Chapter 4

1883 Words
Enjoy reading! GUSTO ko man magsumbong sa mga pulis sa ginawang pagdukot sa akin ni Calvin pero hindi ko ginawa. Alam kong idadamay niya lang ang pamilya ko at ang malalapit sa 'kin lalong lalo na si Aeris. Hindi ko man siya masyadong kilala pero alam kong marami siyang kayang gawin. Halata naman. Lahat magagawa niya sa pamamagitan lang ng pera niya. "Where have you been last night?" Bungad na tanong ni daddy sa akin pagkababa ko sa sala. Katabi niya si mommy habang nakatayo. Gabing gabi na kasi ako umuwi kagabi dahil sa kagagawan ni Calvin. "Ahm... Pumunta lang po ako sa bahay ni J-Jane. Yeah, remember Jane Requez dad, mom? My friend?" Sagot ko habang nakangiti. At mukhang naniniwala naman sila sa kasinungalingan ko. "Yes, anak. Kumusta pala siya?" Nakangiting tanong ni mommy. Tiningnan ko naman si daddy na ngayon ay nakatingin lang sa amin. Ngumiti ako dahil si mommy na mismo ang nag iba ng usapan para hindi ako mapagalitan. "She's okay, mom. Tinulungan niya ako kagabi sa project ko kaya ginabi na ako ng uwi." Nakangiti kong sagot. Tumango lang si mommy. Pagkatapos ng pag uusap namin ay agad na umalis si daddy dahil kailangan siya sa opisina. Habang si mommy naman ay may pupuntahang event. Kaya ako na lang at ang dalawang kasambahay ang naiwan sa bahay. Pagkatapos kong kumain nang umagahan ay bumalik ako sa kwarto ko. At dahil walang pasok ngayong araw ay pupunta ako sa condo ni Aeris. Excited akong naligo at pagkatapos ay agad akong nagbihis. Pagkaraan ay bumaba na ako. Hinanap ko pa si Manang Gloria sa kusina para magpaalam. "Manang, pupunta lang po ako sa condo ni Aeris." Paalam ko. "Sige, ingat ka." Sagot niya. "Salamat, manang. Bye." Paalam ko at lumabas na ng kusina. Pero hindi pa ako nakakalabas sa pinto nang may tumawag bigla sa cellphone ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa sling bag at pangalan ni Aeris ang tumatawag. "Hello?" Sagot ko. "Hello po? Kayo po ba si Kc?" Boses ng isang lalaki ang sumagot. "Yes, ako nga. Sino ka? Bakit ikaw ang may hawak ng phone ng boyfriend ko?" Takang tanong ko. "Sorry po, ma'am. Gusto ko lang po ipaalam sa inyo na nasa hospital po ang boyfriend niyo. Dinala po siya rito kaninang madaling araw." Napahigpit ang hawak ko sa cellphone dahil sa narinig ko. Si Aeris nasa hospital? Anong nangyari? "W-wait. What happened? Bakit nasa hospital siya?" Naiiyak kong tanong. "Puro bugbog po siya, ma'am. Marami po siyang sugat sa mukha at katawan." Sagot niya. "Saang hospital siya? Pupunta ako ngayon din." Natataranta kong sabi. Agad niya namang sinabi ang address ng hospital. Agad kong binaba ang tawag at tarantang lumabas ng bahay. Nakita ko si Manong Greg na nagpupunas ng kotse. Agad akong lumapit sa kanya. "Manong Greg, kailangan nating pumunta sa hospital ngayon din." Taranta kong sabi. Nagulat siya kaya napahinto siya sa pagpunas at kunot noong tumingin sa akin. "Pero, Ma'am Kc, hindi pa po tapos yung paglilinis ko sa kotse---" "Manong, okay lang po 'yan. Huwag niyo na pong linisan. Tara na po." Nagmamadali kong sagot at agad na sumakay sa backseat. Walang nagawa si Manong Greg kundi ang sumunod na lang. Agad niyang pinaandar ang kotse at bumyahe na kami papunta sa hospital. Pagdating sa hospital ay agad kong tinanong ang isang nurse kung nasaang room si Aeris. Pagkatapos sabihin ng nurse ang room ni Aeris ay mabilis kong hinanap kung nasaan. Nang mahanap ko ay agad kong binuksan ang pinto. Nakita ko siyang nakahiga sa hospital bed habang puno ng sugat at pasa ang mukha niya. Halatang pinahirapan siya. Muntikan na akong umiyak dahil sa kalagayan niya. Mabilis akong lumapit sakanya at niyakap siya. "Aray ko. Baby, naman." Natatawa niyang sabi. Humiwalay ako sa pagyakap sa kanya. Tiningnan ko siya. Hindi ko kayang tingnan ang mga pasa at sugat sa mukha niya. Pero ang gwapo niya pa rin kahit may mga sugat siya. "Sino ang gumawa niyan sa 'yo?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang siya. Kaya napakunot noo ako. "Hindi mo alam? Hindi mo nakita ang mukha?" Tanong ko. "Hindi. Nakatakip ang mga mukha nila. Tatlo sila ang bumugbog sa 'kin." Sagot niya. May hinala na ako kung sino ang may gawa nito kay Aeris. Siya lang ang alam kong gagawa nito. Dahil ba hindi ko sinunod ang inutos niya? Napakasama niya. "Hey, baby, okay ka lang?" Tanong niya. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Talagang hindi ako titigilan ni Calvin hanggat hindi ko sinusunod ang utos niya. Masyado na siyang nangingialam sa buhay ko. Ginugulo niya ang dating tahimik kong buhay. At ayokong hiwalayan si Aeris. Mahal ko yung tao. At hindi si Calvin ang makakapag pahiwalay sa amin. Kinagabihan ay hindi ako umalis sa tabi ni Aeris. Hindi ako umuwi ng bahay. Alam na rin nina daddy at mommy ang nangyari kay Aeris. Kaya pinayagan nila ako na manatili sa hospital. Mahimbing ang tulog ni Aeris habang ako ay nakaupo sa sofa. Nakapikit ang mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko na nasa tabi ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Number lang. Kaya kunot noo kong sinagot. "Hello?" Sagot ko. "Baby...." Rinig ko sa kabilang linya. "Sino 'to?" Kunot noong tanong ko. "Its me. Calvin." Biglang nawala ang antok ko. Hayop siya. Paano niya nalaman ang number ko? "Saan mo nakuha ang number ko? Hayop ka. Bakit mo pinabugbog si Aeris?" Galit kong tanong. "Dapat lang sa kanya 'yan. Dapat nga tinuluyan ko na 'yan. Ganyan ang ginagawa ko kapag hindi sinusunod ang utos ko, baby." Napakuyom ako ng kamay dahil sa galit. Napakasama niya. "Napakasama mo! Anong akala mo sa 'kin matatakot mo ako, Calvin? Kahit kailan hindi mo ako matatakot. At hindi mo kami mapaghihiwalay ni Aeris. Hindi ikaw ang makakapagpahiwalay sa amin!" Galit kong sabi. "Let's see, baby. Hindi kita tinatakot. Ginagawa ko lang kung anong sinasabi ko. Simple lang naman ang inuutos ko sa 'yo. Hiwalayan mo ang gagong 'yan. That's it." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad kong binaba ang tawag. Mas lalo lang akong maiinis kapag pinahaba ko pa ang pag uusap namin. Pinikit ko ang mga mata ko at ilang saglit lang ay nakatulog na rin ako. ——— KINABUKASAN ay maaga akong gumising dahil sumakit ang likod ko kakahiga sa sofa. Tiningnan ko si Aeris na gising na pala. Ngumiti siya sa 'kin. "Good morning, baby." Bati niya. Ngumiti ako at tumayo. Lumapit ako sa kanya. "Good morning din." Sagot ko. At sabay kaming napatingin sa pinto nang may pumasok. Ang mommy ni Aeris. Lumapit siya sa amin. "God, Aeris, what happened? Alam mo bang hindi ko na tinapos ang business meeting ko sa Japan dahil sa nabalitaan ko sa 'yo?" Mangiyak ngiyak na sabi ni Tita Isabel. "Mom, okay na ako. Nandito naman si Kc. Binantayan niya ako simula kahapon." Nakangiting sagot ni Aeris. Tiningnan ako ni Tita Isabel. Hindi siya ngumiti. Alam kong hindi niya ako gusto para kay Aeris. "Kahit na. Sino ba ang gumawa nito sa 'yo?" Tanong niya kay Aeris. Katulad ng sagot ni Aeris sa akin kahapon ay nagkibit balikat lang siya. "Hindi ko kilala, mom. Nakatakip ang mga mukha nila. Pero iniimbistigahan na ng mga pulis." Sagot niya. Bumuntong hininga na lang si Tita Isabel. Tiningnan niya ako. "Umuwi ka na muna. Ako na ang magbabantay sa anak ko. Salamat sa pagbantay sa kanya." Seryoso niyang sabi. Tiningnan ko naman si Aeris. Malungkot siyang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya. "Sige po. Babalik na lang po ako mamayang hapon." Sagot ko. Hindi sumagot si Tita Isabel. Tiningnan ko si Aeris. "Uuwi muna ako. Babalik ako mamayang hapon." Paalam ko. Ngumiti siya at tumango. Agad akong naglakad palabas ng kwarto. At doon lang alo nakahinga ng maluwag. Simula noong naging kami ni Aeris ay ayaw na talaga ng mommy niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Pero pilit ko siyang pinapakisamahan. Nang nasa parking lot na ako ay tinawagan ko si Manong Greg pero hindi ko siya ma contact. Ilang ulit kong tinawagan ang number niya pero hindi ko pa rin ma contact. Kaya wala akong choice kundi ang mag commute. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa bahay. Huminto ang sinasakyan kong taxi sa harap ng gate namin. Agad akong nagbayad at bumaba na. Pagbukas ko ng gate ay agad kong hinanap ang kotse at si Manong Greg pero wala roon. Nasaan si Manong Greg? Dumiretso ako sa pinto at agad na pumasok sa loob. Ang tahimik ng bahay at halatang wala sina mommy at daddy. Pumunta ako sa kusina at nadatnan ko roon si Manang Gloria at si Ate Joy na nag uusap. "Manang, nasaan po si Manong Greg? Bakit hindi niya ako sinundo sa hospital?" Tanong ko. Halatang nagulat sila sa tanong ko. Kaya napakunot noo ako. "Manang?" Tawag ko sa kanya. "Wala na si Kuya Greg, Ma'am Kc." Sagot ni Ate Joy na ikinagulat ko. Nagpapatawa ba siya? "Ate Joy, naman. Masamang biro po---" "Totoo ang sinabi ni Joy." Biglang sabi ni manang. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa nangyayari. Bakit sunod-sunod? Parang kahapon lang nakita ko pa si Manong Greg. Hinatid pa niya ako sa hospital kahapon. "P-pero, manang. P-paano? Anong pong nangyari?" Naiiyak kong tanong. "Kanina susunduin ka na sana ni Greg sa hospital. At habang nagba-byahe ay tinambangan siya ng tatlong lalaki na sakay ng puting van. At doon siya pinagbabaril ng ilang beses." Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi ni manang. Hindi ko napigilang umiyak. "Dinala pa siya sa pinakamalapit na hospital pero hindi na siya umabot." Naiiyak na sabi ni manang. Ang matagal ko ng driver. At tinuring ko na rin bilang kuya. Bakit pati siya? Agad akong pumunta sa kwarto ko. Doon ako umiyak. Si Calvin ba ang may gawa na naman nito? Siya lang ang alam kong pwedeng gumawa nito. Kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag at pinindot ang number niya. Nanginginig ang kamay ko sa galit. Napamahal na sa akin si Manong Greg. Sa tagal ng paninilbihan niya sa amin ay parang pamilya na rin ang turing ko sa kanya. Ilang ring lang ay agad niyang sinagot. "Hello." Galit kong sabi. "Hi, baby. Miss me?" Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. "Hayop ka, Calvin. How dare you! I hate you! Paano mo nagawang pumatay ng tao?" Umiiyak kong sabi dahil sa galit. Narinig kong tumawa pa siya na ikinagalit ko. "Ano ba ang ginawa ko na naman, baby? Bakit ba palagi kang galit sa 'kin?" Asar niyang tanong. "Huwag ka nang magmaang mangan pa, Calvin. At pwede ba huwag mo akong matawag tawag sa putanginang endearment na 'yan!" Galit kong sabi. Kulang na lang ay itapon ko ang cellphone ko sa galit. "Fine. Sinasabi ko sa 'yo 'di ba? Kaya kong pumatay para sa 'yo. Hindi kita tinatakot, Kc. Dahil kung anong sinabi ko, ginagawa ko." Seryoso niyang sabi. "I hate you!" Sigaw ko sa cellphone at agad na binaba ang tawag. Siguro kailangan ko ng sabihin 'to sa mga pulis. May nawala ng isa at ayokong madagdagan pa 'yon. At ayokong pati ang mga magulang ko ay madamay rito. Kailangang bayaran niya ang mga kasalanan niya. Hindi ko akalain na magagawa niyang pumatay ng tao. Hindi na talaga siya ang Calvin na kilala ko noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD