CHAPTER 3

1176 Words
Kinaumagahan, maaga akong namalengke upang ipagluto ng kanyang paboritong ulam ang aking asawa. Tuwing weekend kasi ay gusto nitong kumain ng sinabawang halaan sa umaga at gusto ng lalaki na may maraming kamatis at sibuyas.  Pagdating ko galing sa palengke ay kaagad akong naligo upang mawala ang kakaibang amoy mula sa palengke bago nagluto. Mabilis lang namang magsaing dahil may rice cooker naman kami sa bahay at ilang minuto lang din ang pagluluto ng tinola. May preskong anduhaw na kailangang iprito pero hindi ko kayang gawin ‘yon. Takot kasi ako sa tilamsik ng mantika kaya si Brent na ang bahala sa pagpiprito ng isda o di kaya ay si yaya. Oo nga at medyo maluwag na kami sa buhay, ngunit hindi pa kami p’wedeng kumuha ng isa pang katulong. Pinapaaral ko pa kasi ang aking mga kapatid at si Brent naman ay patuloy ang suporta sa kanyang mga anak sa labas. Hindi pa rin kasi fullypaid ang hinuhulugan naming bahay, eh at may kalakihan ‘yon! “Good morning mahal ko!” Nilingon ko ang aking mag-ama na pumasok sa kusina. As usual, hanggang taynga ang ngiti ni Karla dahil kinarga siya ng kanyang ama. “Gutom ka na ba Brent? Malapit na ‘to,” sabi ko sa kanya. “Medyo. Napagod kasi ako kaninang madaling-araw kaya naubos ang aking energy,” mahina niyang sabi sa akin dahil nasa sala lang si yaya at inayos ang mga laruan ng bata. “Ikaw kasi, eh.” “Ikaw kaya,” sumagot siya. At kapag sweet ang usapan namin ni Brent ay pansamantala kong makalimutan ang mga pagkukulang ng lalaki sa akin. Iyong sampong beses na nabitin ako dahil sa pagka-insensitive niya sa aking s****l needs ay pansamantalang maisantabi tuwing magawa nito ng maayos ang isang bagay na pinakagusto ko sa lahat. “Sige na, maupo na kayo doon at susunod na ako. Tawagin mo na rin si yaya upang sabay na tayong mag-almusal,” inutusan ko siyang mauna na sa hapag. “Masusunod po aking reyna,” sumagot ang lalaki at hindi ko alam kung bakit ako kinilig sa sinabi niya. My God! Ako na yata ang pinakamarupok sa lahat ng mga maybahay. “Ako na muna ang hahawak sa budget natin,” nagpropose ang lalaki habang hinintay namin ang yaya ni Karla. Kumunot ang aking noo dahil hindi klaro sa akin ang kanyang gustong mangyari. “What do you mean?” Tinanong ko siya. “Hayaan mo akong i-handle ang finances natin dito sa bahay,” sabi ni Brent. “Ibig sabihin, ibibigay ko sayo ang aking sweldo imbes na ikaw ang magbibigay sa akin?” “Parang ganun na nga,” sumagot siya. Nang mga sandaling ‘yon ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit dahil hindi naman ako bobo, eh! Sinabi niya lang sa akin kung magkano ang kanyang sahod ngunit wala itong balak na ibigay sa akin. Pagkatapos, ay gusto pa nitong hawakan rin pati ang aking sweldo? My goodness, namangha talaga ako sa takbo ng kanyang utak. Sa totoo lang ay nainsulto ako sa kanyang proposal ngunit hindi ako nagpahalata. Tumaas lang ang kanyang sahod ay lumabas na kaagad ang tunay nitong ugali pagdating sa pera. “No problem,” ang sagot ko. Ayoko na sanang magsinungaling pa sa kanya ngunit mukhang kailangan ko pa ring gawin ‘yon upang proteksyonan ang aking sarili. “Ang bait mo talaga mahal ko. Ako na ang bahala sa lahat at wala ka ng alalahanin pa tulad ng bills o pagbili ng mga kailangan natin sa bahay. All you have to do is transfer your salary to my account once you have it,” nagpaliwanag ang lalaki at tumango lang ako. “Mabuti na rin ‘yon upang mas mapaglaanan ko ng oras ang anak natin,” sabi ko sa kanya dahil aksaya kaya sa oras ang pamimili ng groceries lalo na tuwing payday na sandamakmak ang tao sa mga supermarket. “By the way Brent, lilipat si Levi sa sales at ako ang ipapalit sa posisyon niya,” ibinalita ko sa kanya ang tungkol sa promotion ko. “May salary increase ba?” “Syempre, mayroon. Nasa 5k siguro,” nagsinungaling ako. Sa gustong mangyari ng lalaki, pakiramdam ko ay nararapat lamang na hindi ko sasabihin sa kanya ang lahat. “Iyong tungkol sa dinner mamaya, next week na lang.” Nagtaka ako kung bakit biglang nagbago ang kanyang plano kasi atat na atat itong kumain kami sa labas kahapon. “Bakit may changes sa plano?” “Hmmm nagpatawag kasi ng emergency meeting ang bago naming GM,” sumagot ang lalaki. “Ah ganun ba? O sige, ikaw ang bahala,” sabi ko dahil naintindihan ko naman na kailangan muna nitong magpakitang gilas sa bago nitong posisyon. Pagkatapos ng almusal ay muling umakyat ang mag-ama upang matulog ngunit nanatili ako sa sala. Magulo pa rin kasi ang aking utak dahil sa gustong mangyari ni Brent, eh. Overnight ay nagbago ang lalaki dahil lang sa income nito. Hindi lang tungkol sa finances namin ang nagbago dahil sa promotion ni Brent sa kumpanyang pinasukan nito. Pati na rin ang ugali ng lalaki ay unti-unting nagbago. Ilang beses ko na siyang tinanong kung may problema ba kami o wala ngunit hindi naman ito sumagot ng maayos. “Panay overtime ka na yata ngayon, Kylie!” Hindi ko nagustuhan ang kanyang tono sa kabilang linya. Tinawagan ko kasi siya upang magpaalam na late na akong makauwi dahil may tatapusin akong importante. May arrival kasi ng mga shipments at big time ang mga clients namin kaya ayokong pumalpak at ma-disappoint si Mr. Chavez. “Hindi naman palagi, Brent. Kapag may arrival lang,” nagpaliwanag ako sa kanya. “Eh weekly kayong may arrival, eh! Wala ka ng time para sa akin at para kay Karla,” dagdag pa ni Brent, ngunit nagpanting ang aking taynga sa sinabi niya na wala na akong time. Ano’ng walang oras? Eh tuwing weekend ay naglalaba ako at siya naman ay makipag-inuman sa mga friends niya. Alam naman nito na hindi kami pareho ng work schedule, hindi pa rin nito matanggihan ang mga kaibigan na magyaya tuwing walang pasok. Imbes na tulungan ako o di kaya ay makipagbonding sa anak namin, barkada ang kanyang inatupag, tapos ako ang sisihin niya? “Minsan mo lang ito maririnig sa akin, Brent. May time ka ba para sa amin ng anak mo? Simula nang ma-promote ka sa trabaho mo, lagi ka na lang may lakad! Kung hindi work related ay nasa barkada ka naman, ano ba?” “Kylie, baka nakalimutan mo na ako ang bumubuhay sa pamilya natin! Ibalato mo na sa akin ang weekend,” pakiusap ng lalaki at tila ba wala akong income kada buwan. “Hindi pa kami patay upang buhayin mo!” Tinaasan ko siya ng boses bago pinutol ang tawag. Tama ba naman ang ginawa niya sa akin? Sinumbatan niya ako porke’t mas malaki na ang kita niya? Nakalimutan yata ni Brent ang mga isinakripisyo ko para sa kanya! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD