Scarlett-7

1207 Words
Kinabukasan suot na niya ang uniporma niya sa SMU nang bumaba lumabas ng silid at nagtungo sa komedor. Papasok palang siya ng komedor naririnig na niya ang boses ng Daddy niya at ni Sally, at natitiyak niyang si Sebastian ang kausap ng mga ito. Inis na inis siya kay Sebastian kagabi, dahil nagmamalasakit lang naman siya rito, pero parang ito pa ang galit sa kanya. Masama ba ang ginawa niyang isumbong niya ang fiancé nitong cheater. Hindi lang naman siya ang nakakita sa video ni Irish kundi buong mundo. Good morning," bati niya nang makapasok na sa komedor. Una niyang binata ang ama at hinalikan ito sa pisngi. Sunod ay si Sally na nakaupo malapit sa Daddy niya. Saka niya sinulyapan si Sebastian na tahimik na nakaupo at nasa pagkain ang atensyon. Ni hindi man siya nito binati ng good morning o di kaya ay sinulyapan. Galit ba ito sa kanya? Bakit naman? Dahil ba kay Irish? Ang babaw naman nito kung ganon. Bulong niya sa isip. "Maupo ka na Scar, at ng makakain ka na. Baka ma late ka pa sa school," sabi ng Daddy niya. Agad naman siyang naupo katapat si Sebastian na hindi pa rin siya sinusulyapan. "Ah.. Scar, wala si Manong Dante masama raw ang pakiramdam at hindi makakapasok ngayon," sabi ni Sally sa kanya habang naglalagay siya ng pagkain sa plato. "Ano po ang nangyari kay Mang Dante?" Tanong niya at sinulyapan ang ama. "Baka nasobrahan na naman iyon sa alak. Nakipag birthday daw kasi sa kaibigan kahapon," tugon ng Daddy niya. "Ah... Baka nga po," sabi niya at nagsimula ng kumain. Sinulyapan pa niya si Sebastian na busy pa rin sa pagkain. "Sino po ang maghahatid sa akin?" Tanong niya. Hindi pa kasi siya marunong mag drive, at ayaw pa naman ng Daddy niya na paturuan siyang magamaneho. Wala pa daw kasing siyang eighteen. So baka next week pwede na dahil eighteen na siya next week. "Ang Kuya Sebastian mo na muna ang maghahatid sa iyo sa SMU," tugon ni Sally sa kanya. Nagulat siya at muntik pang malunok ng buo ang kinagat niyang hotdog sa narinig. Agad niyang hinila ang tubig at uminom saka sinulyapan si Sebastian na nakatingin na ngayon sa kanya. "Pinakiusapan ko muna ang Kuya Sebastian mo para ihatid ka sa school. Hindi rin kasi kita maihahatid, dahil kailangan kong magtungo sa shop," sabi naman ng Daddy niya. Nakatingin siya kay Sebastian na wala namang ano mang ekspresyon sa mukha. Siya naman ay hindi makapagsalita. Nakatingin lang siya sa gwapong mukha ni Sebastian. Nakasuot ng plain white t-shirt si Sebastian at napaka fresh nitong tignan. Kung titignan ito parang hindi naman nalalayo ang edad nito sa edad niya. Parang hindi nga ito doktor. Mas mukha pa itong estudyante kesa professional na doktor. Matapos nilang kumain umakyat lang siya saglit sa itaas para mag toothbrush at kunin ang bag niya. Pero bago siya lumabas ng silid niya nagpaganda muna siya at halos ipaligo niya ang pabango sa buong katawan, dahil nga si Sebastian ang maghahatid sa kanya sa San Miguel University. Pagbaba niya agad na siyang nagpaalam sa Daddy niya at kay Sally. Nasa labas na raw si Sebastian at hinihintay na siya. "Aalis na ba tayo?" Tanong niya nang makalabas na ng bahay. "Yes," malamig nitong tugon sa kanya at hindi man nito binuksan ang pintuan ng passenger seat para sa kanya. Umikot na ito agad sa driver seat at sumakay, naiwan siyang nakasunod ng tingin rito. Napahugot na lang siya ng malalim na paghinga at padabog na lumakad palapit sa kotse at inis na binuksan ang pintuan ng passenger seat at sumakay. Nilalagay palang niya ang seat belt umandar na ang sinasakyan nila. Inikot na lang niya ang mga mata sa inis. Naisip niyang kaya ganito ang kilos ni Sebastian ay dahil sa nangyari sa kanila kagabi. Iniisip kasi nito na nakikialam siya sa relasyon nito kay Irish. Concern lang naman siya kay Sebastian dahil hindi nito deserve ang maloko lang ni Irish, lalo na't engaged na ang dalawa. Habang tinatahak nila ang kalsada patungo sa San Miguel University, wala silang kibuan ni Sebastian. Masyado itong tahimik at sa kalsada lang nakatuon ang atensyon nito. Ni hindi nga siya nito sinusulyapan man lang. Panay nga ang buntong hininga niya at buga niya ng hangin. Naiinis kasi siya, at hindi maipaliwanag ang nararamdam ngayong silang dalawa lang ni Sebastian ang nasa loob ng sasakyan. Naroon iyung pakiramdam niyang na su- suffocate siya sa sobrang lapit ng binata sa kanya. Amuy na amoy pa niya ang mamahaling pabango nito. Ang tagal niyang hinintay na mangyari ang ganito sa kanila ni Sebastian, iyung masolo niya ang binata ng ganito. Iyun nga lang napakalamig ng pakikitungo ni Sebastian sa kanya. Pagdating sa SMU. Tinabi na nito ang sasakyan sa gilid ng campus. Nagpasalamat naman siya agad kay Sebastian. "Thank you," pasalamat niya nang sulyapan ito. Lumingon naman ito sa kanya at tumango lang ito, ni hindi man ito ngumiti sa kanya. "Ah.. Sebastian," tawag niya sa binata. Tinignan naman siya nito at hinintay ang sasabihin niya. Napatitig siya sa magandang mga mata nito. Ang gwapo talaga ni Sebastian, kahit seryoso ang mukha nito. "Ikaw din ba ang magsusundo sa akin mamaya?" She asked. "Yes, busy ang Daddy mo," maiksing tugon nito sa kanya. Lihim siyang napangiti, dahil makakasama pa niya muli ang binata mamaya. Sinulyapan niya mamahaling relong suot. Nakita niyang may time pa kaya nais muna niyang mag stay sa sasakyan at kausapin pa si Sebastian. "Ah... Sebastian, about last night," simula niya. "I don't want to talk about it," agad nitong tugon sa kanya. Nahimigan niya ang galit sa tono nito. "Ayoko ng marinig pa sa iyo ang tungkol kay Irish. Gaya ng sinabi ko kagabi. Ayokong nakikialam ka sa personal kong buhay, Scarlett!" Mariin nitong sabi sa kanya. "Gusto ko lang naman mag sorry," she said. Totoo iyon nais niyang mag sorry sa pakikialam niya rito. Alam niyang masyadong sensitive ang ginawa ni Irish. "It's ok, just, huwag ka nang pakialam sa susunod," sabi naman nito sa kanya. Tumango na lang siya rito at nagpasalamat na rito saka nagpalam na rin. Pagbaba niya ng sasakyan nakita niyang mabilis na pinaharurot ni Sebastian ang sasakyan. Napakibit balikat siya at nagbuga ng hangin. Hindi dapat ganito ang pakikitungo sa kanya ni Sebastian. Mali ba ang ginawa niyang pakikialam rito at kay Irish? Gusto lang naman niyang malaman ni Sebastian na manloloko si Irish. "Scar!" Narinig niyang tawag sa kanya sa di kalayuan. Nakita niya ang kaibigan na si Brianna na kumakaway sa kanya. Muli pa niyang sinulyapan ang sasakyan ni Sebastian sa kalsada pero wala na iyon, kaya naman lumakad na siya para salubungin ang kaibigan. "Kanina pa kita hinihintay, may sasabihin ako sa iyo," Brianna said. "Ano iyon?" Tanong niya nang sabay na silang maglakad ng kaibigan papasok sa campus. "Kilala ko na ang lalaking kasama ni Irish sa bar," Brianna said. "Sino?" She asked. Although hindi naman siya interesado sa kung sino man ang lalaking kasama ni Irish, ang mahalaga alam niyang manloloko si Irish at hindi ito ang babaing dapat pakasalan ni Sebastian. "My gosh, Scar. Hindi ka maniniwala for sure. Dahil ang lalaking kahalikan ni Irish sa bar ay ang best friend mismo ni Sebastian."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD