Scarlett-4

1213 Words
Habang kumakain sila sa hapag, tahimik lang siyang pinagmamasdan si Sebastian na maganang kumakain habang nakikipag kwentuhan sa mga magulang nila. "Mukhang na miss mo ang pagkaing pinoy, Sebastian," sabi pa ng Daddy niya rito. "Opo, Tito bihira na lang po kasi akong makatikim ng lutong pinoy," nakangiting tugon naman ni Sebastian. Napangiti rin siya habang nakatingin rito, na sobrang gwapo at iba talaga ang dating. Pansin nga niya kanina na nagkikiligin ang mga kasambahay nila nang dumating si Sebastian, isama pang panay sulyap ng mga ito sa gwapong doktor, paano napakagwapo na nga eh napakabango pa talaga nito. Nagulat pa siya nang mapasulyap ito sa kanya. Magkatapat kasi sila sa mesa nito. Kaya naman agad siyang nag iwas ng tingin at tinuon sa pagkain ang atensyon. "How are you, Scarlett?" Pangungumusta sa kanya ni Sebastian. Napalunok pa siya na tila ba may bumara sa lalamunan niya. Hindi kasi niya inaasahan na kukumustahin pa siya nito o mapapansin siya nito habang nasa hapag sila at kumakain. Uminom muna siya ng tubig at pinunasan ang bibig bago sumagot kay Sebastian na hindi inaalis ang mga mata sa kanya. Abnormal na kanina pa ang kabog ng kanyang dibdib, at pakiramdam niya ngayon ay lalong naging abnormal ang kabog non habang dahil tinitignan siya ni Sebastian. Hanggang ngayon kase hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan na niya si Sebastian at nasa iisang lugar lang sila, linalanghap ang iisang hangin at higit sa lahat kinakausap siya ng gwapong binata. "Ah... I am ok, Sebastian," kimi niyang tugon sa binata. "Scar, you can call him Kuya Sebastian, para hindi naman awkward," utos ng Daddy niya. "It's ok po Tito, Sebastian is better than Kuya Sebastian, para naman po hindi ko ma feel na malaki ang age gap namin ni Scarlett," nakangiting sabi naman ni Sebastian sa Daddy niya. "Kung iyan ang gusto mo, Sebastian," tugon ng Daddy niya. "Hindi kasi kayo nagkasama ng matagal ni Scar, kaya parang hindi kayo nagturingan magkapatid," sabi naman ni Sally sa kanila. Alanganing ngiti ang sumilay sa labi niya nang sulyapan siya ni Sally. Wala siyang naging tugon sa sinabi nito. Nakita naman niyang tumango si Sebastian at tinuloy nito ang pagkain. Kahit naman nagsama pa sila ni Sebastian sa iisang bahay habang lumalaki sila, ay hindi pa rin niya tatawaging Kuya si Sebastian, dahil alam niyang sa simula palang hindi kapatid ang tingin niya rito. Matapos nilang kumain may tumawag sa Daddy niya kaya nagtungo muna ito sa library at si Sally naman tumulong sa mga kasambahay para magligpit ng pinagkainan nila. Medyo may pagka maselan kasi si Sally pagdating sa pagkain, kaya mas nais nitong ito mismo ang nag-aasikaso pagdating sa pagkain. Niyaya naman niya si Sebastian sa garden sa may pool area para maglakad-lakad at syempre para na rin masolo niya ang gwapong binata. "Kumusta ang pag-aaral mo Scarlett?" Tanong nito sa kanya habang naglalakad sila. Pansi niyang Scarlett talaga ang tawag nito sa kanya, kahit ilang beses na nitong narinig na Scar lang ang tawag sa kanya ng Daddy niya at Mommy nito. Ngayon pa nga lang niya napansin na maganda naman pala ang pangalan niya kahit buong sabihin. Hindi kasi niya masyadong type ang pangalan niya dahil parang tunog matanda, pero pag kay Sebastian niya naririnig napakaganda sa pandinig niya. "Ok naman. 2nd year college na ko sa kursong nursing. 2 years na lang matatapos ko na," proud niyang tugon kay Sebastian. "Ayaw mo bang ituloy sa medicine? I mean ayaw mo bang maging doktor?" Sebastian asked. Sa totoo lang nais niyang maging doktor katulad ni Sebastian. Nais niyang maging katulad ng fiancé nito na sikat na doktor sa Europe, iyun nga lang medyo mahina siya, kaya nursing na lang ang kinuha niya. May chance pa rin naman kasi na makapag trabaho siya sa ospital at makasama ang isang doktor na katulad ni Sebastian. "Hindi ko kaya eh," nahihiyang amin niya kay Sebastian. Tumango naman ito sa kanya nang lingunin siya. "Masaya ka naman sa course mo?" Sebastian asked. Huminto ito sa paglalakad at tinanaw ang magandang hardin sa bakuran nila. Mahilig sa mga halaman at bulaklak ang Mommy ni Sebastian kaya maganda at maayos ang buong hardin nila. Huminto rin siya sa paglalakad at tumabi kay Sebastian na nililibot ang mga mata sa kapaligiran. "Yeah, I am happy," nakangiting tugon niya habang nakatingin sa gwapong binata. Sebastian is really perfect. Nice black hair, makinis na mukha, makapal na kilay, magagandang mga mata, matangos na ilong at magandang labi. Isama pang matangkad ito, mas higit na matangkad sa kanya and also may maganda itong pangangatawan. Marahik kahit busy ito sa ospital ay nakakapag gym pa rin ito para ma maintain ang magandang katawan. Kung hindi siguro doktor si Sebastian ay papasa itong model o di kaya at artista na tiyak na pagkakaguluhan ng maraming babae. "How's your love life?" Tanong naman sa kanya ni Sebastian nang lingunin siya nito. Nagulat siya at mabilis na inalis ang ngiti sa labi at tumingin sa malayo, saka napalunok. Humugot muna siya ng malalim na paghinga at liningon ito muli. Nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Wala itong kangiti-ngiti sa mukha, basta nakatingin lang ito sa kanya. Parang seryoso bilang ang mukha nito, ganoon pa man gwapo pa rin ito. Nagtama ang kanilang mga mata, at walang nagsasalita sa kanila ni isa. Tanging mga mata lang nila ang nag-uusap at nagkakaintindihan naman yata ang mga iyon. "Scarlett," banggit nito sa pangalan niya sa mahinang tinig na sakto lang umabot sa tenga niya. Nagbuka naman siya ng bibig para magsalita, iyun nga lang wala namang salitang lumabas sa bibig niya. "You are turning eighteen, Scarlett. Do you have a boyfriend?" Sebastian asked. Hindi nga siya nagkamali ang love life niya ang tinatanong nito kanina at hindi siya nakasagot kaya inulit nito. "Ah.. Well," simula niya. Wala siyang planong magsinungaling kay Sebastian. Isa pa ito naman ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang napupusuan. Kung bakit hindi siya na a-attract sa ibang lalake. Kung bakit wala siyang ibang makitang gwapo ay kasing perfect nito. "No. I never had a boyfriend before," she answered and looked at him. Nakatingin pa rin ito sa kanya. "Never?" Kunot noong tanong nito. "Yeah," she answered and nodded. "Really? Sa ganda mong iyan Scarlett, tiyak na maraming taga San Miguel ang maghahabol sa iyo," Sebastian said. "I don't like anyone," sabi naman niya. Hindi nga niya alam kung bakit nasabi niya iyon. "Oh.. I see. Wala ka palang nagugustuhan as of now," patango-tangong sabi nito. "Not really," she said. Dahil may gusto na siya at ito iyon. Matagal na siyang may gusto kay Sebastian hanggang ngayon. Suntok man sa buwan ay umaasa pa rin siyang mapapansin rin siya ni Sebastian at kung hindi man. Well, sabi nga nila kung hindi mo makuha sa santong dasalan, kuhanin mo sa santong paspasan. Kaya niyang gawin lahat makuha lang si Sebastian, at ang pagdating ni Sebastian sa bahay nila ay nagbigay sa kanya ng pag asa para magawa ang plano niyang sirain ang relasyon ni Sebastian at Irish. Dahil siya lang ang babaing nararapat kay Sebastian. Sound selfish, but iyon ang totoo. Nakahanda siyang mang agaw at manira ng relasyon makuha lang niya ang gusto niya. Dahil mula noo hanggang ngayon ay mahal niya si Sebastian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD