Scarlett-8

1506 Words
Hindi niya alam kung bakit apektadong-apektado siya sa sinabi ni Brianna sa kanya na ang lalaking kasama ni Irish sa bar ay best friend pa mismo ni Sebastian. Hindi siya makapaniwala na kayang lokohin ng mga taong iyon si Sebastian. At natitiyak niyang hindi lang halikan ang nangyari between Irish and Sebastian best friend. Naisip rin niyang hindi lang ito unang pagkakataon na niloko ng dalawa si Sebastian. Hindi pa niya nakikilala at nakakaharap ng personal si Irish pero abot langit na ang galit na nararamdaman niya sa babae. Galit siya dahil niloloko lang nito ang lalaking matagal na niyang pinapangarap. "Hindi mo ba kakainin itong sandwich mo?" Tanong sa kanya ni Brianna habang nasa cafeteria at kumakain. "Ah?" Lutang pa niyang tanong rito. Tila kasi siya nawala sa sarili ng ilang minuto. "Scar, are you here? O baka naman nasa ibang mundo ka na,' biro sa kanya ni Brianna. "Ah.. Hindi naman. May iniisip lang ako," tugon niya. "Sino si Sebastian at Irish na naman?" Simangot nitong tanong at hiningi pa nito ang sandwich niyang naroon. Binigay na niya sa kaibigan. May kalakasan talagang kumain si Brianna, kaya medyo may kabilugan ang katawan nito. Hindi tuloy nito naisusuot ang mga in na damit ngayon, dahil medyo malaki ang size nito. Ganoon pa man maganda at maamo ang mukha ni Brianna. Kung magpapayat lang ito ay lulutang ang ganda nito at tiyak na maraming maghahabol rito. Kaya lang dahil na rin siguro seventeen palang ito kaya hindi pa ito masyadong continous sa katawan nito at nais lang nitong kumain ng kumain. "Nag-aalala lang ako para kay Sebastian. Hindi niya deserve ang lokohin lang ni Irish," inis niyang sabi sa kaibigan. "Correct. Kaya kung ako sa iyo, gawin mo na ang talagang pakay mo kay Sebastian?" Brianna said habang maganang kumakain ito. "Anong pakay?" Kunot noong tanong niya sa kaibigan. "Nakalimutan mo na ba?" Balik tanong nito sa kanya. Lalo lang kumunot ang noo niya sa kaibigan at hinintay itong magsalita muli. "Ang plano mong agawin si Sebastian kay Irish. Ngayong isang cheater si Irish, may dahilan ka na para agawin siya kay Sebastian," sabi ng kaibigan sa kanya. "Seriously?" She asked. "Don't let Sebastian marry that b*tch! She is a d*mn cheater, Scar," mariing sabi pa ni Brianna sa kanya. Medyo nagulat pa nga siya sa mga salitang ginamit nito. Sa pagkakaalam kasi niya followers ito ni Irish at talaga namang fan na fan nito si Irish. Kaya nakakapagtaka kung bakit nagamit ng kaibigan ang mga magagaspang na salitang iyon kay Brianna. "Bakit ganya ka na magsalita kay Irish. Idol mo iyon hindi ba?' She asked. "Hindi na ngayon. Ayoko nga sa mga cheater at hindi makuntento sa isa. Nasa isang gwapong doktor na siya katulad ni Sebastian, pero nagawa pa niyang magloko. Gosh, I can't!" Mahabang litanya ni Brianna sa kanya. Napaka arte pa nga nito sa huling sinabi nito. Hindi na lang siya kumibo sa kaibigan, kung siya dib siguro ito ay mawawalan din siya gana kay Irish. Lalo na't kalat na kalat na ang ebidensya sa social media. Napakabilis pa naman kumalat ng kahit anong impormasyon sa social media ngayon. Alas singko na nang matapos ang klase niya. Paglabas palang nila ni Brianna nakita na nila agad ang sundo nito, kaya agad na rin itong nagpaalam sa kanya at naiwan siyang mag isa sa may gate ng campus, para hintayin si Sebastian. Hindi nga niya nasabi kay Brianna na si Sebastian ang naghatid sa kanya kanina dahil wala si Mang Dante. At kung sinabi niya marahil sa kaibigan na si Sebastian ang susundo sa kanya, ay baka magpapahatid pa ito sa kanila sa bahay nito, kaya tama lang na hindi na muna niya sinabi sa kaibigan. Nais kasi niyang masolo muna si Sebastian. Isa pa baka kung ano pa ang masabi ni Brianna kay Sebastian, lalo na't mainit pa ang ulo ni Sebastian ngayon sa mga nakikialam sa relasyon nito at ni Irish. Habang hinihintay niya si Sebastian sa may gate ng campus. Nag ring ang cellphone niya. Si Sally ang tumatawag. Agad niyang sinagot ang tawag nito. "Scar. Katatawag lang ng shop, dumating na raw ang gown mo galing Italy," sabi ni Sally sa kanya sa kabilang linya. Napangiti siya sa sinabi nito. Nalalapit na kasi ang debut niya, t excited na siyang makita ang gown na sa Italy pa niya pinagawa. "Sabihan mo na lang ang Kuya Sebastian mo na idaan ka sa shop para ma fit mo ang gown," sabi pa sa kanya ni Sally. Napataas pa ang kilay niya dahil pinipilit talaga nito na maging Kuya niya si Sebastian. Pati ang Daddy niya Kuya Sebastian ito ng Kuya Sebastian sa kanya. Eh hindi naman Kuya ang turing niya kay Sebastian. Ganoon pa man nagpasalamat siya kay Sally bago ito nawalan sa kabilang linya. Sakto naman na tapos na silang mag usap ni Sally nang makita ang kotseng sinasakyan ni Sebastian na papalapit na sa kinatatayuan niya. Wala pa nga sa loob na nag ayos siya ng buhok at uniporme, dahil alam niyang pwedeng nakatingin sa kanya si Sebastian ngayon sa loob ng sasakyan. Tinted ang salamin ng kotse kaya hindi niya ito makita mula sa loob. Nang huminto ang kotse sa tapat niya. Agad na siyang sumakay. Alam naman niyang hindi bababa si Sebastian para pagbuksan siya ng pintuan. "Hi," bati niya kay Sebastian nang makaupo na siya sa passenger seat at hinila ang seat belt. "Hey," bati nito sa kanya at sinulyapan siya. Buti naman at sinulyapan siya nito kahit papano. Kumabog pa ang dibdib niya nang magtama ang kanilang mga mata. Iba na ang suot nito ngayon kesa kanina. Naka polo shirt ito na kulay puti at pantalon. Napaka neat nitong tignan. Doktor na doktor ang dating nito. Pakiramdam tuloy niya napakaswerte niya at kasama niya ang ganito kagwapong lalake. Bukod kasi sa gwapo na ito eh talaga namang napakalinis nito, lalo na ang flawless nitong mukha na tila ba alagang-alaga sa derma. Kung sa bagay, maganda kasi ang klima sa Europe kaya marahil ganoon na lang kaganda ang kutis nito. Mula pa kasi pagkabata ay sa Europe na naninirahan si Sebastian kasama ang Papa nito. "Ah.. Sebastian, pwede ba tayong dumaan sa shop, isusukat ko lang iyung gown na isusuot ko sa debut ko," medyo nahihiya pa siya ng sabihin iyon kay Sebastian, baka kasi iniisip nito ginagawa niya itong driver. "Sure, ituro mo na lang ang daan," tugon nito sa kanya at pinaandar na nito ang sasakyan. Napangiti naman siya na tila ba kilig na kilig dahil matatagalan pa niyang makakasama si Sebastian. Isama pang ito ang unang makakakita pag sinuot na niya ang gown niya. Napaka timing talaga na absent si Mang Dante ngayon, dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama si Sebastian. Pagdating sa shop ayaw pang bumaba ni Sebastian ng sasakyan maghihintay na lang daw ito sa loob ng kotse. Buti na lang din at napilit niya. Kaya bumaba na rin ito at sinamahan siyang pumasok sa loob ng shop. Isang bading ang sumalubong sa kanya na napatili pa nang makita si Sebastian. "Ahhh... Ang gwpo naman ng kasama mo dear," maarteng sabi ng bading sa kanya habang kay Sebastian nakatingin. Napansin niya ang iritable sa mukha nito kaya agad na niyang sinuway ang bading. "Siya ba ang escort mo sa debut mo?" Tanong naman ng may-ari sa shop na bading din. "Ah... Eh...," saka siya napasulyap kay Sebastian na tahimik na naupo sa may waiting area. "I am not sure," mahinang tugon niya. Hindi pa naman talaga siya sigurado kase. "Jowa mo?" Bulong pang tanong sa kanya nito, sabay kurot sa tagiliran niya. Napatili siya at sinulyapan si Sebastian na talaga namang napakagwapo. Agad din naman siyang nag iwas ng tingin rito. Palakas na kasi ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib at baka mapansin ng bading at kung ano pa ang sabihin nito. Niyaya na siya ng bading sa loob para maisukay ang gown na isusuot niya sa debut niya. Isang engrandeng debut ang pinaghahandaan ng Daddy niya, kahit simpleng debu lang naman ay ok na sa kanya, basta nariyan si Sebastian. Kahit nga walang party ok na rin sa kanya basta makasama lang niya si Sebastian sa araw mismo ng birthday niya. Pagpasok sa dressing room agad na niyang sinukat ang gown. Binulungan pa siya ng bading kung ano ang pangalan ng gwapong lalaking kasama niya. Sumagot naman siya rito. "Ang gwapo ng boyfriend mo ah. Although halata ang malaking age gap niyo," bulong pa ng bading sa kanya. Well, malaki naman talaga ang age gap nila ni Sebastian eight years gap is a thing, mapapansin at mapapansin talaga iyon. Lumabas ang bading ng dressing room, at narinig niyang tinawag nito si Sebastian para papasukin sa loob ng dressing room. Mabilis naman niyang inayos ang buhok, at mukha. Maganda naman kasi ang gown at bagay na bagay sa kanya. Balak naman talaga niyang ipakita kay Sebastian ang suot niyang gown. Pero naunahan lang siyang magtawag ng bading na iyon, dahil marahil akala nito ay boyfriend niya talaga si Sebastian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD