Hindi ako mapakali habang naghihintay kay Mr. Chavez sa loob ng opisina nito. May kausap ito sa phone at base sa nakikita ko, girlfriend yata ang kausap ng lalaki. Panay ang ngiti eh, hindi lang basta ngiti, iyong nakakalaglag-panty na ngiti. Sus, kung wala lang talaga akong asawa, baka isa rin ako sa mga empleyadong nagpapapansin kay sir. Nakapagdesisyon na kasi ako na i-give up ang bahay na tinitirhan namin ni Brent. Unti-unti ay inayos ko na ang mga bagay-bagay na magbibigay lang sa aking ng problema kapag maghiwalay kami ni Brent. Pakiramdam ko kasi ay doon na ang punta namin. Wala eh, hindi talaga nag-effort ang mahal kong asawa na bumalik kami sa dati. Basta ako, ayoko na! Ilang beses na rin kasi akong bumalik sa Simala upang ipagdasal si Brent pero ganun pa rin. Sabi nga ni Mari