Noong una ay sa phone lang kami nag-away ni Brent ngunit habang tumatagal, mas lalo lamang lumala ang aming sitwasyon. Tuwing weekend ay lagi na lang siyang wala sa bahay habang ako ay abala sa paglalaba. Ubos ang half-day ko sa paglalaba dahil gusto niya ay handwash.
“Bwisit na buhay ‘to!” Nagmura ako habang nasa laundry area at timing naman na lumapit si Marian, ang yaya ng anak ko.
“Tutulungan na kita, tulog naman ang bata,” sabi ni Marian.
“Huwag na. Mabuti pa ay magpahinga ka na lang,” tugon ko sa kanya dahil medyo malikot ang bata. Hindi rin naman kasi sakop ng kanyang responsibilidad sa bahay ang paglalaba.
“Kung ayaw mong tulungan kita, ihatid ko na lang ‘yan sa Block 35,” suhestiyon ni Marian.
May laundry shop sa Block 35 at ilang beses na rin akong nagpalabada doon especially sa mga towel, kumot at kurtina. “Mabuti pa nga,” sumang-ayon ako sa sinabi niya at kaagad kong ibinalik sa laundry basket ang mga maruming kasuotan.
Marunong na magmotorsiklo si Marian kaya madali lang para sa babae ang paghatid ng laundry namin. “Pa-deliver lang ako ng food, ano’ng gusto mo?”
“Depende kung saan ka oorder,” nakangiting sumagot ang babae.
“Jollibee,” sabi ko.
“Aw as usual, spicy na manok at coke float,” wika ni Marian at tumango lang ako kasi pareho naman kami ng hilig na pagkain kapag Jollibee ang pag-uusapan.
“Sige, pakihatid na lang ‘yan at tatawag lang ako sa Jollibee,” sabi ko at saka pumasok sa bahay.
Pagkatapos kong umorder ay nagmadali akong maligo dahil balak kong pumunta sa mall mamaya upang paglaruin ang bata sa WOF. Bahala na si Brent kung ayaw niyang sumama sa amin, bahala siya sa buhay niya.
Saglit lang akong nag-shower at nang ako’y bumaba ay saka naman dumating ang rider ng Jollibee. Kumuha ako ng isang libong peso mula sa aking bulsa at ibinigay ‘yon kay Marian.
Eight hundred plus ang due ko sa fast food dahil bukod sa burger steak ay nag-add on pa ng isang bucketmeal na puro manok, pati yong peach mango pie at tig-dalawa kami ng cokefloat ni Marian.
“Paano na ang diet ko?” Nagtanong si Marian habang kumuha ng isang piraso ng manok at kaagad na kinagat.
Nainggit ako sa tunog ng crispy chicken at kumuha rin ako ng drumstick. “Ano’ng diet? Hindi uso sa akin ang diet,” sabi ko.
“Eh hindi ka naman kasi tumataba kahit anong kinakain mo,” komento ni Marian.
Tama naman ang babae. Simula noong dalaga pa ako at hanggang sa nagkaroon ng ako ng anak kay Brent, hindi pa rin nagbago ang aking figure. Sabi nga ni Lorena ay maaari ko pa raw na akitin si Eliakem, ang branch manager ng EC Brokerage. Bwisit na kaibigan, gusto pa yatang magkasala ako kay Brent.
“Nasa lahi na talaga namin ang pagiging seksi at maganda,” pabiro kong sinagot si Marian.
“Kaya nga! Ang swerte ni Brent at hindi siya mamrublema na baka maging balyena ka o walking zero,” dagdag pa ni Marian at natawa ako sa sinabi niya.
“Grabe ka naman. Walking zero talaga?”
“Tingnan mo ako, ano’ng masasabi mo?”
“Hmmm walking cabinet,” sabi ko at saka tumawa ng malakas.
Hinampas ako ni Marian sa balikat at gumanti rin ako. Simula nang dumating ang babae sa bahay namin, hindi na ako masyadong bored. Ibang-iba ito sa nasundan nitong yaya na sobrang seryoso. Malaki ang kanyang pasasalamat sa babae dahil may kasama siya tuwing wala si Brent.
“Wala ka bang balak mag-asawa? May nasagap akong balita na may ka-chat ka raw, nasabi ni Darlene sa akin noong isang araw.”
“Malilintikan ko talaga ang Darlene na ‘yon! Ako nga hindi ako nagsalita na may something sila ng kanyang amo!”
Kumunot ang aking noo dahil kilala ko ang amo ni Darlene at kung tutuusin ay panis ang mga ninja moves ni Brent sa akin dati. “Ano’ng meron kay Darlene at sa amo nito?” Tinanong ko si Marian ngunit nag-iba ng tingin ang babae at hindi na muling nagsalita pa. “Anyway, kung ano man ang meron sa kanila, wala na tayong pakialam doon. Sarili ko ngang problema hindi ko masolusyonan, poproblemahin ko pa ba sila?”
“Tama. Focus ka na lang sa asawa mong wala naman sanang kabit ngunit lagi rin wala rito sa bahay. Ewan ko ba sa inyo kung bakit kailangang kayong dalawa talaga ang magtrabaho eh kaya naman yata kayong suportahan ni Brent,” pahayag ni Marian.
“At aasa na lang ako sa kanya?” Tinawanan ko na lang ang sinabi ni Marian kasi hindi mangyayari na aasa ako kay Brent.
“Bakit hindi? Mag-asawa naman kayong dalawa, eh.Kung dito ka lang sa bahay ay makakatipid ka pa sa yaya,” sabi ni Marian.
“Sabagay. Actually, balak ko naman talagang mag-resign pero saka na lang. Maliit pa kasi ang anak ko at kilala mo naman ang aking mahal na asawa,” nagparinig ako kay Marian kasi sa totoo lang ay lagi na lang akong naiinis kay Brent.
Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa lalaking ‘yon? Pareho kaming may work from Mondays to Fridays pero sa akin lang iasa ang laundry. My god, ano’ng akala niya sa akin? Part-time katulong? Nagpakasal ba kami upang gawin lang akong muchacha? Pag ako ang tuluyang mabwisit sa kanya, patay talaga siya sa akin! Makikita talaga niya kung gaano kabangis ang isang Kylie Lacsamana.
Charot lang!
Kasi nang marinig ko ang tunog ng motorsiklo ni Brent na paparating na, kaagad kong inayos ang aking buhok at nagtanong kay Marian kung maganda na ba ako.
Inismiran ako ni Marian dahil hanggang salita lang ako pero hindi naman ibig sabihin ng pag-aayos ng buhok ay magpapapansin ako sa kanya. Ayoko lang magmukhang tsimay sa hitsura ko.
Pagpasok ni Brent ay nakahanda na ang aking pinakamatamis na ngiti ngunit hindi man lang ako pinansin ng kumag. Animo walang taong nakita gayung ang lapad-lapad ng katawan ni Marian.
“Deadma damz,” pang-iinis ni Marian sa akin.
“Napansin ko rin. Namihasa na talaga ang lalaking ‘yon! Baka mapuno ako at palalayasin ko siya dito sa bahay!”
“Mi, pakidalhan ako ng tubig dito sa taas,” sumigaw ang lalaki mula sa ikalawang palapag n gaming bahay. Mi kasi ang tawag niya sa akin. Iyong shortcut ng Mommy.
“Opo, Di!”
Nang tumingin ako sa gawi ni Marian, mas lalo siyang na-disappoint sa akin, pero anong magagawa ko eh mahal na mahal ko ang kumag na ‘yon!
“Maiintindihan mo rin ako kapag nagmahal ka na,” sabi ko sa kanya.
“Kung katulad lang din ni Brent, mas mabuti ay magiging matandang dalaga na lang ako.”
“Totoo? Ayaw mo bang tumikim ng daks?”
“Daks ba naman si Brent?” Gumanti siya ng tanong at ako na bilang asawa niya, confidential lang ‘yon dahil baka pagkakaguluhan pa ng karamihan. Echus!
“Secret,” sagot ko.
“Sige na, puntahan mo na ang iyong prinsipe at baka maging palaka pa ‘yon,” pahayag ni Marian at natawa ako ng sobra.
“Paano mangyayari ‘yon eh mukha na siyang palaka?”
“Artistahin siguro,” sabi ni Marian.
Well, may katotohanan naman ang sinabi ni Marian dahil may hitsura naman talaga ang aking asawa. “Saglit lang ako,” paalam ko kay Marian habang bitbit ang isang bottled water.
“Take your time,” sagot ng babae at namula ang aking pisngi. Bakit kaya?