CHAPTER 2

1066 Words
Kanina pa kami tapos mag-usap ni Brent ngunit hindi pa rin ako nakabawi sa aking nalaman. Nagtaka ako kung bakit biglang lumubo ang sahod ng aking asawa at sa sinabi nitong amount ay hindi ko na kailangang mag-edit ng payslip. Pero bakit hindi ako masaya? Pakiramdam ko ay lamang na siya sa akin at hindi ko nagustuhan ang pakiramdam na parang naiinggit ako sa kanya. Habang nagkasiyahan ang aking mga katrabaho sa loob ng Redbox ay wala ako sa aking sarili. Tanging si Brent at ang rebelasyon nito ang laman ng aking utak at hindi nakaligtas mula sa tsismosang mata ni Lorena ang aking pagkabalisa. “Inaway ka ba ni Brent?” “Hindi naman,” mabilis akong sumagot upang tumigil na ito kaagad kasi kailangan ko pang makapag-isip ng maayos. “Kanina ko pa kasi napapansin na malalim ang iniisip mo,” pahayag ni Lorena. “Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala sa promotion,” nagsinungaling ako sa babae upang tumigil na ito. “Masasanay ka rin,” sabi nito at tumango lang ako. “Excuse me ha, kukuha lang ako ng food.” At kahit hindi pa tumango si Lorena ay kaagad na akong tumayo at lumabas mula kwartong nirentahan namin. Nasa gilid ng reception area ang mga pagkain at kailangan ko pa itong hakutin papunta sa poker room kung saan masayang nag-awitan sa videoke ang aking mga kasama. Kanina pa umuwi si Mr. Chavez at si Miss Rona kaya para kaming nakawala sa hawla at nagwala. Gusto ko na sanang mauna ngunit bayad na ang room hanggang alas dose ng gabi at sayang naman kung hindi namin i-consume. Isa pa, malapit na naman ang oras. Pagkalipas ng dalawang oras ay nasa harap na ng aming bahay sa Keiraville Heights ang sinakyan kong taxi. Medyo naparami ako ng inom kaya hindi ko kaagad napansin ang grupo ng kalalakihang nag-inuman sa terrace. Pagpasok ko sa gate ay saka ako sinalubong ni Brent at base sa nakita ko ay naparami na rin ito ng inom. “Sorry ha, ginabi ako ng husto.” Humingi ako ng paumanhin dahil late na akong nakauwi bago ko siya ginawaran ng halik sa pisngi. “Okey lang, hindi naman ako na-bored sa paghihintay sayo.” Talaga namang hindi siya mabo-bored kasi ang saya nga nila habang nag-inuman, eh. “Nagpadeliver ka ng pagkain?” Tinanong ko siya nang mapansin ko ang pulang bucket mula sa isang fast food restaurant. “Yup, pang pulutan namin,” sumagot ang lalaki at ngumiti lang ako. “Ah, sige, enjoy kayo diyan, magpapalit lang ako ng damit,” sabi ko at nang sumunod sa akin si Brent ay kinantiyawan kami ng kanyang mga kaibigan. Ako ang napahiya sa kanyang ginawa kasi aminado naman ako na may masamang balak si Brent. Ganun naman kasi ang lalaki kapag nakainom ng alak. Bigla na lang lalabas ang pagiging hot nito sa kama. Sa totoo lang ay ilang beses ko ng tinanong ang aking sarili kung hindi ba ako masarap ikama kapag hindi siya lasing? My God, nakakainsulto ng kagandahan! “Bumalik ka na doon,” pakiusap ko sa kanya dahil wala ako sa mood na makipagtalik sa asawa ko. Isa pa, napansin ko kasi lately na kapag lasing siya ay hindi na siya mag-alinlangan na ipasok ang kanyang daliri sa akin at ayoko ng ganun. Hindi ako kumportable lalo na at hindi naman siya marunong. “Isa lang,” sumagot ang lalaki. “Nahihibang ka na ba? Malalaman nila,” sabi ko sa mahinang boses dahil ayoko rin namang marinig kami ng yaya sa kabilang silid. “Eh di hayaan natin silang mainggit,” sagot ni Brent. Tinulungan niya akong maghubad ng damit at nang tumambad sa harapan nito ang aking kahubdan, walang pasintabi na hinimas nito ang aking mga s**o. Isa sa dahilan kung bakit ayokong magpagalaw sa kanya kapag lasing siya ay ang pagiging rough niya. Okey lang sana ‘yon kung masarap at hindi masakit pero kadalasan ay masasaktan lang ako. Kadalasan ay masusugatan lang ang aking n****e sa pagiging hayok niya sa katawan. Ayaw ng utak ko ngunit iba ang isinigaw ng aking puso. Hindi ko gustong masaktan ang kanyang pride at mainsulto dahil inayawan ko siya. Simula noong magpakasal kami, hindi pa nangyari na tinanggihan ko siya tuwing gusto niya. Kaya lang, habang tumagal ang relasyon naming dalawa, hindi lang income ang issue namin kundi pati na rin ang s*x life naming mag-asawa. Lagi na lang kasi akong hindi satisfied sa mga ginawa niya. Masakit mang aminin ngunit selfish si Brent pagdating sa bagay na ‘yon. Hindi niya alintana na may pangangailangan din ako. “Dahan-dahan naman,” pakiusap ko sa kanya nang maramdaman ko ang kagaspangan ng kanyang mga galaw. “Sorry,” sabi ng lalaki at saka niya ako pinatalikod. Nag-sorry nga ngunit hindi naman sincere. Basta na lang nitong ipinasok ang kanyang p*********i sa akin. Wala man lang foreplay na naganap! Napangiwi ako sa sakit dahil hindi pa ako lubricated sa bahaging ‘yon. Hinayaan ko lang siya hanggang sa maiputok niya sa loob ng aking katawan ang kanyang kalibugan. Ni hindi man lang niya ako tinanong kung nilabasan ba ako o hindi. “Mahal na mahal kita,” sabi ko at niyakap siya ng mahigpit pagkatapos namin. “Mahal din kita, Kylie.” Sabi niya sa akin at ginawaran ako ng halik sa labi bago sinabihan na mauna ng matulog. Nang makalabas ang lalaki ay mabilis akong nagtungo sa banyo at naghugas ng katawan. Ayokong matulog na dumikit pa rin sa katawan ko ang kanyang amoy. Habang rumagasa ang tubig mula sa shower patungo sa aking katawan, ipinikit ko ang aking mga mata at paulit-ulit na tinanong ang aking sarili kung hanggang kailan ako magtitiis sa piling ni Brent. Masaya naman kami kahit papaano pero andaming pagkukulang ng aking asawa sa akin. Masakit sa akin ang pagpapanggap na satisfied ako tuwing magtatalik kami kahit hindi naman…kaya lang ay hindi ko talaga kayang saktan ang kanyang damdamin. Bago mahiga ay tiningnan ko muna ang aking anak sa kanyang higaan. Manang-mana si Karla kay Brent at sabi ng mga kaibigan namin ay dahil ‘yon sa sobrang pagmamahal ko sa lalaki. Totoo naman na mahal na mahal ko si Brent at handa akong gawin ang lahat upang mapasaya ito.  Hindi ko alam kung anong oras pumasok ang lalaki ngunit basta na lang ako nagising nang maramdaman ko ang kanyang mainit na dila sa gitna ng aking mga hita. Napasinghap ako ng hangin at otomatikong napahawak sa kanyang buhok ang isa kong kamay. “Brent…,” daing ko sa kanya nang simulan nitong galugarin ang aking p********e sa paraang gusto ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD