Scarlett-9

1209 Words
"Look at her, she looks like a princess in real life," komento ng bading nang kasama na nitong pumasok sa loob ng dressing room si Sebastian. Wala namang ekspresyon sa mukha si Sebastian habang nakatingin sa kanya. Agad rin silang iniwan ng bading sa loob. Lumabas ito ng dressing at iniwan silang dalaga ni Sebastian sa loob. Napalunok siya at ngumiti kay Sebastian na hindi man ngumiti sa kanya. "Ok naman maganda. Kung tapos ka na lumabas ka na agad, at ng makauwi na tayo," malamig na sabi ni Sebastian sa kanya. Nadismaya siya sa sinabi nito. Hindi pa nga siya nakakasagot rito agad na itong tumalikod at lumakad palabas ng dressing room. Hindi naman niya ito pinigilan pa. Humugot na lang siya ng malalim na paghinga at nagkibit balikat. Kailangan na ba niyang masanay sa laging malamig na pakikitungo sa kanya ni Sebastian. Hindi naman ganito sa kanya ang binata noong una silang magkaharap. Dahil ba sa pakikialam niya sa relasyon nito kay Irish kaya ito nagkakaganito sa kanya. Hindi naman kasi niya pwedeng ipagwalang bahala na lang ang nakita niya. Hindi pwdeng magbulag-bulagan siya sa panloloko ni Irish kay Sebastian. "Nagustuhan ba ng boyfriend mo?' Tanong ng bading sa kanya nang pumasok ito sa dressing room. "Yeah. He loved it," pagsisinungaling niya. Ayaw kasi niyang mapahiya siya rito. "Ang swerte mo naman sa boyfriend mo. Gwapo na at mukhang mature pa. Siguro alagang-alaga ka niya no," sabi pa ng bading sa kanya, habang sinusuri ang suot niyang gown pa ma fit talaga sa kanya ng mabuti sa araw ng birthday niya. "Of course," tanging tugon niya sa bading. Wala siyang panahon para itama ang maling akala nito sa kanila ni Sebastian. Isipin na lang nito ang gusto nitong isipin sa kanila ni Sebastian. Matapos makuha ng bading ang tamang sukat na gusto niya para sa gown ay nagpaalam na rin siya agad sa mga ito, babalik na rin siya isang araw bago ang birthday niya para masukat muli ang gown. Inihatid pa sila ng dalawang bading sa labas, halata naman na si Sebastian lang ang tinitignan ng mga ito. "Sebastian," tawag niya sa binata habang nagmamaneho ito. "What?" Walang kagana-ganang tanong nito sa kanya na hindi man siya nililingon nito. "Pwede ba tayong dumaan sa Pizza Parlor" She asked. Nais kasi niyang lubus-lubusin na ang pagkakataon na makasama ito. Tiyak kasi na bukas hindi na ito ang mag da drive sa kanya, kaya nais niyang tumagal pa ang pagsasama nila. "What?" Kunot noong tanong nito sa kanya. Sinulyapan pa nga siya nito at muling binalik ang tingin nito sa kalsada. "I want to eat pizza. Ayoko muna kasing mag dinner. Pizza is enough,' tugon niya sa binata. Nakita niyang humugot ng malalim na paghinga si Sebastian at iniling pa nito ang ulo. Ganoon pa man pumayag pa rin ito na idaan siya sa Pizza Parlor. Lihim siyang napangiti dahil wala naman magagawa ito kundi sumunod sa kanya. Habang nasa biyahe binuksan niya ang bintana ng kotse para langhapin ang malinis na hangin sa payapang bayan ng San Miguel. "What are you doing?' Iritang tanong nito sa kanya. "Gusto ko lang malanghap ang sariwang hangin," tugon niya at inilabas pa ang kamay sa bintana, para ma feel niya ang hangin. Hanggang sa makarating sila sa sikat na Pizza Parlor sa bayan nila nakabukas ang bintana niya, kaya nakita siya ng ilang mga la school mate. Nakita rin niya si Rob sa labas kasama ang mga barkada nito, na agad napalingon sa sinasakyan nila at nakita siya ni Rob. Ngumiti ito at kumaway sa kanya. Agad naman niyang tinaas ang bintana pasara. Pero papalapit na sa sinasakyan nila si Rob. "Pizza ba ang pinunta natin dito o ang mga bagets na nakatambay diyan?' Malamig na tanong sa kanya ni Sebastian saka nito pinatay ang makina ng sasakyan. "No, of course not," tugon niya. Isang katok sa bintana niya ang narinig. Nakita niyang so Rob ang kumatok. May kakulitan si Rob at sobrang mahangin nito. Sa dami naman kasi ng mga ka eskwela niyang pwedeng makita eh si Rob pa. Nagulat siya nang maunang bumaba ng sasakyan si Sebastian. Nakita niyang napaatras si Rob sa may pintuan ng sinasakyan niya. Kaya naman binuksan na niya ang pintuan at bumaba. Nakita niyang nakatingin si Rob kay Sebastian na nakatayo sa may tabi ng sasakyan. "Scar, Hi," bati sa kanya ni Rob. "Hi, Rob," bati rin niya rito at saka lumakad na palapit kay Sebastian na kay Rob pa rin nakatingin. Nagtataka tuloy siya kung bakit ganon kung tignan ni Sebastian si Rob. "See you around, Scar,' sabi pa sa kanya ni Rob. "Yeah," tanging tugon niya at lumakad na palapit kay Sebastian na tila sadya siyang hinintay na makalapit rito, saka na sila lumakad papasok sa loob ng Pizza Parlor. Pagpasok nila sa loob crowded. Puno ng mga tumatambay na kabataan sa loob. Pamilyar pa nga sa kanya ang iba. Nadako kasi sa kanila ni Sebastian ang atensyon ng mga naroong kumakain at nagkukwentuhan. "Sa itaas na tayo," sabi niya kay Sebastian na umaagaw ng atensyon sa mga naroon, lalo na sa mga kababaihan at kaedaran niya. Sumunod naman sa kanya si Sebastian at umakyat sa paikot hagdan na naroon para pumuwesto sila sa itaas. Pagdating sa itaas, ganoon rin puno rin at agaw atensyon na naman si Sebastian. Alam niyang si Sebastian ang pinagtitinginan ng mga ito. "Crowded," sabi sa kanya ni Sebastian. "Sa rooftop tayo," nakangiting tugon niya rito. Sa rooftop naman talaga ang gusto niyang pwesto sa Pizza Parlor na iyon. Sa itaas kase makikita niya kung gaano kaganda ang langit, lalo na ngayon puno ng bituin at bilog ang buwan. Muli silang umakyat sa paikot na hagdab para marating ang rooftop ng Pizza Parlor. "Here," masiglang sabi niya. Marami ring tao sa labas, pero dahil maaliwalas sa itaas ay may bakante pa namang pwesto. Isa pa sa nagustuhan niya sa rooftop ay dahil may pa romantic music pa doon at sometimes may banda ring tumutugtog, madalas tuwing weekend may live band sa Pizza Parlor. "Dito ka ba tumatambay madalas?" Sebastian asked her nang makaupo na sila at makapag order na rin ng Pizza at drinks nila. "Ang ganda diba?" Nakangiting sabi niya. Pakiramdam kasi niya napaka perfect ng place para sa kanila ni Sebastian. Para silang nag de-date ngayon. Tama lang na maglibang muna si Sebastian dahil alam niyang broken hearted ito. Isama pang niloko din ito ng matalik nitong kaibigan. "Bakit mo ba ko dinala dito?" Sebastian asked. "Ah.. Well... I want to talk to you," she said. "Talk to me again? About what?" Kunot noong tanong nito sa kanya. Napalunok siya. Wala siyang balak na pag-usapan nila si Irish, dinala lang niya rito si Sebastian para makasama pa ito ng matagal. Pero kukunin na rin niya ang pagkakataon na ito para mapag-usapan na nila si Irish. Tama lang naman na gumawa na siya ng paraan para ilayo si Sebastian sa babaing manloloko iyon. Ito na marahil ang paraan pagkakataon niya para masira ang pagsasama nina Irish at Sebastian. Walang masama kung aagawin niya si Sebastian sa isang manlolokong tulad ni Irish. "About Irish and your friend," lakas loob niyang tugon kay Sebastian. "Scarlett!" Mariing tawag nito sa kanya at tinapunan siya nito ng masamang tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD