Chapter 1

2251 Words
Enjoy reading! "Calvin, anak, kumusta ang ipinapagawa mong bahay?" Tanong ni mama sa 'kin. Kadarating ko lang galing sa pinapagawa kong bahay. At malapit nang matapos iyon. "Malapit nang matapos, ma." Nakangiti kong sagot sa kanya.  "Mabuti naman. E ikaw? Kailan ka mag-aasawa? Hindi ka na bumabata, anak." Ilang beses nang sinabi iyan ni mama sa 'kin. Gusto na niyang magka-apo. Pero hanggang ngayon kasi ay hinahanap ko pa ang pagmamay ari ko. Ang babaeng pakakasalan ko at makasama ko habang buhay. Ilang taon na rin nang unang pagkikita namin.  "Ma, kunting hintay na lang. Mahahanap ko rin siya." Sagot ko. Ngumiti siya sa akin. Alam ni mama ang tinutukoy ko. Kilala niya kung sino iyon. At botong-boto siya.  "Okay, fine. Pakibilisan ang paghahanap sa kanya, anak. Kasi gusto ko na magka-apo." Nakangiti niyang sagot. Ngumiti ako sa kanya at tumango.  "Yes, ma. Hinahanap ko na siya." Sagot ko. Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa kawalan. ——— KINABUKASAN ay bumisita ako sa pinapagawa kong bahay. Malapit nang matapos. Dalawang palapag lang pero malaki. Kaunti na lang ay matatawag ng Mansion.  "Ganda ng bahay natin ah. Pagdalhan mo ng mga babae mo, Calvin?" Sinamaan ko ng tingin si Ryker na ngayon ay nakangisi pa rin.  "Hindi kita pinapunta rito para asarin ako, Ryker Albrecht." Sagot ko. Tumawa lang siya.  "Bakit mo nga ba ako pinapunta rito?" Tanong niya.  "May kilala ka bang private investigator? May ipapahanap lang ako." Halatang nagulat siya sa sinabi ko.  "Himala may pinapahanap ka. At mukhang importante pa 'yan. Babae mo?" Tanong niya.  "Huwag ka ng magtanong. Malalaman mo rin kapag nahanap ko na siya." Inis kong sagot. Napakamot siya ng ulo. May ibinigay akong isang picture sa kanya. Iyon ang kaisa-isang picture na hawak ko. High school pa siya sa picture na 'yan.  "Kaya naman pala, ang ganda ng babae mo." Nakangising sabi niya.  "Ang daldal mo, Ryker. Para kang babae. Itapon kita pabalik sa America. Gawin mo na lang kasi ang sinabi ko. Kc Marie Ventura ang pangalan niya." Inis kong sagot. "Fine. Ipahahanap ko sa kakilala ko. Ihanda mo na lang ang bayad mo. Syempre, meron din ako riyan." Sagot niya. Hindi ko alam na may pagka buraot pala 'tong gagong 'to.  "Sige. Pero kailangan sa makalawa malalaman ko na ang resulta nang paghahanap." Sagot ko.  "No problem, Razon. Akong bahala. I need to go, bye, asshole!" Sigaw niya at sumakay na sa kotse niya.  Napangiti na lang ako habang nakatingin sa bahay na pinapagawa ko. Malapit ko ng mahanap ang babaeng matagal ko ng hinahangad. At ayokong pakawalan pa siya. Dahil simula noong unang pagkikita namin ay akin na siya. Kahit anong mangyari akin siya. Walang sino man ang pwedeng umagaw sa pagmamay ari ko.  ——— TUNOG ng cellphone ko ang nagpagising sa akin. Pikit matang hinanap ng kamay ko ang cellphone sa maliit na lamesa na nasa tabi ng kama ko. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag. Agad ko ng sinagot.  "Hello." Antok kong sagot.  "Nahanap na si Kc mo." Napamulat ako ng mga mata sa sinabi ni Ryker sa kabilang linya. Biglang nawala ang antok ko.  "Where is she?" Tanong ko.  "Malapit lang lang siya sa'yo, pare. Hindi mo pa mahanap hanap. Kung sa bagay, bakit nga ba magpapakita ang taong nagtatago." Diretso niyang sabi. Napaupo ako sa kama at napahilamos ng mukha sa sinabi ni Ryker.  "Damn you, Albrecht! Sabihin mo na kasi kung nasaan siya ngayon!" Inis kong sabi. Narinig kong tumawa pa siya. Inaasar na naman ako. Agang aga binebwesit ako ng gagong 'to.  "Okay, relax. Mamayang hapon pumunta ka sa school kung saan nag-aaral ang babae ni Harley. Yung si Jane ba 'yon?" Tanong niya. Doon din siya nag-aral? What a coincidence. "Sige, pupunta ako mamayang hapon kapag uwian na nila. Salamat, Ryker." Sagot ko.  "No problem, Calvin. Yung p*****t. Don't forget." Pahabol niya bago ko binaba ang tawag. Agad na akong tumayo at pumunta sa banyo para maligo. Mas lalo akong ginanahan ngayon na magtrabaho dahil mamaya ay makikita ko na siya. Sana maalala pa niya ako.  Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad na akong lumabas ng kwarto ko at pumunta sa kusina. Nadatnan ko roon si mama at papa na masayang kumakain. Simula pagkabata ay humahanga na ako sa kanila. Mahal nila ang isa't isa. Kahit medyo matanda na sila ay hindi pa rin kumukupas ang pagmamahalan nila. Nakita kong nagsusubuan pa sila at nagtatawanan.  "Good morning, ma, pa." Bati ko sa kanila at umupo sa bakanteng upuan. Huminto sila sa pagsusubuan at tumingin sa akin. Halatang naninibago sila sa akin dahil hindi ko ugaling ngumiti ng ganito kaaga sa harap nila. "What happened? Why are you smiling like an idiot, son?" Tanong ni papa sa'kin. Tumawa lang si mama.  "Ma, pa, makikita ko na siya ulit mamaya." Excited kong sagot. Nagtaka silang dalawa sa sinabi ko. At mukhang hindi nila naintindihan ang sinabi ko.  "Sino?" Takang tanong ni papa.  "Si Kc, ma, pa. Ma, kilala mo iyon 'di ba?" Tumango lang si mama at ngumiti.  "So, nahanap mo na siya, anak? Mabuti naman. Huwag mo ng pakawalan." Suportadong sabi ni mama.  "Thanks, ma. Iyon nga ang gagawin ko." Nakangiti kong sagot.  "Very good, son. So let's eat our breakfast." Nakangiti ako habang kumakain. Inaalala ang mukha ng babaeng iyon noon. Ganoon pa rin kaya ang mukha niya? Syempre maganda pa rin. Dahil akin lang siya.  "Sir Calvin, bukas po nang umaga ay sabay raw po kayo ni Architect Kyla Castillo na pupunta sa bagong project niyo." Bilin sa akin ng secretary ni Damon. Dito kasi ako nagtatrabaho sa kompanya ng kaibigan kong si Damon.  "Okay, Manel. Salamat." Sagot ko at agad na sinarado ang laptop ko. Tumango lang siya at lumabas na ng opisina ko. Tumayo na rin ako at inayos ang mga gamit ko. Pagkatapos ay agad na akong lumabas ng building. Nakasalubong ko pa si Kyla sa exit. "Calvin, uuwi ka na?" Malambing niyang tanong. Ngumiti lang ako sa kanya. Siya lang at si Damon ang kaibigan ko rito. "Yeah. May pupuntahan pa kasi ako." Sagot ko.  "Saan naman?" Takang tanong niya. Alam kong may gusto sa 'kin si Kyla. Pero hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko sa kanya.  "Basta. Kita na lang tayo bukas. Bye, Kyla." Sabi ko at maglalakad na sana nang hawakan niya ang kamay ko at hinalikan ako sa pisngi. "Bye, ingat ka." Nakangiti niyang sabi. Narinig ko ang bulong bulongan ng mga taong nakakita sa amin. Alam kong iba ang iniisip nila. At wala akong pakialam sa kanila. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko papunta sa Mazda CX-9 kong sasakyan.  Habang nagba-byahe papunta sa University kung saan nag-aaral si Kc Marie ay napapangiti ako. Fourteen siya at eighteen ako noong unang pagkikita namin. Siya ang tumulong sa akin dati noong natapunan ako ng sopas sa canteen namin sa school. Siya rin ang gumamot sa 'kin noong nakipag away ako sa lalaking tumapon ng sopas sa 'kin noon.  Pagkatapos noon ay naging magkaibigan kami. Isang taon ko siyang naging kaibigan. Grade eight siya at grade twelve naman ako. At sa loob nang isang taon na magkasama kami araw-araw ay unti-unti akong nagkagusto sa kanya. Alam kong mali iyon dahil ang bata pa niya. Umamin ako sa kanya noon bago ako grumaduate ng senior high school. Pero hindi kami pareho ng nararamdaman. Hindi niya ako gusto.  Inubos ko ang oras ko sa kanya noong araw na iyon. Dahil alam kong hindi na ko na siya makikita pa ulit. Nagnakaw ako ng isang picture niya gamit ang cellphone ko. Dahil pagkatapos ng graduation ko ay papupuntahin na ako nina mama at papa sa America para doon mag-aral ng Engineer.  Huminto ako hindi kalayuan sa gate ng University rito sa San Miguel. Ito lang ang nag iisang University rito. Naghintay ako nang ilang minuto sa loob ng kotse ko.  Nakita kong lumabas si Jane. Meron siyang kasama na isang babae. Nakayuko iyon dahil inaayos niya ang mga dala niyang libro at folder na hawak niya habang naglalakad. Nang umangat ito ng mukha ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang makilala ko ang mukha niya. Kung siniswerte ka nga naman. Mukhang magkakilala pa si Jane at ang babaeng matagal ko ng hinahanap. Nag-uusap sila at pagkaraan ay may huminto na isang itim na kotse sa harap nila. Napakunot noo ako dahil sumakay roon si Kc. Baka kotse nila. Agad na umalis iyon at hindi sumakay si Jane. Kailangan kong mahabol ang kotse niya. At iyon nga ang ginawa ko. Hindi ako nagpahalata na sumusunod ako sa kanila.  Huminto ang kotse na sinasakyan niya sa isang mall. Alam ko kung kanino ang mall na ito. Isa sa mga gago kong kaibigan. Kay Red Velasco. Hininto ko ang kotse sa isang tabi at agad na lumabas. Hinabol ko siya papasok. Nakita kong papunta siya sa restroom ng mga babae. No! Kailangan magkita kami ngayong araw na 'to. Kailangan makita niya ulit ako.  Malalaking hakbang ang ginawa ko papunta sa restroom ng mga babae. Walang tao sa loob kundi siya lang. Kaya agad akong pumasok sa loob at nagulat siya nang makita ako. Ini-lock ko ang pinto at pinatahimik siya gamit ang pagsinyas ng daliri ko sa bibig.  "Who are you? A-anong ginagawa mo rito sa restroom ng mga babae?" Halatang natakot ko siya. Wala pa ring pinagkaiba ang makinis niyang mukha. Ang ganda niya pa rin. Siya pa rin ang Kc na nakilala ko noon. Ang babaeng minahal ko noon hanggang ngayon.  Lumapit ako sa kanya kaya umatras siya. "Stop! Diyan ka lang. K-kung gusto m-mo ng pera, ibibigay ko sa 'yo lahat ng p-pera ko." Kinakabahan niyang sabi.  "Kc..." Banggit ko sa pangalan niya na ikinakunot ng noo niya. Hindi niya na talaga ako kilala. "Who are you? Bakit alam mo ang pangalan ko?" Kunot noo niyang tanong.  "Ako 'to. Si Calvin. Calvin Razon, baby." Malambing kong sagot. Nakakunot noo pa rin siya habang inaalala ang pangalan ko. Ilang sandali lang ay halatang nagulat siya ulit. "I-ikaw si C-calvin Razon?" Hindi makapaniwalang tanong niya.  Tumango ako at ngumiti. "Yes, baby. Nandito na ulit ako." Malambing kong sagot. Ngumiti siya at niyakap ako. God, I miss her!  ——— "Tagal din nating hindi nagkita." Nakangiti niyang sabi. Pagkatapos nang nangyari sa restroom ay inaya niya ako sa isang restaurant na malapit lang din sa mall. Nilakad lang namin papunta sa restaurant. "Yeah. I miss you." Seryoso kong sabi habang nakatingin sa kanya. Ngumiti lang siya sa 'kin. "Namiss din kita. Isa ka na bang Engineer ngayon?" Nakangiti niyang tanong. Damn! She's beautiful! "Yeah. Ikaw? Anong kinukuha mong kurso?" Tanong ko.  "Abogasya." Maikli niyang sagot at sumubo ng carbonara.  "That's good. How old are you now?" Tanong ko. Medyo nagulat siya sa tanong ko.  "Nineteen. Ikaw?" Tanong niya.  "Twenty three." Sagot ko. Tumango lang siya. Hindi ko inaalis ang paningin ko sa kanya.  "Bakit ganyan ka makatitig sa 'kin? May dumi ba ako sa mukha?" Agad niyang pinunasan ang bibig niya ng tissue. "I still love you." Natigil siya sa pagpunas ng tissue sa bibig niya dahil sa sinabi ko. Alam kong magugulat siya sa sinabi ko. Pero wala akong pakialam. Pinangako ko dati sa sarili ko na kapag nagkita kami ulit ay hindi ko na siya papakawalan pa. Hindi na siya minor de edad. She's nineteen right now.  "Naku, huwag ako, Calvin. Hindi na ako maniniwala--" "I'm serious." Putol ko sa sinasabi niya. "I'm sorry. Katulad pa rin ng dati, hanggang kaibigan lang talaga." Mahinahon niyang sabi. Alam ko na 'yon pa rin ang sasabihin niya. "May boyfriend na ako, Calvin. At mahal ko siya." Napakuyom ako ng kamay dahil sa sinabi niya. Boyfriend! Tapos ako, hanggang friend!  "Ayoko. Akin ka lang. Ngayon pa ba kita pakakawalan ulit? Limang taon, Kc. Limang taon 'yong tiniis ko! Tapos malalaman kong may boyfriend ka na? Hindi pwede." Seryoso kong sabi. Halatang nagulat siya sa mga sinabi ko.  "Calvin, naman. Huwag mo nga akong takutin ng ganyan. Marami ka pang makikilalang babae---" "Hinalikan ka na ba niya? Ilang beses na? Niyakap? Nag s*x na kayo? Putangina! Mapapatay ko ang gagong 'yon." Napataas ang boses ko dahil sa galit. At hindi ko inaasahan na masampal ako ng babaeng mahal ko. "E ikaw pala ang putangina e! Anong akala mo sa 'kin? Kaladkarin para itanong kung nag s*x kami? Ang akala ko ikaw pa rin 'yong dating Calvin na kilala ko noon. Siguro nga lahat ng tao nagbabago. Simula ngayon wala na akong kilalang Calvin na katulad mo. Huwag ka na rin magpakita sa 'kin." Galit niyang sabi at tumayo. Lahat ng mga tao sa loob ng restaurant ay nakatingin na sa amin.  Tumayo na rin ako at mabilis na hinawakan ang braso niya at inilapit siya sa 'kin. Mabilis ko siyang hinalikan. Nagpupumiglas siya kaya hinawakan ko ang magkabila niyang braso. Wala akong pakialam kung maraming tao ang nakatingin sa amin. Mas okay iyon para malaman ng lahat na pagmamay ari ko ang babaeng ito.  Segundo lang ang itinagal ng halikan namin. Masamang tingin ang natanggap ko sa kanya.  "I.hate.you!" Mariin niyang sabi at tinalikuran ako. Mabilis siyang lumabas ng restaurant. Tinawag ko ang isang waiter para kunin ang bill ng pagkain namin. Pagkatapos kong magbayad ay agad na rin akong lumabas.  Hindi pa rin ako titigil sa 'yo, Kc. Hanggat hindi ka napapasakin. Sisirain ko ang relasyon nila. At walang may makakapigil sa 'kin. Akin siya simula noong unang nagkakilala kami. At akin pa rin siya hanggang ngayon. At akin siya hanggang dulo. ©Miss_Terious02 All Rights Reserved 2019
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD