KUNG alam lang ni Keira na matutukan siya ng baril nung gwapong detective hindi na sana niya sinundan ito maghapon. Sumasakit pa 'man ang mga paa niya dahil hobby na yata ng lalaki ang maglakad ng maglakad. Tirik pa ang araw kaya tagaktak ang pawis niya at hindi na siya maganda tingnan. Hindi niya magawa ma-approach ito dahil palaging may kausap tapos matatao din ang lugar na pinupuntahan. Kinailangan niya tuloy magsuot ng mask para walang makakilala sa kanya.
“Put the gun down, please?” Pakiusap niya uli dito. Nanatiling nakataas hanggang dibdib niya ang dalawang kamay.
“Bakit ka nandito? Bakit kanina mo pa ako sinusundan?” Magkasunod na tanong nito sa kanya saka inalis na ang baril nitong nakatutok sa kanya. Unti unti niyang binaba ang kamay niya saka umayos ng tayo. Alam pala nitong kanina pa siya sunod ng sunod manong hindi siya i-approach. Lumakad siya papunta dito saka hinawakan ito at kinapa ang dibdib nito. “Hoy, anong problema mo? Ang lakas ng loob mo hawakan ang katawan ko.”
Inignora niya ito at pinagpatuloy ang ginagawa hanggang sa makita niya ang kailangan niya. Lumayo ito sa kanya saka pilit binawi ang ID nitong hawak niya.
Police Detective Ruan Simon Moldez, bagay sa kanya ang pangalan niya, wika niya sa isipan.
Sinipat niya ang mga details 'non bago pa tuluyang maagaw sa kanya nito iyon.
“Pwede kita ipasok sa loob at i-detained dahil sa ginawa mo, miss...” Ma-awtoridad nitong sabi sa kanya.
“Jeanne Keira Dominguez.” Pakilala niya ngunit binalewala nito iyon saka pinalis ang kamay niyang nakalahad.
“Wala akong pakialam.” Masungit na sabi nito saka humalikipkip sa harap niya. “Ngayon, bakit ka nandito, sinusundan mo pa ako at hinawakan mo pa ako. Ang dami mo ng violation, miss pwede na kita talaga ipasok doon para i-detained.”
“I'm following you because of this. Nalimutan mo sa café ko 'yan. It seems important to you so there's a valid reason, detective.”
“Magtagalog ka nga. Nasa Pilipinas ka panay english mo,” sita nito sa kanya.
“Detective Moldez!” Sabay sila napalingon sa tumawag sa apelyido ni Ruan. Patakbo iyong lumapit sa kanila. “Kanina pa natawag ang mama mo. Nasaan ka na naman daw ba?”
Nakita niya ang pagkamot nito sa batok. Marahil nahihiya ito pero wala siyang makitang kahiya hiya sa pagiging maka-nanay. Ang kapatid niyang si Primo kung makalingkis iyon sa mommy nila ay wagas kahit matanda na. Biglang kinuha sa kanya ni Ruan ang panyo saka binalingan ang naka-unipormeng tumawag dito.
“Ipasok mo 'to sa loob. Stalker 'yan at naghaharass kaya pagpaliwanagin mo at h'wag palalabasin hangga't walang nasundo.” Nanlaki ang mga mata niya nang madinig ang utos nito sa kasamahan. Kinuha nito ang isa niyang kamay saka pinosas sa kamay ng kasamahan nito. “Una na ako umuwi.” Paalam nito na sinagot naman ng saludo nung lalaking katabi niya.
“Hey!” sigaw niya pero hindi na ito lumingon pa. Marahan siya hinila ng officer na kasama niya papasok. Pinagpaliwanag siya nito tungkol sa inakusa sa kanya ni Ruan.
Ang malas niya lang talaga...
~•~•~
KATAKOT TAKOT na sermon ang sumalubong kay Ruan pagkauwi niya sa bahay nila. Mas nabusog pa siya sa pangaral at sermon kaysa sa kinain nilang mag-ina. Isinaksak naman niya sa isipan lahat kahit punong puno na iyon. Pabagsak siyang naupo sa sofa bed niya at dinala ang braso patakip sa mata. Ngayon lang niya naramdaman ang pagod at ngalay ng mga binti niya.
Puro lakad sa gitna ng katirikan ng sikat ng araw ang ginawa niya. As he closed his eyes, glimpsed of Keira's face flashback like a movie scene on his brain. Pati boses nito nadidinig niya dahilan upang mapadilat siya at dumarecho ng upo. Dinukot niya sa bulsa ang sinauli nitong panyo niya na hindi namalayang muntikan na palang mawala. Keira said that she followed him because of that.
Bakit hindi 'man lang siya nito tinawag? Bakit sunod lang ito ng sunod? Doon bigla niya naalala yung issue na sangkot ito. He kept on going to a crowded places awhile ago that's why she can't approached him. Baka natatakot itong makuyog dahil hindi naman biro ang dami ng fans nina Steve at Vanessa.
Napatayo siya agad at mabilis na lumabas sa bahay nila. Hindi na naman siya nagpaalam pero bahala na dahil kailangan balikan si Keira sa presinto. Ang tanga niya sa parteng hinayaan niya itong i-detained doon. Oo na-off siya nung hawakan siya bigla nito dahil ibang hatid iyon sa kanya. He won't emphasize that kind of feeling because its not him already.
In-start niya ang owner type jeep na minana pa niya sa papa niya at mabilis na pinasibat iyon paalis matapos painitin. Nakaalis na kaya ito doon? Siguro naman may tatawagan itong maaring tumubos dito doon. Pero paano kung wala? Mayaman ang mga ito at kalimitan ang pagiging abala ng mga ito dahilan kaya nagmamadali palagi.
Halos trenta minutos din ang binyahe niya pabalik sa presinto. Naroon pa ang dalaga at nakahiga sa mahabang plastik bench. Tulad niya pagod din ito dahil sinudan siya nito ng sinundan maghapon. Nainitan pa at ngayon naman nalamigan dahil air-conditioned ang side na kinaroroonan nito ngayon. Sumaludo sa kanya ang mga nakaduty doon na tinanguan niya lang.
Sinusian niya ang posas na nasa kamay ni Keira at marahan itong inalis. Nakagat niya ang ibabang labi ng makitang namumula ang mga iyon dahil sa pagkakaposas. Bigla itong nagising at nagliwanag ang mukha nang makita siya.
“Bumalik ka.” anito sa kanya.
“Wala ka bang pamilya? Hindi ka ba nila hinahanap?” Sunod sunod niyang tanong dito.
“Ayaw nila maniwala na apo ako ni former senator Dominguez,” sumbong nito sa kanya. Napakamot siya sa batok niya bigla bago binulsa ang posas na naalis niya sa kamay nito. “You made me experienced hell today. I thought I can't survived with the heat awhile ago. You pointed out a gun on me pa and detained me with handcuffs.”
Nangingilid na ang mga luha sa mata nito na agad din namang pinalis ng dalaga.
“Arte mo. Laya ka na pwede ka umalis,” aniya saka dumirecho na ng tayo at tinungo ang lamesa ni officer Ricamata para ipaalam si Keira. Pagkatapos makipag-usap sa mga kabaro ay lumabas na siya ng presinto. Dire-direcho siyang tumungo sa carpark ngunit nahinto ng maramdaman niyang may sumusunod sa kanya uli. Agad siyang lumingon at huminto naman sa pagsunod si Keira. “Ano na naman ba 'yon?”
Humalukipkip siya sa harapan nito. Wala na yung attraction na una niyang naramdaman dito. She's just a typical annoying rich girl that he hates now.
“Paano ako uuwi?” tanong nito sa kanya.
“Ewan ko sa 'yo. Bakit sa akin mo tinatanong 'yan? Wala ka bang sasakyan?” Umiling ito bilang sagot. “Tumawag sa mga magulang mo at magpasundo ka dito.” Pinakita nitong dead battery na ang iphone nito. Napabuga siya ng hangin bigla. “Magtaxi ka. Doon pumara ka tapos magpahatid ka sa inyo.”
“Is it safe? Does it accepts credit card p*****t?”
Ay nakampucha naman kapag mayaman talaga hindi marunong magcommute. Credit card sa taxi, tch! Kamot ulo siyang umiling iling.
“Saan ka ba nakatira?” tanong niya.
“15 Nathan St. White Plains, Quezon City.” Mabilis nitong sagot. Kumpletong address ang binigay nito kaya mahihirapan na siyang tumanggi. “Are you going to drive me home? Where is your car? Is that one?” Turo nito sa kotseng itim katabi ng jeep niya.
“Hindi sa akin 'yan. Eto ang sasakyan ko.” Nakita niya kung paano nito tiningnan ang sasakyan niya dahilan para talikuran niya ito at tumungo na doon. “Kung ayaw mo sumakay dito bahala ka dyan mabulok,” aniya dito.
“Wait, sasakay na ako.” tugon nito saka tumungo sa kabilang side. Kita niya kung gaano ito nahirapan dahil sa dress na suot. Naiiling siyang naupo na sa driver seat at inantay na maka-settle ito bago in-start iyon para painitin. “You have to explained to my dad why we're together. I'm grounded, I escape my own brother awhile ago and maybe they're worrying now.”
“Kasalanan ko ba 'yon? Bakit damay ako?”
“Sige na please? You know naman about the issue, right? But its not true. I didn't steal Steve to Vanessa.”
“Ewan sa 'yo...” Nang uminit na ang sasakyan agad niya pinasibad iyon paalis. Buong byahe nila kinulit lang siya nito ng kinulit kaya naman napapayag din sa huli. Pagdating nila doon, dumaan siya sa maraming pagche-check at kung hindi pa niya papakita ang badge niya ay hindi siya makakapasok.
Dinaig pa ang apo ng Presidente sa dami ng bantay sa bahay, sa isip isip niya.
Hindi bahay ang nakita niya kung 'di mansyon at bigla siya nahiya sa suot niya. Pagpasok nila sa pinaka-living room nakita nila ang ilang kapulisan na nakilala naman siya agad. Isang babae ang agad na sumugod ng yakap kay Keira.
Baka kapatid... aniyang muli sa isipan. Grabe akala mo seven years old na bata yung nawawala sa dami ng kabaro ko dito, sabi pa niya ulit sa kabilang bahagi ng isipan.
“Where have you been, anak?” Umiiyak na tanong nung babae kay Keira.
Wait... anak? Gulat niyang sabi sa isipan. Mag-ina sila? Bakit parang magkapatid?
“I'm with Detective Moldez whole day, mom.” Mahinang sagot ni Keira sa ina nito. Hinila nito ang manggas ng suot niyang polo para kuhain ang atensyon niya.
“Hindi mo pala kailangan mag-alala, Atty. Dominguez. You're eldest were in good hands. Si Detective Moldez ang pinaka-matino at magaling sa batch niya. She's safe with him.” Mahabang sabi ng boss niya - Police Chief Inspector Juan De Vera. Nakita niyang nilagay nung kausap ng boss niya ang dalawang kamay nito sa baywang. Nagpaalam sa kanilang lahat ang boss niya bago umalis kasama ang ilan pang miyembro ng kapulisan.
“Are you dating my dating my daughter?” tanong na muntik na magpahina sa tuhod niya. Naiintindihan naman niya kaso naisip bakit lahat sila inglesero. Pagod na pagod pa naman ang utak at katawan niya. Kailangan niya ba prangkahin ang mga 'to? Paano niya i-de-date ang anak ng mga ito eh bwisit na bwisit nga siya kay Keira?
“No sir. I detained her for following me around and harassing a police officer on duty.” Iyon na huling english na baon niya. Kapag kinausap pa din siya ng ingles ng kahit sino sa mga ito magwo-walk out na siya.
“Hindi nga kita hinaras. I was looking for your identification card.” Giit ni Keira.
“You could asked for it, ate. Hindi mo siya kailangan hawakan,” wika nung matangkad na lalaki.
“Go to your room now Keira...” utos nung lalaking unang nagtanong sa kanya.
“Aww!” Daing niya nang sikuhin siya ni Keira bago ito umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.
“Pasensya ka na, detective Moldez. My daughter is quite aggressive, impulsive and indecisive sometimes.”
“Halata naman sir.” tugon niya dito. “Kailangan ko na hong umalis.” Paalam niya.
“Thank you for bringing her back home, detective.” ani nung kamukha ni Keira bago umakyat sa second floor ng bahay.
Muling nagpasalamat sa kanya yung dalawang lalaki at ang mga ito pa ang naghatid sa kanya sa labas. Habang nagmamaneho hindi mawala wala sa isipan niya yung itsura ni Keira kanina nang sabihin niya sa tatay nitong na-detained niya ito. Naiirita siya na natutuwa dito at the same time. Naisip niyang mukhang mabait ang pamilyang pinanggalingan nito. Mayroon kasing mayayaman na itsura palang matapobre na kagaya nung may-ari ng inuupahan nila.
Hay, kailangan hindi ako ma-delay sa bayad ng upa para hindi makaharap 'yon...
~•~•~
“ANO feeling ng ma-detained, ate?” Napairap siya sa kapatid matapos madinig ang tanong nito. Napaayos siya ng upo ng dumating sa living room ang mommy nila at naupo sa tabi niya. Kinuha nito ang kamay niyang namumula pa dahil sa pagkakaposas sa kanya.
“Hindi mo dapat pilit na inalis yung posas. Look it will leave marks.” Panenermon sa kanya ng mommy niya.
“Dapat pinaabot pa ni Detective Moldez ng umaga doon ang batang 'yan para magtanda. Kakasabi ko palang na grounded gumala na naman ng walang paalam.” anang daddy niya.
“Daddy naman...” Mahina niyang sabi.
Napalabi niya pero walang epekto 'yon sa tatay niya. Bad shot na bad shot na siya dito at pakiramdam hindi lang isa ang ibibigay nitong bodyguard sa kanya. Wala pa kasing bente kuatro oras sinuway na niya ito kaya paano pa siya nito pagkakatiwalaan ulit? Naiiling lang na ginamot ng mommy niya ang sugat sa kamay niya. Nadinig naman niyang tumawa ang kapatid niya na nakaupo sa kabilang gilid niya.
Hindi niya sukat akalain na ma-e-experience niya lahat ng mga iyon sa loob ng isang araw. It was a worst kind of experience she had. Swerte pa si Detective Moldez dahil hindi niya sinabi sa daddy niya na tinutukan siya nito ng baril kanina. Baka kung sinabi niya iyon ay siguradong hindi magiging mabait ang pakitungo nito sa detective. Even Primo, masungit ito sa mga lalaking lumalapit sa kanya lalo na yung mga katulad ni Steve.
Sabay sabay sila napatingin sa TV ng i-flash ang panibago episode ng hiwalayan nina Steve at Vanessa. This time picture naman niya na kasama si Steve at tila sinadya na kunan nung may binulong sa kanya ang lalaki. Para tuloy silang naghahalikang dalawa sa dilim. Napikit niya ang mga mata dahil sa inis. Lahat na lang may kulay at kahulugan, lahat na lang basta may mapukol sa kanya.
Lumabas pa sa screen ang tweet ni Vanessa tungkol sa issue na parang aping api ito. She immediately grab her phone to say something but Primo snatched it away from her.
“Adding fuel to the fire won't kill it. Lalaki lang ang issue ate kapag nagsalita ka ngayon,” anito sa kanya.
“She's playing victim pero ako naman talaga ang biktima nila,” she exclaimed.
“We should fix this mess, hon. Baka bigla na lang sugurin si Keira ng mga fan nung love team na 'yon.” anang mommy nila sa daddy nila.
Hindi kumibo ang daddy niya at ramdam niya ang pagka-irita ng mommy niya dito. Nakagat niya ang ibabang parte ng labi at nakuyom ang magkabilang kamao. She must do something or else those people will continue using her for personal gain. Hindi pwedeng manahimik lang sa sulok at umiyak. Hindi siya gano'n at ayaw na ayaw niyang natatapakan siya ng walang kalaban laban.
Pero anong gagawin niya?