Iniwan ko ang lalaki sa sala at saka tinawagan ang aking magaling na kapatid. Sa totoo lang ay hindi ko nasakyan ang kanyang plano. Bakit kailagan ko pa ng totoy na nakabantay? Jusko naman itong si Rejil, niloko lang ako ni Brent, trinato na akong parang bata. Paulit-ulit lang na nagri-ring sa kabilang linya ang telepono nito pero hindi sinagot ng kumag. May agam-agam sa aking isipan na baka may ginagawa na naman itong milagro kasama ang babaeng nakita ko kanina. “May kailangan ka ba?” Nagpanting ang aking taynga sa kanyang tanong. “Tatawag ba naman ako kung hindi? Sino itong bagets na pinapunta mo rito sa bahay? At bakit?” “Ah si Jericho ba? Pinsan ‘yan ng kaibigan ko,” sagot ng lalaki. “O ano ngayon?” “SK Chairman ‘yan diyan sa atin kaya maraming kakilala,” nagpaliwanag ang lalaki