Napaatras ako ng lumapit siya ng husto sa akin lalo na nang mapansin kong gumalaw ang kanyang panga sa galit. Ayoko sanang ipaalam sa kanya na matagal na akong kinain ng selos at pagdududa. Gusto ko ring ipamukha sa asawa ko na hindi lang siya ang na-out of love sa aming dalawa. “Wala akong ginagawang masama!” giit ni Brent. “Kung wala eh di wala,” sabi ko naman kasi ayokong makipagtalo sa kanya. “Ang hirap kasi sayo, ikaw na lang ang laging tama! Ako ang lalaki sa pamamahay na ‘to ngunit ikaw lagi ang nagdedesisyon para sa ating dalawa!” To be honest, hindi ko inasahan ang rant niya. Ganun ba talaga ang dating ko sa kanya? “Hindi kita binawalang gumawa ng desisyon para sa ating dalawa o sa pamilya na to, Brent. May mga bagay lang na kailangan ang agarang desisyon,” paliwanag ko. “