Naisip ko na pabayaan na muna si Brent hanggang sa magsawa siya. Naghintay ako ng ilang araw, linggo, buwan, hanggang sa nawalan na ako ng pag-asa na magiging sweet uli siya sa akin. Umuuwi pa naman sa bahay pero dahil nga magka-iba an gaming work schedule, bihira lang din kaming magkita. Sa weekend, sabay pa rin kamig mag-almusal pero hanggang dun lang kasi matutulog siya sa araw at aalis ng hapon. Ganunpaman, patuloy pa rin akong pumasok sa trabaho at umasta na walang problema.Kaya lang, ang hirap magpanggap na okey lang ang lahat kahit hindi naman. Ang hirap ngumiti kapag nagdurusa ang puso. Kararating ko lang sa office at mangilan-ilan pa lang ang nag-time in na. May mga kasamahan akong nakita sa may parking lot kanina na nag-uusap habang nagsisigarilyo. Ang una kong ginawa ay i