Scarlett-10

1809 Words
"Hindi ba't sinabihan na kita na huwag ka nang makialam pa sa amin ni Irish!" Mariing sabi sa kanya ni Sebastian. Sasagot na sana siya nang lapitan sila ng waiter para kunin ang order nila, kaya nag order na muna siya ng makakain nila. Si Sebastian sinabing hindi ito nagugutom at bilisan na daw niya para makauwi na sila. Pero ganoon pa man nag order pa rin siya ng para sa binata. Alam niyang iritable lang ito sa kanya, dahil sa pilit siyang nakikialam at nakikisawsaw sa relasyon nito kay Irish. "Sebastian about Irish and your friend," simula niya muli nang makaalis na ang waiter. It's sounds napakakulit na niya at pakialamera, pero ito na kasi ang nakita niyang butas para tuluyan nang magkahiwalay ang dalawa at maka eksena na siya. Selfish oo, pero sa panahon ngayong mahalaga na ang sariling kaligayaan kesa sa kaligayaan ng iba. "Scarlett! How old are you at ilan na ba ang naging relationship mo at gusto mo kong pangaralan sa relasyon ko kay Irish?" Mariin nitong tanong sa kanya. Nasa gwapong mukha na ni Sebastian ang inis at galit. Baka nga iwan na siya nito kung hindi pa siya titigil sa pangungulit. But, then nais niyang ipa realized sa binata na hindi si Irish ang tamang babae para rito. "I'm... turning eighteen... this weekend," medyo utal pa niyang tugon sa binata. "How many boyfriends na ba ang dumaan sa iyo in your seventeen years of existence?" Sebastian asked. Hindi siya agad nakasagot. Ano ba ang tamang isagot sa tanong nito. Wala pa kasi siyang naging boyfriend, dahil nga fifteen pa lang siya ay in love na siya kay Sebastian, at lalo niyang napatunayan ang damdamin niya rito ngayon. Kaya wala siyang hindi kayang gawin para lang makuha ito. "Tell me, Scarlett. Ano malay mo makinig ako sa iyo dahil experts ka kesa sa akin na isang twenty-six years old at hindi na mabilang ang mga babaing dumaan sa kama ko!" Mariin sabi nito sa kanya.. Natigilan siya at napa angat ng ulo saka tumingin sa mga mata nito. Paano nagpantig kase sa tenga niya ang huling salitang ginamit nito. "Ilang lalake na ba sinamahan mo sa kani-kanilang kama, para makialam sa serious relationship ng isa tao?" Sebastian asked na lalong kinagulat niya at nanlaki lalo ang mga mata niya habang nakatingin rito. "Sebastian," banggit niya sa pangalan nito na sakto lang umabot sa tenga nito. "Bakit hindi ka makasagot ngayon Scarlett?" Tanong nito sa kanya. Napalunok lang siya at hindi magawang makapagsalita. Hindi niya maintindihan kung bakit tila umurong ang dila niya at hindi magawang ipagtanggol ang sarili ngayon. Hindi niya masabi na wala pa siyang nagiging boyfriend since birth, dahil ito lang ang hinihintay niya, at ito lang ang nais niyang maging boyfriend. "Huwag mong pakialam ang personal kong buhay, Scarlett. Dahil wala akong balak na pakialaman ang buhay mo!" Mariin pang sabi nito sa kanya. Napalunok na lang siya, at hindi na nakakibo. Naiiyak pa nga siya dahil napahiya siya. Napahiya siya sa taong gusto niya. Hindi ang ganitong pagtrato sa kanya ni Sebastian ang inaasahan niya. Pero baka nga mali siya, dahil nanghihimasok siya personal nitong buhay. "I'm sorry," nakayuko niyang paumanhin kay Sebastian. Wala naman itong naging tugon sa kanya. Pagdating ng pagkain nila agad siyang sinabihan ni Sebastian na kumain na at nang makauwi na sila. "Sabay na tayo,' she said. "I told you, hindi ako nagugutom. Hindi ako mahilig sa kiddie meal," malamig na tugon nito sa kanya. Pizza and softdrinks kasi ang in order niya, baka ibang pagkain ang nakasanayan ni Sebastian sa Europe kaya kiddie meal ang tawag nito sa in order niya para rito. Dahil na rin nawalan na siya ng gana, at hindi naman niya mapilit si Sebastian na kumain pa ay halos hindi na rin siya makakain. Kaya naman pina take out na lang niya ang mga pizza. Sayang naman kase, ibibigay na lang niya sa mga kasambahay. Nagulat pa siya nang si Sebastian ang magbayad sa pagkain niya. Pipigilan sana niya, kaya lang baka lalo lang itong magalit sa kanya. Mas may pera naman kasi ito kesa sa kanya. Baka nakakalimutan niya professional doctor ang kasama niya. Bababa na sana sila nang bigla namang sumulpot sa kung saan si Rob kasama ang grupo nito at sinalubong sila ng mga ito habang naglalakad. "Hi; Scar," bati sa kanya ni Rob. Agad niyang naamoy ang alak sa paghinga nito. Allowed kasi ang uminom ng alak sa Pizza Parlor na ito as long as may ipapakita kang ID na nasa legal age ka na. Mas matanda sa kanya si Rob kaya marahil pwede na itong uminom. Nakita niyang sinulyapan ni Rob si Sebastian na nakatayo sa tabi niya. Ang yabang pa ng dating ni Rob habang nakatingin kay Sebastian. Para bang nais gumawa ng gulo ni Rob, porket may mga kasama ito. Hindi niya niya naiwasang iikot ang mga mata sa inis sa kayabangan na nakikita niya kay Rob. Kung noon wala na itong pag-asa sa kanya, mas lalo na itong walang pag-asa ngayon. "Rob, excuse us, uuwi na kame," inis na sabi niya sa lalake na kahit kailan talaga ay may kayabangan ang lalake. "Sandali lang naman Scar," pigil ni Rob sa kanya at akmang hahawakan siya sa braso nang mahuli ni Sebastian ang kamay ni Rob at mahigpit nitong hawakan iyon. Nagulat siya at napatingin kay Sebastian na masamang tingin ang pinupukol kay Rob na namimilipit na ngayon sa sakit. Wala rin nagawa ang mga kasama nito na nang sulyapan ang mga iyon ni Sebastian. Napaatras pa nga ang mga ito at mukhang natakot kay Sebastian. Paanong hindi matatakot ang mga ito kay Sebastian sa pangangatawan pa lang walang-wala na ang mga ito. Paano totoy na totoy ang mga ito kung itatabi kay Sebastian. "Aray, tama na bitaw na," namimilipit sa sakit na pakiusap ni Rob. Nakita niya ang takot at sakit sa dating mayabang na mukha ni Rob. Sasabihan na sana niya si Sebastian na bitiwan na ito. Buti na lang at binitiwan na ito ni Sebastian. Patulak pa nga ang pagbitiw ni Sebastian rito kaya sumadsad si Rob sa mga kaibigan nito. Napatili pa siya at natuptop ang isang kamay sa bibig sa pagkagulat. "Let's go," sabi ni Sebastian at hinila naman siya nito sa braso at lumakad na sila palayo sa grupo ni Rob. Nakita niyang maraming mga mata ang nakasunod sa kanila, marahil umagaw ng atensyon sa marami ang nangayari. Pansin nga niyang halos kay Sebastian nakatingin ang mga babaing naroon. Pakiramdam tuloy niya ang ganda-ganda niya dahil pinagtanggol siya ni Sebastian at hawak nito ang braso niya. Parang isang eksena sa mga romantic movie. Si Sebastian ang hero at siya naman ang heroine. Pagdating sa parking lot doon palang siya binitiwan ni Sebastian. Pinagbuksan siya nito ng pintuan sa passenger seat at halos ipagtulakan papasok sa loob ng sasakyan. Kahit medyo magaspang ang kinikilos ni Sebastian sa kanya, hindi pa rin niya maiwasang kiligin. Pag sakay nito sa driver seat agad nitong binuhay ang makina. "Sebastian, thank you," pasalamat niya rito. Masamang tingin naman ang pinukol sa kanya ni Sebastian, kahit na nag thank you lang naman siya rito, sa pagtatanggol nito sa kanya kay Rob. Baka kung wala si Sebastian ay baka nabastos na siya ni Rob. Makulit pa naman si Rob talaga at napakayabang. "Scarlett, hindi ko ginawa iyon para sa iyo! Ginawa ko iyon, para matigil na ang kadramahan mo at kaartehan!" Inis na tugon sa kanya ni Sebastian. Sasagot pa sana siya para sabihin na hindi naman siya nagdadrama o nagiinarte, kaya lang mabilis na nitong pinaharurot ang sasakyan. Nagulat pa siya at muntik nang masubsob ang mukha sa dashboard. Buti na lang at nakahawak siya agad, kung hindi putok sana ang maganda niyang mukha. Halos paliparin na nga ni Sebastian ang sinasakyan nila, kaya naman halos hindi siya makahinga at napakahigpit ng hawak niya sa takot na bigla na lang tumilapon. Nagsisigaw na nga rin siya kay Sebastian na mag slow down ito pero parang hindi naman nito naririnig ang sinasabi niya. "Sebastian! Slow down! Natatakot na ko!" Sigaw niya sa binata ng ilang beses. Pero para itong bingi. Lalo pa nga nitong binibilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan. Wala siyang nagawa kundi magdasal na lang na makauwi silang safe. Alam niyang isa sa sports at libangan ni Sebastian sa tuwing wala ito sa ospital at nanggagamot ay ang car race. Nakikipagkarera ito sa Europe kasama ng mga kaibigan nito, at minsan pati so Irish kasama nito. Naiinggit nga siya lay Irish sa tuwing isasama ito ni Sebastian sa karera nito. Napapanood kasi niya iyon sa social media ni Irish. Well, wala naman yata siyang hindi kinaiingitan kay Irish. Pagdating sa bahay, doon palang siya nakahinga ng maluwag. Nakaramdam nga siya ng pagkahilo pero tiniis niya. Anong malay niya sa susunod makasama siya sa car race ni Sebastian kaya dapat na masanay na siya. Nauna pa itong bumaba at hindi man nito tinanong kung ok lang ba siya. Basta lang ito bumaba at nakita niyang papasok na ito nang bahay at hindi man siya pinagbuksan ng pintuan. Inis siyang bumaba ng passenger seat at malakas na sinara ang pintuan, saka hinabol si Sebastian papasok ng bahay. "Good evening, Sir, Sebastian," bati ng kasambahay na nagbukas ng pintuan kay Sebastian. Wala siyang narinig na tugon mula sa binata, basta lang itong pumasok sa loob. Hindi niya ito nahabol sa pagpasok ng bahay kaya nauna na ito sa kanya. Hinihingal pa siya nang marating ang pintuan at batiin siya ng kasambahay. "Good evening din Manang," bati niya kahit hinihingal pa, sabay abot sa paper bag ng pizza parlor rito. "Para inyo po iyan Manang. Pizza iyan," sabi niya rito. Ngumiti agad ang kasambahay at nagpasalamat sa kanya. "Salamat po Ma'am Scar," pasalamat ng kasamabahay. Tumango siya at napakunot ang noo nang makita si Sebastian na lumakad patungo sa mini bar at kumuha ng alak at isang kopita. Sinundan pa niya ito ng tingin at nakitang naglakad ito patungo sa may likod ng bahay. Hindi niya inalis ang mga mata kay Sebastian na sa tingin niya ay lalabas at tutungo sa may pool area. "Ma'am Scar, umalis po pala ang Daddy at Tita Sally niyo," sabi ng kasambahay. "Ah? Saan nagpunta?" Tanong niya nang malipat rito ang mga mata. "May birthday party po na pinuntahan," tugon nito. Saka niya naalala na sinabi nga pala ng Daddy niya na aalis ang mga ito ngayong gabi para umattend sa isang party. "Ah... Sige Manang salamat," pasalamat niya sa kasamabahay. Tumango naman ito at lumakad na. Mabilis naman siyang lumakad patungo sa pintuan palabas ng pool area, para tignan kung doon nga nagtungo si Sebastian na may dalang alak. Alam niyang nasasaktan ito sa ginawa ni Irish rito, kaya panay ang inom nito ng alak. Kaya dapat lang na may gawin na siya para makalimutan na nito si Irish.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD