Oo nga at probinsyana ako pero nanibago pa rin ako sa biglang pagbalik namin sa San Roque. Nakakabingi ang katahimikan at sobrang init pa! Nakakalungkot at nakakawalang-gana kumain kahit na masasarap ang mga nilutong pagkain ni Marian. Isang umaga, habang diniligan ko ang mga san franciso na bagong itinanim ni Marian ay nakaramdam ako ng matinding kalungkutan. Pakiramdam ko ay para akong binagsakan ng buong mundo. Sino ba naman kasi ang hindi malungkot sa sinapit ko? Ang bata ko pa ngunit ipinagpalit na at iniwan ng asawa. “Good morning, Kylie, bakit ka nakasimangot?” Hindi ko na kailangang lumingon pa upang makilala ang nagsalita kasi alam ko na si Jericho ang bisita ko kahit hindi pa sumikat ang araw. Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti sa kanya kahit na gusto kong mang-snob. “Baw