Enjoy reading!
KINABUKASAN ay maaga akong gumising dahil meron pa akong pasok. Kahit na gusto ko pa sanang matulog pero kailangan kong bumangon. Pikit mata akong pumasok sa banyo para maligo at pagkaraan ay nagbihis na ako at nagsuklay ng buhok ko. Tiningnan ko muna ang bag ko kung nandoon na ba lahat ng kailangan ko sa school.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon at pumasok si daddy. "Nasa baba na si Aeris, hinihintay ka. Ihahatid ka raw niya sa school mo." sabi ni daddy. Tumango lang ako. Agad naman siyang lumabas. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago ko napagpasyahang bumaba na.
Habang pababa ng hagdan ay nakita ko si Aeris na nakaupo sa sofa sa sala habang kausap si mommy. Masaya silang nag uusap na para bang anak na ang turing ni mommy. Botong boto si daddy kay Aeris at ganoon din si mommy. Kaya kahit anong oras ay puwede siyang pumunta sa bahay.
"Good morning, mommy, and Aeris." Bati ko sa kanila at ngumiti. Agad namang tumayo si Aeris at lumapit sa akin para halikan ako sa pisngi. Nakita kong napangiti si mommy si ginawa ni Aeris.
"Aeris, hijo sabayan mo na si Kc kumain." Sabi ni mommy. Tumango naman si Aeris at agad na sumabay sa akin sa paglalakad papunta sa kusina.
Pagkatapos namin kumain ni Aeris ay hinatid niya ako sa school. Tumambay muna kami sa labas dahil sobrang aga namin. Kaunti pa lang ang mga estudyante. Kaya sinulit muna namin ang oras. Ilang minuto rin ang hinintay ko bago napagpasyahang pumasok na sa loob ng campus.
———
PAGKATAPOS ng klase ko ay agad akong nag abang ng kotse na susundo sa akin. Nasa labas ako ng school habang hinihintay ang sundo ko. Kalahating oras na akong naghihintay ay hindi pa rin dumarating ang sundo ko. Agad akong tumayo at napagpasyahan na sasakay na lang ng jeep. Pagabi na rin kasi.
Sabay nang pagtayo ko ay may isang puting van na huminto sa harap ko. Napaatras ako nang kaunti dahil sa biglang paghinto. Maglalakad na sana ako palayo sa van nang biglang bumukas iyon at agad na lumapit sa akin. Agad akong kinabahan kaya lumayo ako sa kanila at tatakbo na sana kaso agad na hinawakan ng isang lalaki ang braso ko. Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko pero agad na hinawakan din ng dalawa pa niyang kasama ang isang braso ko at pilit akong hinihila papunta sa van.
Nakatakip ang mga mukha nila at naka jacket ng itim. Tanging mata lang nila ang makikita. "Bitiwan niyo ako! Ano ba!" Sigaw ko pero hindi nila ako pinansin at patuloy sa paghila sa akin papunta sa van.
"Tulong! Tulong!" Huli na ang pagsigaw ko ng tulong dahil matagumpay nila akong naisakay sa van. Pagkapasok ng tatlo ay agad na umandar ang van at mabilis na umalis. Magsasalita pa sana ako nang tinakpan ng isang lalaki ang ilong ko ng panyo. Unti-unti akong nanghihina at nawalan ng malay.
———
NAGISING ako sa isang kwarto. Nakaupo ako sa isang upuan habang nakatali ang mga paa at kamay ko. Gusto kong tumayo pero hindi ko magawa. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Nasaan ako? Sino ang may pakana nito? Anong oras na kaya? Baka hinahanap na ako ni mommy at daddy. Kailangan kong makaalis dito. Kailangan ko ng umuwi.
"Tulong! Pakawalan niyo ako rito!" Sigaw ko. Gusto ko ng umiyak. Paano kung mamamatay tao ang dumukot sa 'kin? Paano kung huling gabi ko na 'to?
"Tulong---" Natigil ang pagsigaw ko nang bumukas ang pinto at pumasok doon ang taong ayoko na sanang makita pa kahit kailan. Si Calvin. May hawak siyang isang baso na may lamang alak. Siya ba ang nagpadukot sa 'kin?
Lumapit siya sa inuupuan ko. Seryoso ang mukha niya habang naglalakad. Tiningnan ko siya nang masama. Napakawalang hiya niya.
"Ikaw ba ang nagpadukot sa 'kin?" Seryoso kong tanong. Umupo siya sa kama na katabi lang ng inuupuan ko. Pinaglalaruan niya ang alak na sa baso. Pagkatapos ay lumagok siya at tiningnan ako.
"Walang iba. Nakita ko kayo kanina ng gagong boyfriend mo. Tangina, Kc parang gusto kong pumatay ng tao." Nagulat ako sa huli niyang sinabi. First time kong marinig mula sa kanya na sasabihin niya iyon. Hindi siya ang Calvin na kilala ko dati. Ibang iba na siya ngayon.
"Pakawalan mo na ako dito. Kailangan ko ng umuwi." Pag iiba ko ng usapan. Hindi ko pinahalata na natatakot ako sa kanya.
"No! Hindi kita pakakawalan hanggat hindi mo sasabihin sa akin na hihiwalayan mo na ang gagong 'yon." Galit niyang sagot.
"Ano ako uto? Puwede ba, Calvin pakawalan mo na ako dito dahil uuwi na ako." Matigas kong sagot. Pilit kong tinatanggal ang tali sa kamay ko pero napahinto ako nang biglang may nabasag sa pader na malapit lang sa 'kin. Napatingin ako kay Calvin nang makita ko ang basag na baso. Nagkalat ang bubog sa sahig pati na rin ang natapon na alak. Bigla akong kinabahan sa ginawa niya.
"Wala kang balak na hiwalayan siya? You love him? Putangina, e 'di patayin ko na lang siya para walang problema." Napalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tiningnan ko siya nang masama. Kaya niyang pumatay ng tao?
"K-kaya mong p-pumatay ng t-tao?" Natatakot kong tanong. Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa akin.
"Napakasama mong tao. Hayop ka! Hindi na ikaw ang Calvin na nakilala ko noon!" Galit kong sabi. Nakita kong napakuyom siya ng kamay dahil sa sinabi ko.
"Binibigyan mo lang ako ng rason para mas lalo akong magalit sa 'yo. Alam mo bang ayaw na kitang makita pa. Ayoko ng makita ang pagmumukha mo. Dahil napakasama----hhmmpp!" Hindi ko na natuloy ang dapat kong sabihin sa kanya dahil bigla niya akong hinalikan. Pilit ko siyang tinutulak pero mas lalo lang naging mapusok ang halik niya.
Ilang minuto din ang itinagal ng halik na iyon. Habol ko ang hininga ko habang masama siyang tinitingnan. "Hindi na kita pakakawalan pa, Kc. Akin ka simula noon. Nakipag kaibigan ka sa 'kin dati kaya akin kana. At wala akong balak na pakawalan ka pa ngayon. Masyado nang mahaba ang limang taon." Diretso niyang sabi. No! Hindi pwede. Hindi tayo pwede, Calvin. Kaya nga pinipilit kong lumayo sa 'yo dahil hindi tayo pwede.
"Hindi mo ako pagmamay-ari, Calvin. At ayoko sa 'yo. Hindi tayo pwede. Alin ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan? Ayoko sa 'yo!" Sigaw ko. At napalaki ang mga mata ko nang may kinuha siya sa tagiliran niya. Isang baril. Anong gagawin niya? Papatayin niya ba ako?
"Ayaw mo sa 'kin? Tutal ayaw naman pala sa 'kin ng taong mahal ko siguro tatapusin ko na rin 'tong buhay ko." Sabi niya at itinutok ang baril sa ulo niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gustuhin ko mang tumayo at lumapit sa kanya pero hindi ko magawa dahil nakatali ang mga paa ko.
"Calvin, huminahon ka. Calvin, please ibaba mo 'yang baril mo." Kinakabahan kong sabi sa kanya. Pero hindi niya ako pinakinggan. Kunting diin na lang sa gatilyo ay puputok na iyon. God! Ano bang nangyayari sa lalaking 'to?
"Ngayon natatakot kang mamatay ako? Damn you, Kc! Kung hindi ka lang din naman mapapasakin mas mabuti pang tapusin ko na ang buhay ko." Natataranta na ako sa kinauupuan ko. Ano bang dapat kong gawin? Nakita kong mas diniinan pa niya ang pagpindot sa gatilyo ng baril niya. Napapikit ako dahil sa takot.
"Calvin, pag usapan natin 'to, please. Huwag ganito. Please, Calvin. Gagawin ko lahat ng gusto mo." Huli na ng maalala ko ang sinabi ko. Ibinaba niya ang baril at lumapit sa 'kin.
"Gagawin mo lahat ng gusto ko?" Tanong niya. Bumuntong hininga ako at pumikit. Nasabi ko na. Kaya panindigan ko na. Tumango ako bilang sagot.
"Hiwalayan mo si Aeris Gonzalez." Paano niya nalaman ang pangalan ni Aeris?
"Paanong--"
"Kaya kong alamin lahat para sa 'yo, Kc. Kaya huwag ka ng magtaka kung alam ko ang pangalan ng gagong 'yon." Putol niya sa sinasabi ko.
"Ngayon, kailangan mong sundin ang gusto kong mangyari. Hiwalayan mo si Aeris." Utos niya. Tiningnan ko ang baril na hawak niya. Hindi ko alam kung kaya ko bang makipag hiwalay kay Aeris. Tatlong taon na rin kami at napamahal na ako sa kanya.
"Calvin, pwede bang iba na lang ang ipagawa mo sa 'kin?" Pagmamakaawa kong tanong.
"Kung ano ang sinabi ko, iyon ang sundin mo. Ayokong may ibang lalaki na umaangkin ng pagmamay-ari ko. Kaya, kung ayaw mong magalit ako sa 'yo sundin mo ang ipinapagawa ko." Inis niyang sagot. Hindi ko na ba mababago ang isip niya? Siguro may magagawa pa naman ako para hindi ko sundin ang gusto niyang mangyari.
"Fine. Gagawin ko. Pwede bang pakawalan mo na ako rito? Kasi uwing uwi na ako." Sagot ko. Agad niyang tinanggal ang tali ko sa kamay at sa paa. Tumayo ako at inayos ang damit ko. Napatingin ako sa kanya nang hinawakan niya ang braso ko.
"Siguraduhin mong gagawin mo ang pinapagawa ko sa 'yo. Dahil kung hindi ibabalik kita rito at makikita mo kung paano ko papatayin ang sarili ko sa harapan mo. Naiintindihan mo?" Pikit mata akong tumango. Binitiwan niya ang braso ko at naglakad palabas ng kwarto. Nakasunod ako sa kanya habang palabas kami ng bahay. May nakaabang na kotse sa harap namin.
"Good night, honey." Sabi niya at agad akong pinapasok sa back seat ng kotse. Hindi ko na siya tiningnan. Agad na umandar ang kotse palayo sa bahay na 'yon.
Hindi na niya ako mahahanap pa. Ayokong gawin ang pinapagawa niya. Hindi niya ako pagmamay-ari. Mahal ko si Aeris. At hindi si Calvin at kung sino man ang makakapag pahiwalay sa amin.
©Miss_Terious02