Nagbaba ng tingin ang lalaki nang makita niya ako kaya awtomatikong umangat ang aking kilay. Ngunit nang tumalikod ito at naglakad pabalik sa kanyang pinanggalingan, na-insulto ako ng bonggang-bongga. Hindi lang nainsulto kundi napahiya pa! Gusto ko sana siyang komprontahin ngunit bakit ko naman gagawin ‘yon? Kung umasta kasi ang lalaki ay parang mayroon akong nakakahawang sakit. Ikinibit ko ang aking balikat at nilampasan siya upang maghanap ng bakanteng mesa. Kakaupo ko pa lang nang maupo rin ito sa kabilang mesa. Ilang pulgada lang ang distansya naming dalawa kaya nang tumingin siya sa akin ay ngumiti ako sa kanya. Ano kayang problema niya? Sarili ko ang aking tinanong kasi hindi rin naman niya sasagutin kung sakaling tatanungin ko siya. Teka lang, bakit kailangan ko siyang prob