Kinagabihan hindi siya mapakali sa loob ng kanyang silid. Nasa katabing silid lang kasi niya si Sebastian at hindi niya alam ang gagawin para mapansin ng binata.
"Anong gagawin ko?" Tanong niya sa kaibigan na tinawagan pa talaga niya para kang itanong kung ano ang gagawin niya dahil nasa kabilang silid lang niya si Sebastian. Ang tagal niyang hinintay ang pagkakataon na ito, at ngayong narito na ay hindi naman niya malaman ang gagawin.
Kanina nga nang maghapunan sila ay tulala siya at hindi man makasabay sa pinag-uusapan ng mga magulang niya at ni Sebastian, masyado kasing seryoso at kahit nasa second year college na siya sa kursong nursing ay wala pa rin siyang idea sa maraming bagay lalo na pagdating sa medicine, kaya ayun kulelat siya sa harapan ni Sebastian.
"Buti tumawag ka, Scar tatawagan na nga sana kita," sabi ni Brianna sa kabilang linya.
"Bakit mo naman ako tatawagan?" Tanong niya rito.
"Isn't mag isa lang si Sebastian na dumating ng pinas?" Brianna asked.
"Yeah, why?" Hindi interesadong tanong niya sa kaibigan. Nais na kasi niyang malaman kung ano ang ma isa-suggest nito sa kanya na gagawin niya para mapansin ni Sebastian.
"Ay nako si Irish, gumagawa ng kalokohan sa Europe. Hindi ko lang alam kung aware si Sebastian na isang cheater ang fiancé niya!" Mataray na sabi ni Brianna sa kanya.
"What?" Tanong niya. Bigla kasi siyang naguluhan. Sino naman ang matinong babae na magagawa pang mag cheat sa isang tulad ni Sebastian. Bukod sa sobrang gwapo at lakas ng s*x appeal, napaka bango at syempre napaka talino. Na kay Sebastian na ang lahat ng katangian ng isang lalake na pipiliin mong makasama sa habang buhay. Kung tutuusin napaka swerte na nga ni Irish dahil pakakasalan pa ito ni Sebastian, pero kung isang cheater nga si Irish, hindi nito deserve ang isang katulad ni Sebastian.
"Girl, kalat sa social media ngayon ang video na may kahalikang ibang guy sa isang bar," sabi sa kanya ni Brianna. Kumunot ang noo niya at walang masabi sa narinig.
"I will send it to you, para ikaw na mismo ang humusga kay Irish. Grabe as in sayang. Idol ko pa naman siya, dahil napakaganda niya at ang napaka galing na doktor. Pero kung cheater siya at hindi makuntento sa isang lalake. Naku girl she is out for me!" Mahaba at puno ng arteng sabi sa kanya ni Brianna.
"I send mo na lang," tanging tugon niya sa kaibigan. Agad namang nawala sa kabilang linya si Brianna. At tumunog ang cellphone niya. Napalunok pa siya nang makitang nag send video si Brianna sa kanya at sunud-sunod na messages na sinasabing cheater daw si Irish.
Ewan niya pero hinihiling niyang hindi naman sana niloloko ni Irish si Sebastian. Hindi deserve ni Sebastian na lokohin at buong mundo pa ang makakaalam.
"Well, let me see," bulong niya habang kabado siyang nakatitig sa video na hindi pa niya na pi-play. Hindi kasi niya alam kung ano ang mararamdaman niya para kay Sebastian.
Pinanood niya ang video na sinend sa kanya ni Brianna. At walang duda si Irish nga ang babaing sumasayaw na tila lasing sa isang bar kasama ang mga foreigner na grupo. Habang sumasayaw si Irish at pinulupot nito ang mga kamay sa leeg ng isang lalaking puti at si Irish pa mismo ang humila sa ulo ng lalake para maabot ang labi nito at naghalikan na nga ang dalawa.
"Damn," mura niya at napapikit ng mga mata. Hindi na nga niya magawang tapusin pa ang video dahil napakasakit na sa mata ang ginagawang kalaswaan ni Irish. Nasabi pa namang isa itong sikat na doktor sa Europe at marami itong fans sa socia media na sumusubaybay sa buhay nito.
"B*tch!" Bulong niya at inihagi ang cellphone sa kama sa sobrang inis na nararamdam niya kay Irish.
Paano nito nagawang lokohin si Sebastian? Isn't kaya nga umuwi si Sebastian ay para ipakilala na si Irish sa Mama nito. Ang alam nga niya ay sabay na darating ang dalawa sa San Miguel, pero ewan niya kung bakit mag isa lang dumating si Sebastian at hindi nito kasama si Irish. Ang sabi naman ni Sebastian ay susunod daw si Irish rito. Pero paano pa ito susunod kung makita na ni Sebastian ang kataksilan ni Irish rito.
"Ang landi niya! Hindi na siya nahiya! Si Sebastian pa talaga ang naisipan niyang lokohin! Ang kapal ng mukha!" Galit na galit na sabi niya.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama. Nagpalakad-lakad siya habang nag-iisip kung ano ang gagawin niya sa nalaman niyang ito kay Irish. Kung tutuusin pabor sa kanya ang ginawang ito ni Irish kay Sebastian, lalo na't nais naman niyang agawin talaga si Sebastian kay Irish. Nag-iisip na nga siya ng paraan kung paano maaagaw ang binata kay Irish, tapos bigla niyang nalaman na nagloloko na ang babaing iyon sa Europe ngayon, dahil wala roon si Sebastian.
"Kakausapin ko si Sebastian, kailangan niyang malaman ang tungkol dito," sabi niya. Natitiyak naman niyang alam na ni Sebastian ang tungkol sa video, dahil nga kalat na kalat na iyon sa social media.
"Tama, I need to talk to him,' she said. At mabilis na lumakad patungo sa may pintuan nang bigla siyang matigilan at niyuko ang sarili. Ternong pajama ang pantulog na suot niya na may malaking print pa ng kilalang cartoon character.
"Eeewww...," sabi niya sa sarili. Tiyak kasi na magmumukha siyang nene sa harapan ni Sebastian dahil sa suot niya. Kaya naman nagmamadali siyang nagpalit ng silk na pantulog para naman mas magmukha siyang dalaga. Kumportable kasi siya sa pajama kaya iyon ang mas madalas niyang isuot. Pero dahil nga narito si Sebastian sa bahay nila kaya dapat na mas magandang pantulog na muna ang isusuot niya, hindi lang dapat pantulog ang maganda niyang isuot, kundi pati ang damit pambahay niya.
Matapos niyang makapagbihis nagsuklay naman siya ng buhok at ang spray ng pabango. Nais pa nga niyang maglagay ng make up, kaya lang masyado ng obvious iyon. Nang masigurado na niyang maganda at kaakit-akit na siya at nagtuloy na siya sa labas.
Paglabas niya una niyang sinulyapan ang silid na ng Daddy niya sa may dulo. Wala ng ano mang ilaw na nagmumula sa loob ng silid, marahil tulog na ang Daddy niya at si Sally. Kaya naman lumakad na siya patungo sa katabing guest room kung saan naka stay si Sebastian. Napakunot pa ang noo niya nang makitang bukas ang silid.
Lumakad siya palapit sa pintuan at sumilip sa loob. Tanging lampshades lang sa gilid ng kama ang ilaw na nakabukas.
"Sebastian," tawag niya sa stepbrother habang papasok sa pintuang bukas. Nakailang tawag siya pero walang sumasagot hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa loob ng silid.
"Sebastian," muli niyang tawag. Ginagala niya ang mga mata sa loob ng silid. Maayos na maayos pa ang kama, mukhang hindi pa iyon nahigaan. Maayos din ang mga bagaheng dala ni Sebastian sa isang tabi.
"Scarlett? What are you doing here?"
Nagulat siya nang may marinig na magsalita sa may likuran niya, kasabay ang pagkalat ng liwanag sa buong silid. Gulat pa siyang lumingon para makita kung sino ang nagsalita, although kilala naman niya ang may ari ng tinig si Sebastian.
"Sebastian," banggit niya sa pangalan ng lalake na nakatingin sa kanya nang magkaharap sila.
"What are you doing here, Scarlett?" Muli nitong tanong sa kanya.
Napanganga naman siya nais kasi niyang magsalita, iyon nga lang walang lumalabas sa bibig niya. Nanatili siyang nakatingin kay Sebastian. Napalunok pa siya nang bumaba ang mga mata niya mula sa gwapong mukha nito, nalipat sa malapad nitong dibdib na naka exposed sa harapan niya, dahil walang suot na damit pang itaas ang binata. Sunod-sunod na lunok ang ginawa niya habang hindi maalis-alis ang mga mata sa napakagandang katawan ni Sebastian na may abs pa. Papasa nga itong modelo kung sakali. Napalunok pa siya lalo nang bumaba sa suot nitong jogger pants na naka hang sa hips nito, pansin kasi niyang may nakabukol na kung ano suot nitong jogger pants.
"Scarlett," tawag sa kanya ni Sebastian na tila nagpabalik sa kanya sa katinuan. Kung anu-ano na kasi ang pumapasok sa isip niya.
"Ah?" Gulat pa niyang sabi rito at mabilis na nagtaas ng mga mata at tumingin sa mga mata nito.
"What are you doing here?" Tanong nito sa kanya. Ilang beses na bang tinanong ni Sebastian iyon sa kanya, at hindi pa niya nasasagot dahil distracted siya sa magandang katawan nito.
"Ah.. Eh..: