Chapter 5

1734 Words
Enjoy reading! PAGKATAPOS nang nangyari ay agad akong pumunta sa police station para i report ang mga ginawa ni Calvin. Ayokong may madamay pang iba dahil lang sa baliw niyang pag iisip. "Mayroon po ba kayong litrato ng suspek, ma'am?" Tanong ng police na kumausap sa akin. Napatigil ako saglit dahil wala akong hawak na kahit anong litrato ni Calvin. "Wala po. Pero kilala ko siya. Alam ko ang pangalan niya." Sagot ko. Tumango tango lang ang kusap kong police. "Sige, ano ang pangalan?" Tanong niya. Kumuha siya ng papel at ballpen para maisulat ang pangalan. "Calvin Razon ang pangalan niya." Sagot ko. Agad niya namang isinulat iyon sa papel. "Ma'am, hindi natin ito madaling mahanap dahil wala tayong litrato ng suspek. At hindi rin natin alam kung saan siya nakatira. At kailangan din ng ebidensya na nagpapatunay na siya ang bumugbog sa boyfriend mo at pumatay sa driver niyo." Paliwanag ng police. At parang nawalan ako ng lakas ng loob na maikulong ang lalaking 'yon. "Maghahanap po ako ng litrato niya at aalamin ko rin kung saan siya nakatira. At sisiguraduhin ko po na makakahanap din ako ng ebidensya laban sa kanya." Sagot ko. "Sige po." Sagot niya. Agad na akong tumayo at lumabas ng Police station. Pinuntahan ko ang kotse ko. Pinayagan na ako ni daddy na mag drive ng kotse ko. Dahil wala na si Manong Greg at ayoko ng kumuha ng bagong personal driver dahil baka patayin na naman ni Calvin. Pagdating ko sa bahay ay rinig ko kaagad ang boses ni mommy mula sa labas ng bahay. Lumapit ako sa pinto at pinakinggan ang pinag aawayan nila ni daddy. "Bakit sabay-sabay silang nag cancel ng order? Malaking problema 'yan, Marlon." Reklamo ni mommy. "Wala tayong magagawa. Kailangan ko pa silang kausapin kung bakit sila umatras sa order ng mga spare parts ng mga sasakyan." Sagot ni daddy. Bakit nag cancel ang mga customers nila? Bakit sabay-sabay? "Pati ang boutique ko ay madalang na rin ang bumibili." Reklamo ulit ni mommy. Parang may mali e. Bakit sabay-sabay lahat ng problema sa pamilya namin? Hindi ko na natiis agad kong binuksan ang pinto kaya napatingin silang dalawa sa akin. "Kc, anak. Where have you been?" Malambing na tanong ni mommy at niyakap ako. "Pumunta lang po ako sa hospital." Pagsisinungaling ko. "Kumusta si Aeris?" Tanong ni daddy. "He's okay. Magaling na po siya." Sagot ko. "Dad, mom, totoo po ba ang narinig ko kanina? May problema po ba kayo sa business niyo?" Tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa. "Anak, kaya na namin ito ng daddy mo. Kaya huwag ka nang mag alala." Nakangiting sagot ni mommy. "Pero, mommy, baka po may maitulong ako sa inyo." Sagot ko. Ngumiti si mommy. "Anak, kaya na namin ito ng daddy mo. Ang pagtuunan mo ng pansin ay ang pag aaral mo. Okay?" Sagot ni mommy. Tumango na lang ako. "Sige po. Pasok na po ako sa kwarto ko." Paalam ko at umakyat na papunta sa kwarto ko. Napapaisip parin ako kung bakit sabay-sabay lahat ng problema nina mommy at daddy. May kinalaman na naman ba si Calvin? Talagang ayaw akong tigilan ng lalaking 'yon. Siguro kailangan ko na talaga siyang kausapin nang masinsinan. Para tigilan na niya ako. Nang dahil sa kanya ay gumulo ang buhay ko ngayon. Nang dumating siya ay biglang gumulo ang buhay ko. Wala siyang ibang ginawa kundi ang pahirapan ako. Kakausapin ko siya nang masinsinan para huwag na niya akong guluhin pa. Okay na e. Tahimik na ako noong umalis siya. Tapos ngayon, mangugulo na naman siya? Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag at tinext si Calvin. To: Calvin Magkita tayo sa Kitty Restaurant bukas nang umaga. Mag uusap tayo. Pagkatapos kong isend sa kanya ay tinapon ko ang cellphone ko sa kama. Bumuntong hininga ako at pagkatapos ay pumunta sa walk-in-closet ko para magbihis. Nakakapagod ang araw na 'to. Hindi na ako nakabisita kay Aeris. Bukas pagkatapos kong makipagkita kay Calvin ay pupunta ako sa bahay ni Aeris. Dahil bukas ang labas niya sa hospital. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong humiga sa kama ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at ninamnam ang malambot na kama. Sana matapos na ang problema ko kay Calvin. Sana layuan na niya ako. ——— PAGKAGISING ko ay agad akong naligo. Ngayong umaga na 'to ay kakausapin ko na si Calvin para tigilan na niya ako. At sana at sumunod siya. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad na akong lumabas ng kwarto ko. Pumunta ako sa kusina at nadatnan ko roon si Manang Gloria na nagpupunas ng lamesa. "Manang, sina daddy at mommy po?" Tanong ko. Napatingin siya sa akin. "Maagang umalis silang dalawa. May kakausapin daw sila na mga customers." Sagot niya. "Ganon po ba? Sige po alis din po ako pupunta lang po ako kay Aeris, manang." Pagsisinungaling ko. "Sige, mag ingat ka." Sagot niya. Agad na akong naglakad palabas ng bahay. Lumapit ako sa kotse ko at agad na umupo sa driver seat. Habang bumabyahe ay tinawagan ko si Jane. Hindi ako pumasok ngayong araw sa school dahil kailangan kong makausap si Calvin. Ilang ring lang ay agad niyang sinagot. "Hello, Jane." "Hello, Kc? Nasaan ka na? Late ka na." Sagot niya sa kabilang linya. "Jane, sorry hindi ako makakapasok ngayon. May kailangan lang akong puntahan." Sagot ko. "Saan ka ba pupunta? At parang importante 'yan? Umabsent ka pa para dyan?" Tanong niya. Ayokong sabihin sa kanya. Ako lang dapat ang makakaalam nito. 'Tsaka ko na sasabihin sa kanila. "Basta, ayoko munang sabihin 'to sa 'yo. Pakopya na lang nang mga lectures bukas." Sagot ko. "Sige. Ako na bahala sa mga lectures." Sagot niya. "Thanks, Jane. Bye." Sagot ko at ibinaba na ang tawag. Ilang minuto lang ay huminto ako sa tapat ng Kitty Restaurant. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan nang malaman ko na magkikita kami ni Calvin. Siguro dahil natatakot ako sa kanya. Natatakot ako sa mga sasabihin ko sa kanya at baka mag iskandalo siya sa loob ng restaurant. Bago ako lumabas ng sasakyan ay bumuntong hininga muna ako at tiningnan ang sarili sa salamin. Nang okay na ay agad kong binuksan ang pinto ng kotse at tiningnan ang pinto ng restaurant. Kaya mo 'yan, Kc. Sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin sa kanya ngayon. Lahat ng kinikimkim mong galit. Agad akong pumasok sa loob at inilibot ang paningin sa mga tao na nandoon sa loob. Hinahanap ko si Calvin at napahinto ako sa isang sulok nang makita ko siya. Nakatingin siya sa akin kaya agad akong lumapit sa kinauupuan niya. "Hi, love." Bati niya at akmang hahalikan ako sa pisngi nang umiwas ako. Agad akong umupo sa katapat niyang upuan. Agad din siyang umupo at tinitigan ako. Ipinatong ko ang sling bag ko sa lamesa. "Order muna tayo ng pagkain." Akmang tatawagin na niya ang waiter nang bigla akong nagsalita. "Hindi na. Hindi naman tayo magtatagal dito. Gusto lang kitang kausapin." Seryoso kong sagot. Masama ang tingin niya sa akin. At hindi ko pinahalatana natatakot ako sa kanya. "About what?" Tanong niya habang nakatitig pa rin sa 'kin. Medyo nailang ako sa pagkakatitig niya kaya umayos ako ng upo. "Tungkol sa mga ginagawa mong panggugulo sa buhay ko." Pagsisimula ko. Humalakhak siya nang mahina dahil sa sinabi ko. Anong nakakatawa roon? May sinabi ba akong nakakatawa? "Walang nakakatawa roon, Calvin."Mahina kong sabi kahit na inis na ako. "Sorry. Iyon lang ba ang pag uusapan natin? Akala ko pa naman kaya ka makikipag usap sa 'kin dahil sinunod mo na ang iniutos ko sa 'yo." Seryoso niyang sagot. Sinamaan ko siya nang tingin. At inaasahan niya talaga na gagawin ko 'yon? No way! "Hindi mo ako madadala sa tingin na yan, love. Actually mas lalo akong naaakit sa mga tingin mo. Para bang ang sarap mong angkinin." Nakangisi niyang sabi na ikinagalit ko. Pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko. Pumikit ako at bumilang ng number one, two, three at bumuntong hininga. "Wala akong oras para makipag lokohan sa 'yo ngayon, Calvin. Diretsuhin na kita. Tigilan mo na ako at ang pamilya ko. At huwag kang umasa na susundin ko ang utos mong makipag hiwalay ako kay Aeris dahil hindi ko gagawin 'yon. Patahimikin mo na ang buhay ko, please lang." Pagmamakaawa ko. Nakita kong kumuyom ang mga kamay niya dahil sa sinabi ko. Sana lang huwag siyang gumawa ng iskandalo rito sa restaurant. "Patahimikin? Sorry, love, mananahimik lang ako kapag naging akin ka na. Pero ngayon? Siguro patatahimikin ko na rin si Aeris. Sayang nga at hindi pa siya natuluyan." Napakuyom ako ng kamay. Talagang ayaw niyang sumunod sa 'kin. Ano pa bang gusto niyang gawin ko? "Calvin, naman. Nakaya mong pumatay ng tao dahil lang sa gusto mo? Anong klaseng tao ka? Kasi hindi na ikaw 'yong dating Calvin na kilala ko noon." Sagot ko. Inilapit niya ang mukha niya sa 'kin. "Makipaghiwalay ka kay Aeris. Iyon lang, Kc. Iyon lang! Kasi hindi ko kayang makita ka na kasama ang lalaking 'yon. Dapat ako lang. Kasi akin ka! At hindi na kita pakakawalan." Napahilamos ako sa mukha ko. Ayaw niya talagang sumunod sa 'kin. "Alam kong may problema ang kompanya ng daddy mo at ang boutique ng mommy mo. Ako ang may gawa ng lahat ng 'yon. At kapag hindi mo pa sinunod ang pinapagawa ko sa 'yo ay tuluyan ng babagsak ang kaisa isahang kompanya ng daddy mo pati ang boutique ng mommy mo." Hindi ko napigilan nasampalin siya dahil sa nalaman ko. Napatingin sa amin ang mga tao. At wala na akong pakialam sa kanila. "Ang sama mo. Sana hindi na lang kita nakilala. Sana hindi ka na lang bumalik." Umiiyak kong sabi. Hindi ko na nakayanan at tuluyan na talagang bumagsak ag mga luha ko dahil sa galit. "Sundin mo lang ang pinapagawa ko at magiging okay na tayo, love. Simple lang naman. Hiwalayan mo siya. Iyon lang." Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. "Ito na ang huli nating pagkikita. Susundin ko ang pinapagawa mo. Huwag ka nang magpapakita sa 'kin kahit kailan. Dahil wala na akong kilalang Calvin. Tandaan mo 'to. I really hate you. At ayoko nang makita ang pagmumukha mo." Inis kong sabi bago lumabas ng restaurant. Agad akong sumakay sa kotse ko at agad na pinaandar. Habang nagbabyahe ay iniisip ko kung paano ko hihiwalayan si Aeris. Hindi ko gusto 'to pero kailangan. Para sa ikakatahimik namin lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD