Nilagpasab ko lang siya at dumiretso sa itaas. Pero tinawag niya ang aking pangalan. "Bakit?"
"Halika muna rito," sabi ni Brent.
Nag-atubili ako dahil may naamoy kasi ako kanina sa kanyang hininga. Nakainom ang lalaki at hindi ko alam kung gaano karami ang nainom nito.
Paglapit ko sa kanya, napatili ako ng bigla niya akong kinabig pakandong sa kanya. "Ano ba?"
"Na-miss na kasi kita,"sabi ni Brent.
"So, ano'ng balak mo?"
"Alam mo na," sagot niya at tumango lang ako.
"May condom ka diyan?"
"Kailangan pa ba 'yon?"
"Aba, syempre! Mahirap mabuntis kung may trabaho," sabi ko sa kanya.
"Huwag na nga lang!"