CHAPTER 6

1424 Words
Pagpasok ko ng opisina ay nakasalubong ko si Levi, ang dating import in-charge na na-promote bilang Sales Executive. “Morning, Lev.” Hindi siya sumagot at parang hindi rin niya ako nakita. Nagtaka ako kung bakit ganun ang inasal niya kasi friends naman kami. Sa katunayan ay isa si Levi sa mga nag-recommend sa akin kay Ma’am Rona at Mr. Chavez. Nilapitan ko ang sekretarya ng lalaki na si Camilla at nagtanong. “May problema ba si Levi, Cams?” “Malaking problema,” napailing na sumagot si Camilla kaya mas lalo akong naintriga. “Bakit?” Kinulit ko talaga si Camilla kasi may pagka-ano kasi ako – chismosa! “Nasa rooftop ‘yong isa niyang nobya at mukhang tatalon,” histerikal na sumagot si Camilla kaya ang nangyari, ako at pati na rin ang iba pa naming kasamahan ay sama-samang lumabas ng opisina at nagpunta sa rooftop. Hiningal kaming lahat dahil sa aming ginawa na lakad-takbo. Kararating lang namin sa tuktok ng building nang marinig naming sumigaw ang isang babae at ganun din si Levi. Masyadong mabilis ang pangyayari at nagulat kaming lahat. Totoo ba talaga ‘yon? “Sino ‘yong babae?” Tinanong ko ulit si Camilla kasi baka ang babaeng ‘yon ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang isa. Si Levi kasi, eh! Sobrang babaero at hindi man lang inisip nito ang kapakanan ng isang babae, o kahit ituring man lang niyang tao. Harap-harapan na kasi ang pambabastos nito sa mga babae. Feeling niya, siya na ang pinakagwapo sa buong kompanya! “Magbabago pa kaya si Levi?” “Ewan ko Cam. Sa ating dalawa, ikaw ang mas nakakaalam sa tunay na pagkatao ni Levi,” sabi ko. “Duda ako na hindi na,” sumagot si Camilla. “Pustahan kaya tayo?” “Cool!” Alam kong insensitive masyado ang pinag-usapan namin ni Camilla lalo na at nagkagulo na ang lahat. “Paparating si sir,” bumulong ako sa aking mga kasama kasi ako ang unang nakakita sa kanya. “Naku po! Tara na kasi,” sabi ni Camilla bago niya ako hinila pero huli na ang lahat dahil nakita na kami ni Mr. Chavez. Nakatingin ang lalaki sa kanyang mamahaling wristwatch at saka bumaling sa amin. “Office hours na,” sabi ni sir. Para kamin mga basang sisiw sa harap ni Mr. Chavez. Hiyang-hiya kami sa aming pagka-tsismosa kasi wala naman kaming naitulong kanina. Ni hindi nga namin nilapitan si Levi, eh. Pagpasok namin sa office, sabay-sabay na nag-ring ang telepono kaya kaagad akong tumakbo patungo sa desk ko. Pero naunahan na ako ng aking documentation staff sa pagsagot. “Miss Kylie, follow-up daw po ng arrival,” sabi ni Joan. “Okey, ipasa mo na sa akin,” sabi ko. Baguhan pa lang kasi si Joan kaya hindi pa masyadong marunong sa aming track and trace system. “Hi Ma’am, good morning. How may I help you po?” “Paulit-ulit ang good morning?” Kaagad na tumaas ang kilay sa malditang client na nasa kabilang linya.Mali ba na binati ko siya ng good morning? “Ibang tapo po kasi yong kausap mo kanina, kaya natural lang po na mag good morning ako,” nagpaliwanag ako syempre. “Huwag mo akong ma po-po,bata pa ako!” Nagtaka na talaga ako kung ano ang problema ng babae sa kabilang linya. Masyadong HB eh ang aga-aga pa kaya! “Sorry Ma’am, nasanay lang po ako sa mga matanda naming kliyente. Pareho kasi kayo kung magsalita, eh.” Narinig ko ang pagsinghap ng babae sa kabilang linya. Eh di, talo ang awra niya? Kasi naman, hindi ako ilalagay sa import kung santa ako. Kailangan kasi ng isang maldita sa import. Kadalasan kasi sa mga kliyente ay mga pasaway lalo na ang mga first time importer. “Hmmmmp!” “Ano po ‘yong BL number Ma’am at iti-trace ko na po siya?” medyo kalmado na ako nang tanungin ko siya kaya mabilis kong na-input sa system ang BL na sinabi niya. “Matagal na kasing pinadala ‘yan, noong isang buwan pa at hanggang ngayon ay hindi pa dumating dito,” paliwanag ng importer. Nag-explain din siya na kailagan na nila ang naturang shipment. “Upon checking po, kararating lang nito Ma’am. Aayusin ko lang ang mga dokumento at i-send ko sayo ang arrival notice, pakihintay na lang po kasi mag-send ako withi today,” sabi ko sa kanya. Kailangan ko pa kasing gawan ng manifesto ang mga shipments na dumating upa ma-submit na sa shipping line na sinakyan ng cargo. Pagkatapos ng manifesto, ipa-fax or email pa ang mga arrival notice, at saka mag-invoice. Kailangan ring ipa-confirm ang charges ng shipment lalo na sa releasing ng cargo doon sa BOC. Dahil sa dami ng aking ginawa, saglit na nawala sa aking isip si Levi at ang nangyari kanina sa rooftop. “Snacks muna tayo,” sabi ko kay Joan dahil nagreklamo na ang aking mga bituka. Hindi kasi ako nakapag-breakfast ng maaayos sa bahay dahil kay Brent. Speaking of Brent, hindi man lang siya nagtext sa akin! Mahirap ba ‘yong kumustahin ako kung safe ba akong dumating office? Ilang beses ko na ring tinanong ang aking sarili kung sobra-sobra na ba ang aking hininging atensyo mula sa kanya? Kasi para sa’kin, dapat lang na pagtuonan niya ako ng pansin kasi hindi lang ako asawa, kundi ako ang taong humubog sa kanya kung ano man siya ngayon! Nauna na pala si Lorena sa pantry at kausap nito si Camilla habang nagkakape. Gaya ng inaasahan ko, si Levi pa rin ang topic. Nagpalinga-linga ako sa pintuan kasi baka bigla na namang dumating si Mr. Chavez. Ayaw kasi nitong mag-tsismisan sila sa loob ng opisina. Bawal ‘yon! “Pero infairness, ang ganda noong isang babae, napansin ba?” Tinanong ko si Camilla at Lorena. “Syempre! Sino ba naman kasi ang hindi makapansin eh pati si sir, titig na titig sa babaeng ‘yon!” “Oy Camilla, masyado ka ng halata diyan,” tinukso ni Lorena ang sekretarya ni Levi. “Basta naiinis ako sa kanya!” “Grabe ang fighting spirit mo kay Mr. Chavez, Cams. Minsan ba ay pinansin ka na niya?” Ako naman ang nagtanong kasi matagal ko ng alam na may gusto ito sa aming Boss. “Ayaw niya yata sa mga exotic ang beauy,” natatawa itong sumagot at nahawa na rin kami sa lutong ng kanyang halakhak. “Mauna na ako sa inyo guys ha, alam n’yo na, lunes ngayon,” sabi ko sa kanila dahil alam naman ng lahat nag ang lunes ang siyang pinaka-busy kong araw sa buong linggo. “Fighting!” Sabi pa ni Lorena. “Hmmm Cams, tawagan mo naman si Levi at kamustahin mo. Baka kung ano na ang ginawa ng lalaking ‘yon,” hiling k okay Camilla dahil concern din naman ako sa kalagayan ng babaerong ‘yon!    “Naku ha, baka kung saan pa pupunta ‘yang concern mo kay Levi. Ingat ka sa lalaking ‘yon dahil lahat ng nakapalda ay pinapatos!” Binalaan ako ni Camilla as if hindi ko alam kung anong klaseng tao si Levi. “Ako talaga? Alam n’yo namang patay na patay pa rin ako kay Brent, eh!” Sabi ko at sabay na umismid ang dalawang babae na para bang ayaw nila kay Brent. “Ang sama-sama talaga ninyo!” “Ano ba naman kasi ang nagustuhan mo sa lalaking ‘yon?” Nagtanong si Lorena. Pinili ko na lang na huwag sagutin ang tanong ni Lorena at umeksit na sa pantry. Pagbalik ko sa aking desk, kaagad kong tiningnan ang aking cellphone, at iyon nga, may mga missed calls mula kay Brent. Pambihira talaga si Brent! Kung kailan nag-snacks ako, saka tumawag. At galit na naman ito sa kanyang mga text message. Kesyo nasaan daw siya at bakit hindi sinagot ang kanyang tawag. “Sorry Brent ha, pero busy ako ngayong araw,” nireplyan ko siya. Hindi ko pa nga nailapag sa mesa ang aking cellphone ay tumunog na ulit ito. “Lintik na trabaho yan, Kylie! Mag-resign ka na lang diyan,” utos nito. “Bakit kailangan kong mag-resign?” “Syempre! Para magkaroon ka ng oras sa akin, lagi na lang trabaho ang inatupag mo. Kung mo sana inuna ang paglakwatsa kasama ang barkada mo, nagkaroon sana tayo ng time para sa isa’t-isa,” sagot ko. “Ako pa ngayon ang may kasalanan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD