Enjoy reading!
MASAYA ako na nagkita ulit kami ng dati kong kaibigan noong high school pa lang kami. Ilang taon din na hindi kami nagkita. At sobrang namiss ko siya. Pero hindi ko nagustuhan ang mga sinabi niya sa 'kin. Hindi niya ako pagmamay ari. At isa pa meron na akong boyfriend. Oo inaamin ko na may gusto rin ako sa kanya. Matagal na. Pero hindi pwede. Maraming ayaw sa aming dalawa. Kaya kahit masakit, lumayo ako sa kanya.
"E bakit ayaw mong sabihin sa kanya ang totoo?" Sabi ni Jane. Pagkatapos nang pagkikita namin ni Calvin kanina ay dumiretso ako sa bahay ni Jane. Matalik ko siyang kaibigan at alam niya lahat tungkol sa amin ni Calvin.
"Ayoko munang sabihin sa kanya ang totoo, Jane. Hindi pa niya pwedeng malaman ang totoo." Sagot ko.
Napabuntong hininga siya sa sagot ko. "Ikaw ang bahala. Basta nandito lang ako kapag kailangan mo." Sagot niya.
"Salamat, Jane." Nakangiti kong sagot.
"By the way, I need to go. May pupuntahan pa akong birthday." Sagot ko. Tumango lang siya kaya agad na akong lumabas ng bahay niya. Agad akong sumakay sa kotse na naka parking sa labas ng bahay nina Jane. Matagal ko ng gusto magkasariling kotse. Kaso ayaw pa rin akong payagan ni daddy. Nasa legal age naman ako.
"Ma'am, saan po tayo pupunta?" Tanong ni manong Greg—driver ko.
"Sa condo po ni Erika, manong" Sagot ko. Sa tagal kong naging driver si Manong Greg alam niya na kung saan ang mga bahay ng mga kaibigan ko.
"Sige po, ma'am Kc." Sagot niya at agad na pinaandar ang kotse.
Nasa tabi ako ng bintana ng kotse. Nakatingin sa labas habang inaalala ang halik namin kanina ni Calvin. Bakit parang nagustuhan ko ang halik na iyon? Naalala ko noong umamin si Calvin sa 'kin noong high school pa lang kami. Oo, gusto ko na siya simula noon. Pero noong umamin siya sa 'kin dati ay sinabi kong hanggang kaibigan lang kahit masakit mang sabihin iyon sa taong gusto ko.
Binantaan kasi ako dati ni Devorah na lumayo ako kay Calvin. May gusto rin siya noon kay Calvin kaya pinapalayo niya ako para siya ang pansinin. Binantaan niya ako na kapag pinagpatuloy ko ang pakikipag kaibigan kay Calvin ay ipapabugbog niya ako sa mga kaibigan niyang lalaki. At pati ang daddy ko ay ayaw rin kay Calvin noon hanggang ngayon. Hindi ko alam kung bakit.
"Ma'am Kc, nandito na po tayo." Napakurap ako ng mata at agad na bumaba ng kotse. Pumasok ako sa loob ng building at agad na pumasok sa elevator.
Nang bumukas ay agad kong hinanap ang condo unit ni Erika. Isa siya sa mga kaibigan ko. Hindi na ako kumatok at agad na lang na pumasok sa loob. Nadatnan kong kumakain na sila at mukhang ako na lang ang hinihintay.
"Happy birthday!" Bati ko kay Erika.
"Thank you. Kumain ka na, palagi ka na lang late." Sagot niya. Ngumiti ako at umupo sa tabi ni Anthonette.
"Anong gusto mo? Cake? Ice cream? Salad? Spaghetti or si Aeris?" Sinamaan ko ng tingin si Maureen. Tumawa lang sila.
"Bakit 'di mo sinama si Aeris?" Tanong naman ni Ronalyn.
"Hindi. Ako ang pupunta sa kanya mamaya." Sagot ko.
"Sana all pinupuntahan." Sagot naman ni Erika. Hindi na ako sumagot at agad na kumuha ng plato at kumuha ng makakain.
Pagkatapos kumain ay nakaupo lang ako sa sofa dahil nasobrahan yata ako sa kain. Puro paborito ko kasi ang nakahain kaya nilubos lubos ko na. Oo na, ako na matakaw.
"Ang tahimik ni Kc. Anyare?" Tanong ni Maureen. Napatingin naman ang tatlo sa 'kin.
"Oo nga. Anong nangyari?" Tanong naman ni Erika. Siguro sabihin ko na rin sa kanila ang nangyari kanina.
Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsalita. "Nagkita ulit kami kanina." Kumunot ang mga noo nila sa sinabi ko.
"Sino?" Takang tanong ni Anthonette.
"Si Calvin Razon." Sagot ko na ikinagulat nila. Alam din nila ang tungkol kay Calvin.
"Tangina, anong nangyari?" Excited na tanong ni Ronalyn. Kahit kailan talaga ang sama ng bunganga ng isang 'to.
"Sinundan niya ako hanggang sa mall at doon kami nagkita. Tapos inaya niya ako sa isang restaurant at doon kami nag usap." Paliwanag ko. Nakatingin lang silang apat sa' kin. Inaabangan ang susunod kong sasabihin.
"At doon inamin niya sa 'kin na mahal niya pa rin ako. Pero katulad nang dati ay sinabi kong hanggang kaibigan pa rin ang maibibigay ko sa kanya." Patuloy kong sabi.
"What? Bakit naman?" Nanghihinayang na tanong ni Erika.
"May boyfriend na ako. At ayokong saktan si Aeris." Sagot ko.
"Ang tanong mahal mo ba si Aeris?" Tanong ni Anthonette. Hindi kaagad ako nakasagot. Mahal ko nga ba si Aeris?
"Oo naman. Naging boyfriend ko ba siya kung hindi ko siya mahal?" Sagot ko.
"Sige, kunwari naniniwala kami." Asar na sagot ni Anthonette. Biglang naputol ang pag uusap namin nang may tumawag sa cellphone ko. Si Aeris.
"Hello, Aeris?" Sagot ko.
"Nasaan ka? Wala ka sa bahay niyo." Tanong niya.
"Nandito ako sa condo ni Erika. Birthday niya ngayon." Sagot ko.
"Ganoon ba. Pakisabi happy birthday. By the way, let's date?" Tanong niya.
"Sige. Ngayon na ba?" Tanong ko.
"Yeah." Sagot niya.
"Sige, magkita na lang tayo sa pinupuntahan nating restaurant. See you." Sagot ko.
"Sige. I love you." Sabi niya.
"I love you too." Sagot ko. Agad ko ng ibinaba ang tawag. At nakita ko ang apat na todo ang ngiti sa 'kin.
"Pinapasabi pala ni Aeris na happy birthday. At kailangan ko ng umalis. Magkikita kami ngayon." Sabi ko. Tumango lang si Erika habang nakangiti.
"Mas bet ko si Calvin para sa 'yo." Napatingin ako kay Ronalyn dahil sa bigla niyang sabi.
"Kasi hindi ako kinikilig sa inyo ni Aeris. Ramdam ko kasi na hindi mo naman talaga siya mahal." At para akong sinampal sa sinabi niyang 'yon.
"Hoy, ano bang pinagsasabi mo, Ronalyn. Parang tanga 'to." Singit naman ni Maureen.
"Sige na, Kc. Pagpasensyahan mo na itong si Ronalyn. Nasobrahan ng kain 'to e. Sige na baka ma late ka sa date niyo ni Aeris. Enjoy." Nakangiting sabi ni Erika. Ngumiti lang ako sa kanila at agad na lumabas ng condo.
Agad akong lumapit sa kotse ko at agad na sumakay sa backseat. Ngumiti ako kay Manong Greg. "Manong, sa Kitty Restaurant po tayo." Sabi ko. Agad namang tumango si Manong Greg at pinaandar ang kotse.
Para akong nagising sa katotohanan sa sinabi ni Ronalyn kanina. Oo, tama siya. Biglang nawala ang pagmamahal ko kay Aeris nang magkita kami kanina ni Calvin. Hindi ko alam kung bakit. Natatakot ako sa maaring mangyari. Hindi na dapat kami magkita pa ni Calvin. Hindi kami ang para sa isa't isa. Ayaw sa kanya ni daddy. At may isang tao na mahal na mahal siya. Iyon ay si Devorah.
Ilang minuto lang ay huminto ang kotse sa isang restaurant. Dito kami palagi nagde-date ni Aeris. Ito ang favorite restaurant naming dalawa. Agad akong bumaba ng kotse at pumasok sa loob. Agad ko siyang nakita sa isang sulok. Lumapit ako sa kanya at umupo sa kaharap niyang upuan.
"Where is my kiss?" Tanong niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya at agad siyang hinalikan sa labi. Mabilis lang na halik iyon at agad akong bumalik sa upuan.
"I miss you." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
"I miss you too." Nakangiti kong sagot.
"Order na tayo?" Tanong niya. Tumango lang ako. Agad niyang tinawag ang isang waiter. Siya na ang pina order ko. Dahil busog pa dahil marami ang kinain ko sa condo ni Erika kanina. Pero syempre kahit busog pa ako kaya ko pa rin ubusin ang order niya. Matakaw yata 'to.
"Sabi ni tito ihahatid daw kita mamaya. Kaya hindi ko na dinala ang kotse ko. Kasi sabi niya dala mo raw ang kotse mo." Sabi niya. Tumango lang ako.
Kumunot ang noo niya. "Okay ka lang ba? Parang wala ka sa mood." Takang tanong niya.
"Okay lang ako. Siguro napagod lang sa byahe." Sagot ko.
Ilang minuto lang ay dumating na ang order niya. Mabuti at kaunti lang ang inorder niya. Agad na kaming kumain. Nauna siyang natapos habang ako ay pilit inuubos ang chocolate shake.
"Huwag mo ng ubusin kung hindi mo kaya." Seryoso niyang sabi. Binitiwan ko ang straw at inilayo ang chocolate shake.
"Ang takaw mo talaga." Asar niyang sabi. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Tara na? Gabi na." Sabi niya at agad na tinawag ang waiter. Pagkatapos niyang magbayad ay agad na kaming lumabas. Pinagbuksan niya ako sa backseat kaya agad akong pumasok at sumunod siya.
"Hi, Manong Greg." Bati niya sa driver ko.
"Hello po, Sir Aeris." Bati naman ni manong.
"Manong sa bahay na po." Sabi ko. Tumango naman si manong at pinaandar na ang kotse. Magkahawak kamay kami ni Aeris habang nasa byahe. Ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya.
"I love you." Bulong niya.
"I love you too." Sagot ko at ipinikit ang mga mata ko.
©Miss_Terious02
All Rights Reserved 2019