Pagdating ng weekend, hindi na siya sumama sa mga magulang niya sa pagsundo kay Sebastian sa airport. Nais kasi niyang maiwan na lang sa bahay at mag-ayos ng mag-ayos para naman maganda siya mamaya pag nakita siya ni Sebastian.
Ang Tita Sally at Daddy na lang niya ang sumundo kay Sebastian sa airport. Sa pagkakaalam niya mag isa lang darating si Sebastian ngayon, at susunod naman daw sa susunod na araw ang girlfriend nitong si Irish. Kaya naman habang wala pa ang girlfriend nito nais niyang sulitin ang araw na makakasama niya si Sebastian, dahil tiyak na pagdating ng girlfriend ni Sebastian ay hindi na niya malalapitan pa ang binata.
Matapos niyang makapagbihis agad na siyang bumaba para tignan kung dumating na si Sebastian.
Tumatakbo pa siya habang pababa mg hagdan sa sobrang excited niyang makita muli si Sebastian.
"Scar, baka mahulog ka sa kakatakbo mo diyan,' sita sa kanya ni Manang Imelda nang makita siya nitong tumatakbo sa hagda..
"Dumating na po ba sina Daddy?" Tanong niya nang tuluyan na siyang makababa ng hagdan.
"Wala pa sila, pero tumawag na ang Tita Sally mo, sinabi niyang malapit na sila, kaya pinahanda na niya ang komedor," tugon nito.
"Ganoon po ba," nakangiting tugon niya. Sandali na lang pala ang hihintayin niya at makikita na niya si Sebastian.
Ilang gabi na ba siyang puyat, dahil hindi makatulog sa kaiisip kay Sebastian. Wala na nga siyang ginawa kundi bantayan ang social media ng binata para makasagap ng update or new picture nito, iyon nga lang wala talagang hilig si Sebastian na post ng picture nito, kahit napakagwapo naman nito.
Habang naghihintay nagtungo siya sa komedor para tignan ang mga pagkaing makahain na sa mesa. Napangiti siya dahil maraming pagkain ang naroon at lahat mukhang masarap, halatang nagpahanda talaga ang Tita Sally niya para sa pagdating ng anak nito.
"Sebastian,' bulong niya sa magandang pangalan ng binata.
"Kaunting oras na lang at magkikita na tayo muli," bulong niya sabay ayos pa sa buhok niya. Talagang pinaghandaan niya ang pagkikita nilang ito ni Sebastian. Bumili siya ng bagong dress na susuotin ngayong araw. Naglagay siya ng light make up sa mukha. Kinulutan din niya sa dulo ang mahabang buhok niya. Para naman siguradong mapapansin siya ni Sebastian.
Ilang araw na lang naman ay eighteen na siya. Ganap na siyang dalaga. Malayo na rin ang itsura niya noong huling kita sa kanya ni Sebastian, lalo na ang katawan niya. Dalaga na kasi siya ngayon kaya naman iba na rin ang hubog ng kanyang katawan. May tamang laman na ang katawan niya sa dapat.
Mula sa komedor narinig niya ang mga kasambahay na nagkakagulo sa may sala. Marahil dumating na ang hinihintay nila.
Ngumiti siya at inayos muli ang buhok at damit. Alam naman niyang maganda na siya ngayon kesa sa dati. Sinigurado lang niya na mas maganda siya ngayon para kay Sebastian.
Nagmamadali na rin siyang lumabas ng komedor para salubungin si Sebastian.
Pagdating sa sala hindi nga siya nagkamali dumating na ang Daddy niya. Nakita niyang naka abang na sa labas ang dalawang kasambahay, kaya naman pumuwesto na siya sa tapat ng pintuan ng bahay nila, para naman makita siya agad ni Sebastian paglabas nito ng sasakyan.
Unang bumaba ng sasakyan ang Daddy niya at pinagbukasan ng pintuan si Sally. Kumakabog ang dibdib niya habang hinihintay ang susunod na lalabas. Para na nga siyang hindi mapakawali sa kinatatayuan niya.
Pigil ang hininga niya nang bumukas ang pintuan ng sasakyan. Alam niyang si Sebastian na ang baba.
Hindi naman na siya nagkamali nang si Sebastian na nga ang lumabas ng sasakyan. Narinig pa niyang kinilig ang dalawang kasambahay na agad lumakad patungo sa likod ng sasakyan para marahil kunin ang mga gamit ni Sebastian.
Pakiramdam niya mas lalo siyang hindi makahinga nang makita si Sebastian. Tila siya natulala at hindi magawang kumurap habang nakatingin sa gwapong mukha ni Sebastian.
Ilang taon man ang lumipas, nanatiling gwapo at makisig pa rin si Sebastian. Mas gumuwapo pa nga ito sa paningin niya.
Nadako ang mga mata ni Sebastian sa kinatatayuan niya. Lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso nang makita nang magtama ang mga mata nila ni Sebastian.
Ngumiti ng bahagya sa kanya si Sebastian, hindi naman niya malaman kung paano mag re-react. Lumukso kasi ang puso niya sa pag ngiting ginawa ni Sebastian sa kanya. Ngiting nagpakabog ng todo sa dibdib niya at nagpabilis pa lalo sa t***k ng puso niya. Pakiramdam nga niya hihimatayin na siya.
"Scar, hija. Salubungin mo naman ang Kuya Sebastian mo," narinig niyang tawag ng Daddy niya sa kanya.
Napalingon siya sa ama. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Hindi naman niya Kuya si Sebastian. Ganoon pa man tumango siya sa ama at lumakad na palapit kay Sebastian na nakatayo pa rin sa tabi ng saskyan habang nakatingin sa kanya.
Habang papalapit siya kay Sebastian ay hindi naghihiwalay ang kanilang mga mata, iba tuloy ang iniisip niya sa paglalakad niya palapit sa gwapong binata. Na i-imagine niyang sa altar siya naglalakad patungo kay Sebastian.
"Scarlett? Ikaw na ba iyan?" Tanong sa kanya ni Sebastian habang palapit pa rin siya rito.
"Oo anak si Scarlett na iyan, dalaga na siya hindi ba," sabi ni Sally sa anak nito.
"Oo nga po Ma, hindi na siya iyung iyakin ay sipuning bata,' nakangiting biro ni Sebastian.
Medyo napasimangot siya sa sinabi ni Sebastian, pero ganoon pa man nagtuloy siya sa paglapit sa binata para batiin ito.
"Hi, Sebastian,' bati niya sa binata nang huminto sa tapat nito.
"Dalaga ka na nga Scarlett," sabi pa sa kanya ni Sebastian habang nakatingin pa rin ito sa kanya. Ramdam niyang sumigla at lalong nabulabog ang dibdib niya. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pagbanggit nito sa buong pangalan niya. Bibihira lang kasi ang tumatawag sa kanya ng Scarlett. Napakasarap tuloy sa pandinig niya.
"Debut na niya next week, anak kaya tama lang ang dating mo at makaka attend la sa eighteen birthday ni Scar," litanya ni Sally.
"Great masasaksihan ko pa pala ang pinaka magandang araw mo Scarlett," Sebastian said.
"Yeah," she said.