03

2329 Words
“LIAR, user, fake! Ugh!” sigaw ni Keira matapos mabasa ang isa na namang article kung saan umamin si Steve na may pagtitinginan silang dalawa. “What does he want from me? Pera? Power? Fu*k I hate him!” She turned the tablet off and grabbed her jacket and car keys. Nagpunta siya sa condo unit niya para kuhain ang laptop niya kaso nung mag-online siya iyon ang bumungad sa kanya. Hindi na binalik sa kanya ni Primo ang cellphone niya para pigilan siya sa pagpatol sa issue. Kapatol patol naman yung mga sinasabi tungkol sa kanya dahil buong pagkatao na niya ang nilait nung mga fans online. Naapektuhan na din ang cafe-c*m-gallery ng mommy niya pati MEC - Mind Escape Corporation, na pinamamahalaan ng mga pinsan niya. She literally dragging everyone down on this mess. Nag-apologize na sa kanya si Ciara dahil birthday party nito yung pinag-ugatan ng lahat. Her dad was furious and filed a case against Vanessa the other day. Siniraan siya nito online nung isang araw matapos nito mag-tweet na para itong aping api. Tumigil ang pagkalat ng paninira ng isang araw lang tapos ngayon iba na naman ang issue. Kailan ba matatapos ang lahat? Malalim siya napabuntong hininga. Paano kaya kung mangibangbansa na lang muna siya? Napailing siya bigla dahil sa naisip. Running away doesn't resolved any the issue. Kailangan na niyang magsalita at isa lang ang naiisip niya na makakatulong sa kanya. Si Maia, ang pinsan niyang vlogger at social media influencer. Kung gagawa siya ng confession vlog sa channel nito baka sakaling matigil na ang lahat. Kailangan lang niya kumbinsihin ang parents at kapatid niya na gustong tahimik lang siya. Para kasi sa mga ito, less talk, less mistake at kapag nasa emotional state ang isip ng tao may nasasabi na 'di relevant sa issue. Kailangan niya munang kalmahin ang sarili para wala siyang masabi na maaring gamitin din laban sa kanya sa bandang huli. “Hindi ba siya yung babae ni Steve?” Nadinig niyang bulungan sa tabi niya. Napa-ayos siya bigla ng tayo saka sinaklob ang hood ng suot niyang jacket. Naramdaman niyang lumapit sa kanya ang isa sa tatlong babae upang silipin ng mukha niya. “Siya nga 'yon!” Mariin siyang napapikit saka akmang aalis na doon para umiwas ngunit nahila siya nung dalawa. She felt their tight gripped on her arms. Ano ba kailangan nila sa kanya? She hates being labeled as Steve's other woman. She didn't study in Harvard to be called like that. Ayaw din niya patulan yung tatlo dahil mga bata pa iyon. “Hoy, pag hindi niyo binitiwan 'yan ikukulong ko kayong tatlo. Nasaan mga magulang niyo? Alam ba nilang nanakit kayo ng kapwa niyo?” Sunod sunod na tanong nang pamilyar na boses. “Dion, hanapin mo mga magulang nila. Demi at Kris, isama niyo sa presinto yang mga iyan.” Mahabang litanya na siyang dahilan para umatras ang mga bata. “Mga batang 'to napaka-warfreak niyo.” Nadinig niyang sambit nung babaeng kasama ni Ruan. “Tara sa presinto ngayon, akala niyo ha porket minors kayo.” sambit naman nung lalaki saka inakbayan nito yung dalawang bata saka sumaludo sa kay Ruan bago sumakay sa elevator. Sasakay na din dapat siya kaso nahila siya pabalik ni Ruan. “Next ride na tayo,” anito sa kanya. Hindi na siya umangal pa at tumayo na lang sa tabi nito ngunit hindi gaanong malapit. “Oh, suotin mo para walang makakilala sa 'yo. Sumama ka din para magfile ng complaint sa mga 'yon. Tch, kala naman ng mga mapapakain sila ng idol nila.” Natawa siya sa litanya nito na kinakunot naman ng noo nito. She suppressed her lips to conceal a laugh again. Gano'n din ang sinabi ni Primo nung isang araw sa kanya. Nilikom niya ang buhok na humarang sa mukha niya at inipit iyon sa likod ng tainga niya. Nalimutan niya magdala ng mask kaya madali siya makilala ng mga tao. Simula sa araw na iyon hindi na niya aalisin iyon sa bag niya. “Oh...” Pilit pa ni Ruan saka inabot ang mask. Napatingin siya dito at nag-alangan na tanggapin iyon. “Malinis 'yan h'wag ka mag-alala. Kailangan mo 'yan kapag nasa labas ka na,” “T-thanks!” aniya saka tinanggap na iyon. Magkasunod sila pumasok sa bumukas na elevator at ito na ang pumindot sa carpark button. Sinuot na niya ang mask na bigay ni Ruan dahil baka may sumakay na ibang nakatira doon at makilala pa siya. Matapos iyon ay sumandal siya sa pader ng elevator at matamang pinagmasdan ang number ng floor kung nasaan na sila. Muling sumagi sa isipan niya ang paggawa ng vlog na ipapa-upload niya sa mga pinsan niya. Ano kaya ang sasabihin niya doon? Hindi naman siya magpapa-awa dahil ang main goal niya lang ay malinis ang pangalang dinumihan nung phenomenal couple na 'yon. She'll do that for the sake of MEC, IAA and her dad's law firm. Ang daming nadamay sa loob ng dalawang araw na lumipas magmula ng pumutok ang issue. She knows that her mom kept on explaining to the elders about it. Hindi naman kasi siya pinalaking gano'n ng mga ito. Oo maarte, agresibo, at indecisive siya pero hinding hindi niya magagawang manghamak ng ibang tao gaya ng iniisip ng iba. Lalo anh manira ng relasyong sa umpisa palang at punong puno na nang pagpapanggap. They're rich but never used it as an excuse to humiliate people nor violate a law. Nagkataon lang na judgemental si Detective Moldez at ayaw nahahawakan ng walang permiso. Napatingin siya dito at napansin niyang seryosong seryoso ito sa binabasa. Sa buong maghapon niyang pagsunod dito kahapon, ang dami niyang napansin dito. Gaya ng pagiging magalang nito sa matatanda. Nakita niya kung paano nito tulungan yung dalawang matanda na nagtitinda sa initan. Ginawa nito ng habong ang dalawa saka binilhan ng makakain at maiinom. Pagdaan niya doon inabutan niya din ng cash ang mga ito kaya naubos ang dala niya. Isang rason kung bakit natanong niya kay Ruan kagabi kung natanggap ng credit card ang taxi. Tinawanan siya ni Primo at Sav nung i-kwento niya iyon. Malay ba siya na hindi pa pala gano'n sa Pilipinas saka 'di tulad ng kapatid at pinsan niya, hindi niya nadanasang mag-commute. Ewan ba niya sa daddy nila na over protective sa kanya mula pa nung bata siya. “Oy, baba ka ba o mag-ra-ride all you can ka dyan?” untag ni Ruan sa kanya. Sa kanya lang yata ito masungit dahil nakita niyang maayos naman nito kinausap yung babaeng kasama kanina. Mabilis siyang lumabas ng elevator saka sumunod dito. She examined his physical appearance once again. Matangkad ito at papasang model kung mag-iiba ito ng propesyon. Pwede niya ito i-recommend kay Sav na kinatawa niya. “Tapos ka na manyakin ako dyan sa isip mo?” She rolled her eyes upon hearing those sarcastic remarks of Ruan. “Bakit ba ang sungit mo sa akin?” tanong niya dito. Hindi ito sumagot bagkus sumakay lang ito sa owner type jeep nito. Malalim siya napahimutok saka naiiling na tumungo sa sasakyan niya. Bago siya makasakay tinawag siya nito ulit na ‘hoy’ kahit may pangalan naman siya. “I have name you know,” “Wala akong pake basta sumunod ka sa presinto para magpasa ng complaint dun sa nangharass sa yo,” “Opo detective,” aniya saka umirap na dito at sumakay na sa sasakyan niya. ~•~•~ MATAMANG tiningnan ni Ruan ang mga nakalap niyang panibagong impormasyon na may kinalalaman sa murder case na hawak niya. Sinulat niya sa white board ang mga iyon saka isa-isang nirebisa. Lahat ng lugar kung saan natagpuan ang mga parte ng katawan ay building o 'di kaya condominium. Iyon ang nakikita niyang isa pang pagkakapareho ng lahat ng kaso. Malalim siya napahimutok saka matamang inunat ang mga binti niya. Napalingon siya sa mga ka-team niya na may bitbit pagkain galing sa labas ng opisina nila. Matalim niyang tinitigan ang mga ito na tila napansin naman ng mga kasama niya. “Mabait naman pala 'yon boss. Pinakain niya buong headquarters bago umalis.” ani Dion. Nakita niyang binatukan nina Demi at Kris ito bago naupo sa silya hindi kalayuan sa kanya. “Wala ka na ba gagawin kung 'di sumagap ng tsismis?” sita niya kay Dion. “Yung pinagagawa ko tapos mo na ba?” Tumango ito saka inabot sa kanya ang folder na agad naman niya binasa. “Bakit ang sungit mo kay Keira Dominguez, Lucy?” tanong ni Demi sa kanya. “Well masungit ka naman sa lahat including me pero iba yung sungit mo kay Keira.” “Yan yung sungit na may halong lihim na pagtingin.” Pang-aasar ni Kris sa kanya. “Ulol. Magtrabaho na kayo nang magkasaysay binabayad na tax ng taong bayan.” aniya saka umupo na sa swivel chair niya. Hindi pa tumigil sa pag-uusap ang mga ito kaya pilit na lang niyang inignora. Isa isa niyang binasa ang mga reports na nasa loob ng folder na binigay ni Dion. Nagbabakasaling may mahahanap siya doon pero wala. Sa gano'n na naman natapos ang araw niya. Ngayon siya nag-aya sa team niya na umuwi nang maaga. Lalo tuloy siyang inasar ni Kris dahil pakiramdam nito inlove siya. Love... tch! Wala akong oras at hindi 'non mababayaran renta, tubig at kuryente namin... Walang kagana gana siyang naglakad pauwi. Malapit lang naman sa bahay nila para sa kanya ang presintong pinapasukan. Pakiramdam niya makakapag-isip siya ng maayos kung maglalakad siya ngayon. Napadaan siya sa isang convenience store kung saan naroroon si Keira at binabato ng hilaw na itlog ng mga naka-unipormeng kabataan na naman. Wala na naman itong suot na mask at ewan ba niya kung ano sumapi sa kanyang espiritu dahilan para lapitan ito. Hinila niya ito paalis doon at wala siyang pakialam kung pati siya mabato na din ng hilaw na itlog. “Pag sinabi takbo, tumakbo ka, okay?” aniya dito. Humigpit ang hawak niya sa kamay nito at sabay silang tumakbo palayo doon. “Hay, sabi ko lalakad lang ako pero napa-jogging ako ng wala sa oras!” Nilingon niya ang mga batang humahabol sa kanila at napansin niyang malayo na ang agwat nila sa mga ito. Ano ba kasing trip ng mga iyon? Tanong niya sa isipan na 'di naman niya nasagot ng dahil may may 'di kataasang gate na sumalubong sa kanila. “Kaya mo umakyat dyan?” tanong niya sa dalaga. “Susubukan...” Tumango siya saka inalalayan itong maka-akyat doon hanggang sa makatawid ito. “Ikaw, hindi ka ba tatawid?” tanong nito. “Tatawid syempre. Ayokong makuyog ng bashers mo. Lumayo ka at siguraduhin mong hindi kita matatamaan.” sabi niya saka bumwelo bago sumampa sa railings saka tumalon sa kabilang side. Mabuti nag-track and field siya mula grade school to college kaya sisiw lang sa kanya iyon. Marahan siya tumayo saka pinunasan ang pawis sa kanyang noo at mukha gamit suot na polo jacket. “Tara na baka makatalon pa mga iyon.” aniya saka nauna na lumakad dito. Keira got amazed by what he just did. Binalewala niya lang ito saka nagpatuloy na paglalakad. ~•~•~ INABUTAN siya ni Ruan ng isang pakete ng wipes at tissue na tinitigan niya muna bago tuluyang tanggapin. Weird kasi dahil masungit ito sa kanya pero twice na siya nito tinutulungan ngayong araw. Binukas niya ang pakete ng wipes saka kumuha ng isa na siyang pinahid niya sa buhok. Nalimutan na naman kasi mag-mask at bibili lang naman siya ng ice cream kaya siya nandoon. Kaso nakita siya ng mga fans nina Steve at Vanessa at yung eksenang naabutan ni Ruan ang sumunod na nangyari. “Iwas iwasan mo munang lumabas kaya. Madaming galit sa 'yo ngayon na mga bata baka mamaya mas maging abala ang presinto sa mga complains mo kaysa ibang kaso,” ani Ruan sa kanya. “Akala ko naman concern ka kaya hindi mo pinalalabas.” Mahina niyang sabi dito. “Aba, kung sa issue nung magjowang pabebe na kasama ka magpo-focus ang bansa maraming humihingi ng hustisya ang hindi mabibigyan.” Litanya nito sa kanya na tama din naman. “Hindi titigil ang mundo para sa inyong tatlo saka taon taon na lang hiwalay yung pabebeng magjowa na 'yon,” Bigla siya natawa dahil sa sinabi nito. “I didn't expect that you're more updated on their love story, detective.” “Fan nila nanay ko so wala akong no choice.” Muli siyang natawa at dahil naman iyon sa pagiging redundant nito. Pinagpatuloy niya ang paglilinis sa buhok gamit ang wipes. Madaming napuntang hilaw na itlog doon kaya nagkadikit dikit na ang pagkakulot noon. “Tinawagan mo ba mga magulang mo? Baka mamaya mag-OA na naman mga iyon.” “Yes and my brother, Primo is on his way here.” Tumango tango lang ito sa kanya. “Thank you kanina kahit 'di mo gustong madamay sa gulo ko,” “Wala 'yon. Naawa lang ako kasi para kang tuta na inaapi sa daan,” “What? Tuta? A puppy?” “Oo ingleserang tuta.” Matalim niyang tiningnan ito saka sunod sunod na inirapan. Inasar siya nito nang inasar hanggang sa dumating na si Primo. Inalok niya itong sumabay kaso tumangi dahil nasa kabilang eskinita na pala ito nakatira. Iyon ang advantage ng mabilis nilang pagtakbo kanina. “Nadadalas pagsasama niyong dalawa, ate.” untag ni Primo sa kanya. “Nagkataon lang saka nakakainis siya tawagin ba akong ingleserang tuta.” tugon niya sa kapatid. “English ka yata ng english pagkasama mo eh. Nako kilala ko yang kunwari naiinis. Umamin ka, crush mo si Detective Moldez, no?” Crush... siguro kasi hindi ko mapaliwanag yung t***k ng puso ko lalo nung hawakan niya kamay ko kanina... aniya sa isipan. Pero pwede ding kinakabahan o 'di kaya napagod lang ako sa pagtakbo namin kaya mabilis t***k ng puso ko, sabi naman niya sa kabilang bahagi ng isipan. “Wala namang masama saka crush lang naman, Primo.” “The fact that you didn't deny it made me wonder how will he fit into our world and you to his.” “OA mo Primo. Crush palang nga 'di ba?” “Advance ako mag-isip, ate but I always got your back saka 'di naman telenovela characters sina mommy at daddy. Walang mangyayaring ‘Romeo stay away from Juliet’ scene,” Pareho silang natawa dahil doon. Hindi kailanman nakialam ang mga magulang nila sa desisyon nila sa buhay. Overprotective pero hindi sila nito pinigilan na makisalamuha sa 'di parte ng angkan nila. Their parents practice democracy and life freedom in their home. Magagalit, magtatampo ang mga ito pero hinding hindi sila nito pinabayaan. Kaya sabi niya kung may susunod na buhay, ang mga ito pa din ang gusto niya maging magulang. I wished to be brave like mom and dad... bulong niya sa hangin nang mabalik sa issue ang isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD