Enjoy reading!
PAGDATING ko sa condo ni Aeris ay agad niya akong niyakap. Hindi pa masyadong magaling ang mga sugat niya sa mukha at sa braso. Bigla akong naawa sa kanya. Naiisip ko pa lang na hihiwalayan ko siya ay hindi ko kaya. Tiningnan ko lang siya.
"Baby, are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.
"O-oo, okay lang ako." Sagot ko at ngumiti. Paano ko ba sasabihin sa kanya? Paano ko sisimulan?
"Kumain ka na ba?" Biglang tanong niya. Ngayon ko lang napansin na hindi pa pala ako kumakain ng tanghalian. Habang bumabyahe kasi ako kanina ay iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Aeris 'to.
"Hindi pa. Ikaw, kumain ka na?" Tanong ko. Umiling siya.
"Sabay na tayo?" Tanong niya. Tumango ako at inalalayan siyang pumunta sa kusina. Pinaupo ko siya sa upuan at kumuha ako ng plato namin.
"May ulam sa ref. Dala 'yan ni mommy kanina." Sabi niya kaya binuksan ko ang ref niya at nakita ko roon ang ulam na tinutukoy niya. Inilapag ko iyon sa mesa at agad na umupo sa kaharap niyang upuan. Sabay kaming kumain. Panay ang tingin ko sa kanya. Kasi alam kong ito na ang huling sandali na makikita ko ang mukha niya. Hindi ko gusto 'to. Pero ito lang ang tanging paraan para mananimik maging okay na ang lahat. Ayokong may madamay pang iba kapag pinagpatuloy ko pa ito.
Pagkatapos namin kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Pagkatapos ay pumunta ako sa sala kung saan nandoon si Aeris. Umupo ako sa isang bakanteng upuan. Sinadya ko talaga na hindi umupo sa tabi niya. Alam kong ang hirap ng gagawin kong 'to. Pero kailangan.
"Aeris..." Tawag ko sa kanya.
"Yes, baby?" Sagot niya. Bumunting hininga. Kaya ko 'to.
"Aeris, ayoko na...." Iyon lang ang tanging nasabi ko. Kumunot ang noo niya. Mukhang hindi niya naintindihan ang sinabi ko.
"Anong ayaw mo na?" Takang tanong niya.
"Tapusin na natin 'to. Maghiwalay na tayo." Lakas loob kong sabi. Nakatingin lang siya sa 'kin.
"Baby, masamang biro 'yan. Ang korni mo mag joke---"
"I'm serious. Maghiwalay na tayo." Buong tapang kong sagot. Tumayo siya kaya tumayo na rin ako. I'm sorry, Aeris.
"Bakit? A-ano bang ginawa kong mali?" Natataranta niyang tanong. Lumapit siya sa 'kin.
Umiling ako. "Wala. Wala kang ginawang mali." Sagot ko. Pinipigilan kong umiyak. Ayokong umiyak sa harap niya.
"Wala? E bakit nakikipaghiwalay ka sa 'kin? Masaya naman tayo ah. Okay naman tayo?" Umiiyak niyang sabi. Napakagat ako sa labi ko dahil sa iyak. Pero hindi ko rin napigilan. Kahit anong pigil ko kung talagang masakit ay kusa talagang tutulo.
"Aeris, please. Marami pa namang ibang babae na mas mamahalin ka. Siguro hindi talaga tayo ang para sa isa't isa." Umiiyak kong sabi. Umiling siya.
"No. Ikaw lang ang gusto ko. Kc, I love you. Please bawiin mo yung sinabi mo, baby, please." Pagmamakaawa niya. Napapikit ako. Buo na ang desisyon ko. Sorry, Aeris.
"Sorry." Iyon lang ang sinabi ko at agad na naglakad palabas ng condo niya. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko siya nilingon. Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa parking lot. Sobrang sakit. Agad kong pinaandar ang kotse ko at tinahak ang isang sikat na bar.
Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba ng kotse. Mugto ang mga mata ko nang pumasok ako sa loob. Nakakabinging ingay ang sumalubong sa akin.
"Hi, ma'am. Alak po?" Nakangiting tanong ng isang bartender.
"Yes, please. Yung matapang niyong alak." Sagot ko. Umupo ako sa isang bakanteng table habang hinihintay ang inorder kong alak.
Maya-maya lang ay ipinatong iyon ng lalaki sa harap ko. Agad kong kinuha iyon at inisang lagok. Wala akong pakialam kung gaano katapang ang alak na 'yon. Tinawag ko ulit ang bartender para umorder pa.
Nakalimang order ako ng alak. At ngayon ay hindi ko na kayang tumayo dahil sa kalasingan. Mas okay nang ganito kahit ngayon lang. Gusto kong magpakalasing para makalimutan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong makalimot kahit ngayong gabi lang. Sinubukan kong tumayo pero bigla akong nahilo at muntikan na akong matumba kaya umupo na lang ulit ako. Pumipikit na rin ang mga mata ko at gusto ko ng matulog. Sinubukan ko ulit pero may naramdaman akong may humawak sa baywang ko. Narinig ko pa siyang nagmura pero hindi ko na iyon pinansin.
Baka si Aeris 'to. Sinundo niya ako rito sa bar. "Aeris....sorry." Iyon lang ang tanging nasabi ko bago ako pumikit at tuluyan ng natulog dahil sa kalasingan.
———
MASAKIT ang ulo ko pagkagising kinaumagahan. Hawak ko ang noo ko nang unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Napakunot noo ako dahil ibang kulay na ang kwarto ko.
Napabangon ako dahil ngayon ko lang napansin na hindi ko kwarto ito. Nasaan ako? Inalala ko kung saan ako huling pumunta. Sa bar. Uminom ako roon dahil sa nangyaring paghihiwalay namin ni Aeris. Nalasing ako at hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari.
Inilibot ko ang paningin sa kwarto. Hindi ko alam kung kaninong kwarto at kung nasaan ako. Sino ang nagdala sa akin dito? Inayos ko ang sarili ko at dali daling pumunta sa pinto. Dahan-dahan akong lumabas at tiningnan kung may tao ba. Sunod ay bumaba ako sa hagdan.
"Good morning po, Ma'am Kc." Napatingin ako sa nagsalita na isang babae. Base sa suot niya ay isa siyang kasambahay.
"Nasaan po ako?" Tanong ko.
"Nandito po kayo sa bahay ni Sir Calvin, ma'am." Magalang niyang sagot. Si Calvin na naman? Nandito na naman ako sa bahay niya? Napatingin kami sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Calvin na naka sando lang at naka short. Puno ng pawis ang katawan niya.
"Good morning, love." Bati niya at lumapit sa akin para sana halikan ako sa pisngi nang umiwas ako.
"Uuwi na ako." Paalam ko at akmang lalakad na nang hawakan niya ang braso ko.
"Hatid na kita." Sabi niya habang hawak parin ang braso ko.
"Hindi na. Kaya kong umuwi mag isa." Matigas kong sagot. Biglang sumeryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
"Ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo." Seryoso niyang sabi.
"Hintayin mo ako dito. Magbibihis lang ako." Sabi niya at itinuro ang sofa sa 'kin.
"Umupo ka muna dyan." Utos niya. Napairap na lang ako habang papalapit sa sofa.
Ilang minutong paghihintay ay bumaba na siya na naka long sleeves. Maayos ang ayos ng buhok at napaka formal ng suot niya.
"Let's go." Sabi niya habang nakatingin sa akin. Agad akong tumayo at naunang naglakad palabas ng pinto.
Narinig kong tumunog ang Mazda CX-9 niya hudyat na naka unlock na iyon. Umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto sa front seat. Agad akong sumakay at inayos ang seatbelt ko.
At habang nagba-byahe ay naalala ko kung saan niya dinala ang kotse ko kagabi. Kung iniwan niya ba iyon sa bar?
"Yung kotse ko?" Biglang tanong ko.
"Nasa bar pa rin ni Grayson. Pero huwag kang mag alala safe ang kotse mo roon." Sagot niya.
"Doon mo na lang ako ihatid sa bar." Utos ko. Tiningnan niya ako.
"Huwag na. Ihahatid na kita sa bahay niyo. At ako na ang bahala sa kotse mo." Matigas niyang sagot. Hindi na ako nagsalita pa ulit.
Huminto ang kotse niya sa harap mismo ng bahat namin. Hindi na ako nag abala na magpaalam sa kanya. Agad akong bumaba ng kotse niya. Galit pa rin ako sakanya at wala na akong pake alam sakanya. Ginawa ko na ang iniutos niya. Kaya dapat tumupad din siya sa usapan.
Dire-diretso akong pumasok sa bahay at napahinto ako ng sampal ang sumalubong sa akin galing kay daddy.
"Hindi kita pinalaki para manakit ng damdamin ng tao!" Galit na sabi ni daddy. Nasa tabi niya si mommy na pilit siyang pinapakalma.
"Daddy...." Hindi ako makapaniwala na masasampal ako ni daddy ng ganito.
"Nakipaghiwalay ka kay Aeris?! Bakit? Ang gusto ko ay si Aeris lang ang para sa 'yo. Ayoko ng iba!" Sigaw niyang sabi.
"Marlon, tama na 'yan." Suway ni mommy pero hindi siya pinansin ni daddy.
"D-daddy, hindi ko ginusto 'yon." Umiiyak kong sabi.
"Anong hindi mo ginusto? Nasaktan mo yung tao. Nakipag break ka ng walang dahilan!" Galit niyang sabi.
"Daddy, sorry..." Iyon lang ang tanging nasabi ko. Hindi ko napigilan ang mga luha ko. Umiyak ako sa harap niya.
"Kc, anak, umakyat ka na muna sa kwarto mo." Utos ni mommy. Tiningnan ko muna si daddy na ngayon ay ang sama ng tingin sa 'kin. Pagkatapos ay agad na akong naglakad papunta sa hagdan at umakyat papunta sa kwarto ko.