Scarlett-6

1011 Words
"Scarlett, bakit narito ka sa silid ko?" Tanong muli sa kanya ni Sebastian. Iniling niya ang ulo at sinikap na huwag tignan ang malapad nitong dibdib pababa sa jogger nito. Tumingin siya sa gwapong mukhang ni Sebastian. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. "Ano.. Kase... Nakita kong nakabukas.... ang pintuan kaya pumasok ako.." utal-utal niyang tugon kay Sebastian. "Bumaba kasi ako may kinuha lang ako sa ibaba," sabi naman nito sa kanya. "Alak? Iyan ba ang kinuha mo?" Tanong niya at sinulyapan ang bote ng alak na hawak nito. "Ah.. Yeah," tugon nito at tinaas ang bote ng alak na hawak nito. "Bakit ka umiinom gabi na ah," she said. "Para makatulog ako agad," tugon nito at lumakad na papasok sa loob ng guest room. Sinundan niya ito ng tingin. Nakita niyang pinatong nito ang bote ng alak sa may mesa, pati na ang kopitang dala din nito. Saka ito lumakad patungonsa maleta nito at naglabas ng puting t-shirt at sinuot iyon. Medyo nadismaya pa siya, dahil natakpan na ang magandang view na nasa harapan niya. Alam niyang kaya ito umiinom ay dahil kay Irish. Nakita na siguro ni Sebastian ang pagtataksil ng fiancé nito rito. "Ah... Sebastian," tawag niya sa binata nang makitang natitig ito sa hawak nitong cellphone na tumutunog. May tumatawag rito, pero nakatitig lang ito sa cellphone at mukhang wala itong balak sagutin ang tawag. Nagulat pa siya nang ihagis na lang bigla ni Sebastian ang cellphone nito sa kama. May idea siya na si Irish ang tumatawag kay Sebastian kaya hindi nito sinasagot ang tawag. "Bakit narito ka pa Scarlett? May kailangan ka ba?" Tanong nito sa kanya nang lumingon ito sa kanya at muling binalik ang atensyon sa bote ng alak. Hindi siya nakakibo sa tanong nito. Hindi kasi niya alam ang isasagot. Pinanood naman niya ito na nagsalin ng alak sa kopita at mabilis nitong nilagok ang laman ng kopita. Napalunok pa siya, dahil alam niyang mapait ang alak kahit ilang beses palang siyang nakatikim. Matapos maubos ni Sebastian ang ikalawang lagay nito sa kopita, humakbang na siya palapit rito, para sabihan na tama na ang pag inom nito ng alak. "Nagpapakalasing ka ba?' Tanong niya nang makalapit sa binata sa may mesa. Sinulyapans siya nito. Masamang tingin ang pinukol nito sa kanya. Medyo nakaramdam pa siya ng takot. Pero hindi siya umatras o ano pa man. Alam niyang hindi naman siya kayang saktan ni Sebastian. "Scarlett, go back to your room. You are not supposed to be here," pagtataboy pa nito sa kanya. Nahimigan niya ang inis sa tinig nito. Kaya naman hindi niya napigilang magtaas ng kilay. "Hindi naman ako talaga pumasok dito sa silid mo dahil nakita ko ang ilaw," amin niya sa binata. "What?" Tanong nito at muling sinalinan ng alak ang kopita nito. Napakunot pa siya ng noo, dahil parang wala man lang epekto rito ang alak na iniinom eh hard drinks iyon, isa sa collection ng Daddy niya sa may mini bar nila sa ibaba. "Sinadya talaga kita dito, para kausapin," lakas loob niyang tugon. "Kausapin ako? Bakit?" Nagtatakang tanong nito at lumakad patungo sa may veranda na bukas din ang pintuan. Bitbit pa nito ang kopita na may lamang alak na. "Sebastian," tawag nita sa binata at sumunod rito. Lumabas kasi ito sa may veranda, kaya lumabas na rin siya. "Ano ba iyong sasabihin mo Scarlett?" Tanong nito habang uniinom at hindi man siya nito sinusulyapan. Humugot siya ng malalim na paghinga. Hindi niya gusto ang ganitong pagtrato sa kanya ni Sebastian. "About your fiancé, Irish," tugon niya sa binata. Marahas itong napalingon sa kanya at tinignan siya ng masama. Medyo nakaramdam pa nga siya ng takot sa uri ng tingin nito. "I don't want to talk about it. Hindi mo rin dapat pinakikialaman pa ang mga bagay na hindi ka na man involve, Scarlett," makahulugang sabi nito sa kanya. "Alam mo na ba?" She asked. Nais lang niyang malaman kung alam na ba nito ang tungkol sa video ni Irish na kumakalat sa buong mundo. Hindi ito tumugon sa tanong niya, nagpatuloy lang ito sa pag inom habang nakatingin sa malayo. Inikot niya ang mga mata sa inis sa kinikilos ni Sebastian sa harapan niya. "She is cheating on you, Sebastian," mariin niyang sabi rito. "Scarlett!" Malakas nitong tawag sa pangalan niya, sabay lingon pa nito sa kanya. Sinalubong naman niya ang mga mata nito na matalim na nakatingin sa kanya. "Watch your words young lady!" Sita nito sa kanya. Ganoon pa man hindi siya nagpatinag at natakot rito. "Alam ng buong mundo na niloloko ka ni Irish. Kalat na kalat ang video niya na may kahalikang ibang lalake Sebastian! To think na hindi mo lang siya basta girlfriend kundi engaged na kayo. Nag proposed ka na sa kanya and you are planning to marry her!" Mahabang litanya niya para maliwanagan naman na si Sebastian. "Problema namin ito ni Irish at hindi kasama ang buong sinasabi mo, Scarlett. You are young and naive. Huwag mo na lang isali pa ang sarili mo sa hindi mo naman problema!" May galit na litanya nito sa kanya. Concern lang naman siya kay Sebastian dahil nag-aalala siya rito. Hindi niya gustong maloko lang ito ni Irish. "Just go back to your room, Scarlett," utos pa nito sa kanya. "Irish is a cheater!" Mariin niyang sabi rito pars matauhan na ito. "Stop it, Scarlett! Get out of here! Go back to your room! Sigaw na utos nito sa kanya na para bang isa lang siyang bata na basta na lang ipinagtabuyan nito. "Sebastian-" "Get out!" Malakas na sigaw ni Sebastian sa kanya. Nagulat pa siya at hindi na nagawang ituloy pa ang sasabihin rito dahil na rin sa takot at pag sigaw nito sa kanya. Masamang tingin ang pinukol niya rito at inis na tumalikod at nagtatakbo palabas ng guest room. Hindi niya inaasahan na masisigawan siya ni Sebastian at aaminin niyang nasaktan talaga siya. Naiiyak siya nang makalabas ng silid ni Sebastian, at nagtatakbo na patungo sa sarili niyang silid, bago pa may makakita sa kanta na lumuluha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD