Pinili kong huwag na lang patulan ang sinabi ni Jericho kanina upang hindi na hahaba pa ang usapan. Baka isipin pa nito na naghahanap talaga ako ng kapalit ni Brent. Kung sakali man na muli akong ma-inlab, matagal pa ‘yon. Hindi ko alam kung bakit natagalan ako sa mall gayung kurtina at bedsheets lang naman ang sadya ko. Mga twelve yata ako dumating sa mall pero nang lumabas ay malapit ng mag-alas sais ng gabi. Mabilis ang aking mga hakbang papunta sa nakaparadang traysikel na maghahatid sa akin sa may sakayan. “Kuya, mga ano’ng oras po ang last trip?” Alas sais,” sagot ng driver at mas lalo akong kinabahan. Hindi naman talaga ako dapat mabahala kasi may mga traysikel naman na maaaring bayaran upang ihatid ako sa bahay pero sa panahon kasi na talamak ang rape, mahirap magtiwala lalo