"Scar, bukas magpahatid ka sa driver sa shop para ma fit mo na ang gown na susuotin mo sa debut mo," sabi ng kanyang ama si Edward Torres. Scar ang tawag sa kanya ng Daddy niya, short for Scarlett. Maganda naman pero mas gusto niyang tawaging siyang Scarlett
Isang negosyante ang Daddy niya, may dalawang hardware shop ang Daddy niya sa bayan ng San Miguel, pero hindi naman iyon malaking hardware shop, tama lang naman para mabuhay sila bilang middle class. Hindi sila kasing yaman ng Tragora o ng mga Dela Merced sa bayan nila, ganoon pa man may malaking bahay naman sila, may mga kasambahay at afford din nila mag hire ng driver. Masasabi niyang mayaman na rin kahit papano, dahil naibibigay naman ng Daddy niya ang lahat ng pangangailangan niya. Nakakapag-aral siya sa pinakakilalang paaralan sa bayan ng San Miguel ang San Miguel University na halos may kaya lang ang nakakapasok dahil sa mahal ng tuition fee, magandang edukasyon naman kasi ang binibigay ng paaralan sa mga estudyante nito, kaya tama lang ang mahal na tuition fees. Kaya naman masasabi na niyang mayaman na sila, huwag lang silang ikumpara sa mga kilalang mayayaman sa bayan ng San Miguel.
"Opo, Daddy," excited niyang tugon. Excited na siya sa darating niyang debut, dahil unang-unang magiging legally adult na siya, at pwede nang magpaligaw. Isama pang parating si Sebastian, at mukhang makaka-attend ito ng debut niya. Masaya na rin siya kahit kasama nito ang girlfriend nito, ang mahalaga makita niya ang gwapong binata na mula pagkabata ay lihim na niyang iniibig, kahit sabihin pang napaka imposible ng gusto niyang mangyari sa kanila ni Sebastian.
"Siya nga pala, Scar darating ang Kuya Sebastian mo this weekend," sabi ng Tita Sally niya.
Napalingon siya sa step mother. Medyo kinilabutan pa siya sa tinuring nito kay Sebastian. Hindi niya Kuya si Sebastian at wala siyang planong tawaging Kuya ito, hindi sila magkapatid. Stepbrother lang niya ito, hindi sila magkadugo.
"Ok lang ba kung dito siya sa bahay mag stay?' Tanong sa kanya ni Sally.
Kumabog ang dibdib niya sa excitement sa sinabi nito. Hindi lang siya nagpahalata kay Sally pero deep inside sumisigaw na siya sa excitement dahil makakasama niya sa bahay nila si Sebastian.
"Oo naman po Tita," pormal niyang tugon para hindi mahalata nito na excited siya.
"Magbabakasyon po ba si Sebastian dito?" Tanong naman niya.
"Scar, sanayin mo nang tawaging Kuya si Sebastian. Para na rin naman kayong magkapatid," sabi naman ng Daddy niya. Sinulyapan lang niya ang ama, pero hindi siya kumibo rito, at binalik sa stepmother ang tingin niya.
"Oo, Scar sa pagkakaalam ko dalawang linggo ang Kuya Sebastian mo dito," tugon ng stepmother niya.
Lihim siyang napangiti. Dalawang linggo, matagal na rin iyon para sa kanya. Sapat na iyon para masilayan niya si Sebastian. Kaya kailangan niyang gawin ngayon ay maghanda sa pagdating ni Sebastian magpapaganda siya ng todo para naman mapansin na siya nito. Eighteen na siya next week dalaga na at hindi na bata katulad noong huli siyang nakitang ni Sebastian. Eight years ang age gap nila ni Sebastian, posibleng nasa twenty-six na ngayon si Sebastian dahil eighteen na siya, ganoon pa man hindi naman siguro hadlang ang edad nila para hindi siya mapansin ni Sebastian.
Matapos nilang kumain ng hapunan agad na siyang nagpaaalam at umakyat na sa silid niya para magpahinga. Pagpasok na pagpasok palang niya sa silid ay nagtatalon siya sa tuwa at nagsisigaw sa sobrang excitement sa pagdating ni Sebastian. Soundproof naman ang silid niya kaya kahit sumigaw at magtatalon siya at hindi maririnig sa labas.
"See you soon my love Sebastian!" Sigaw niya ng paulit-ulit na parang bata. Buong buhay niya si Sebastian palang ang nagpakilig sa kanya. Maraming gwapo sa San Miguel University, pero wala siyang natitipuhan sa mga kaeskwela. May mga nanliligaw sa kanya, kaya lang wala pa rin siyang mapili sa mga ito. Siguro nga dahil si Sebastian ang hinihintay niya.
Isang dalubhasang doktor si Sebastian sa Europe sa sariling ospital ng Papa nito. Gumagamit naman ang binata ng social media at naka follow siya sa binata, ganoon rin naman ito sa kanya, kaya lang wala silang interaction sa isat-isa. Siya halos araw-araw nag po-post siya ng nangyayari sa kanya, pero si Sebastian napakabihirang mag post nito, lalo na pictures nito. Marahil dahil hindi naman ito mahilig sa social media. Kaya tuloy kailangan pa niyang silipin ng oras-oras ang account ng girlfriend ni Sebastian na si Irish para lang malaman kung ano na ang update kay Sebastian. Madalas sweet photos ang mga nakikita niya sa account ni Irish kaya nasisira lang ang araw niya. Ganoon pa man nais pa rin niyang maging updated kay Sebastian, lalo na't hindi naman sila nagkaka chat o nagkakausap. Minsan na siyang nag Hi kay Sebastian sa social media iyon nga lang na hurt lang siya dahil hindi naman sumagot sa kanya ang binata, kaya naman hindi na lang niya inulit pa.
"Sebastian!" Bulong niya sa pangalan ng binata at binagsak ang katawan sa malambot na kama. Tumitig sa kisame saka napangiti.
"Sebastian, mahal kita," sabi pa niya. Alam niyang pag ibig talaga ang nararamdaman niya para kay Sebastian mula pa noon hanggang ngayon.
"Two weeks," she whispered.
May dalawang linggo siya para mabago ang kapalaran nilang dalawa ni Sebastian. May fiancé si Sebastian at sa pagkakaalam niya nalalapit na ang kasal nito kay Irish. Ganoon pa man mahaba na rin ang dalawang linggo para mabago niya ang lahat.
"Pero paano?" Tanong niya sa sarili at napabalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga. Paano ba niya mababago ang lahat sa loob lamang ng dalawang linggo? Eighteen na siya kaya dapat galawin na niya ng baso para sa kanila ni Sebastian. Hindi pwedeng makasal si Sebastian kay Irish, dahil hindi niya kakayanin. Kaya tama lang na paghandaan niya ang dalawang linggong pag stay ni Sebastian sa bahay nila. Dapat may gawin na siyang hakbang para mawala na si Irish sa buhay ni Sebastian. Hindi niya gusto si Irish o kahit na sinong babae para kay Sebastian, dahil para lang sa kanya si Sebastian. Isa pa, marami siyang nababasang hindi maganda patungkol kay Irish kaya lalo niyang hindi gusto ang babae para kay Sebastian.
"Think, Scarlett, think," she said.
Kinabukasan inihatid siya ng driver nila sa San Miguel University, sa labas palang ng campus sumalubong na sa kanya si Seth at mga barkada nito. Hindi tuloy niya naiwasang iikot ang mga mata sa inis. Ang aga-aga pa kase para mainis siya sa mga ito.
"Hi, Scar," nakangiting bati sa kanya ni Rob. Tumango lang siya rito at nagtuloy na sa paglalakad.
"Scar, sandali lang," sabi pa nito at humarang sa daanan niya.
"Next week na ang debut mo, pwede bang ako na lang ang escort mo?" Nakangiting tanong sa kanya ni Rob. May kayabangan si Rob at mahangin ito, dahil na rin siguro mayaman ang pamilya nito.
Nagkibit balikat siya at hindi tinago ang inis sa lalakeng kaharap habang nakatingin siya rito.
"Sorry, Rob may escort na kasi ako," mayabang na sabi niya rito.
"Sino? Kilala ko ba? Taga dito ba sa campus?" Kunot noong tanong ni Rob sa kanya.
"Hindi, dahil taga Europe siya at darating siya dito para lang maging escort ko sa debut ko," mataray niyang pagyayabang sa lalake, kahit hindi naman siya sigurado sa sinasabi.
"Europe?" Tanong nito sabay kamot pa ng ulo. Narinig naman niyang nagtawanan ang mga kaibigan nito nasa likuran niya.
"Sige na Rob, baka ma late pa ko," paalam niya at mabilis na siyang lumakad palayo sa lalake. Buti na lang hindi na siya kinulit pa ni Rob, kaya kahit papano hindi pa sira ang araw niya.
Pagpasok sa classroom naroon na si Brianna na nakaupo na habang nagpapaganda ito. Agad siyang nakita ng kaibigan at sinulyapan.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong sa kanya ni Brianna habang nakasimangot itong nakatingin sa kanya.
"Ano bang meron sa mukha ko?" Tanong niya at naupo sa tabi ng kaibigan.
"Para kang namatayan," sita sa kanya ni Brianna sabay siko pa nito sa kanya.
Paano kulang na kulang siya sa tulog, dahil kaiisip kung ano ang gagawin niya sa dalawang linggo para mapansin siya ni Sebastian at iwan na nito si Irish.
"Brianna anong gagawin ko?" Tanong niya sa kaibigan.
"Saan?' Balik tanong nito.
Sinubsob niya ang ulo sa desk at sinulyapan ang kaibigan.
"Ano bang nangyayari sa iyo Scar?" Tanong sa kanya ng kaibigan.
"Darating na ngayong weekend si Sebastian," tugon niya.
"Ano?" Gulat na tanong sa kanya ni Brianna.
"Darating na talaga si Dr. Sebastian Ybanez?" Tili pa nito na umagaw ng atensyon ng mga kaklase nilang naroon.
"Brianna, bibig mo!" Sita niya sa kaibigan.
"Sorry, sorry na excite lang ako," kinikilig na paumanhin nito sa kanya.
Napabuntong hininga siya at naupo ng maayos sa tabi ng kaibigan na maa excited pa yata sa kanya sa pagdating ni Sebastian.
"Ah, wait, bakit malungkot ka?" Tanong nito.
"Brianna," tawag niya sa kaibigan na seryoso. Kunot noo naman siyang sinulyapan ng kaibigan.
"Anong gagawin ko? Dalawang linggo lang si Sebastian dito sa San Miguel. Paano ko magagawang mabaling ang pansin niya sa akin sa loob lamang ng dalawang linggo?" Seryosong tanong niya sa kaibigan.
"Easy," Brianna said.
"How?" Kunot noong tanong niya sa kaibigan.
"Akitin mo. Gamitin mo ang maganda mong mukha at katawan, Scar para maakit siya at pikutin mo," taas mukhang sabi sa kanya ni Brianna.
"What?!" Nanlalaki mga mata niyang tanong rito, hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa kaibigan.
"Lalaki pa rin si Sebastian at iisa ang kahinaan ng mga lalake, Scar, iyon ay hubad na katawan. Subukan mong maghubad sa harapan niya, tignan ko lang kung hindi siya ma ulol sa iyo," litanya ng kaibigan sa kanya habang nakatitig siya rito.