04

2232 Words
ISANG tahol ang sumalubong kay Ruan pagtapat niya sa gate ng apartment na tinitirhan niya. A genuine smile flashed on his face upon seing Cookie, the dog. Mabilis iyong lumapit sa kanya saka nagpakalong. Nang mabuhat niya iyon ay dinilaan nito ang mukha niya nang ilang beses na kinatawa niya. Kung 'di niya pa ilalayo ay mapupuno na ng laway ang buo niyang mukha. “She stills adores you kahit inabandona mo na kami,” anang tinig na mula sa nakaparadang sasakyan sa tapat ng gate nila. “Kamusta detective? Sikat ka na, ah nalimutan mo na kami ng anak natin,” “Bwisit ka Silas ang drama drama mo kahit ikaw ang nang-iiwan parati.” singhal niya sa best friend na si Kai Silas Montemayor. “Prosecutor ang itawag mo sa akin detective. Wala kang galang, ah. Hindi kita pinalaking ganyan.” He just showed his middle finger as an answer. “Tara sa loob. Matutuwa si mama kapag nakita ka 'non.” Inaya niya ito sa loob ng bahay nila. He called his mom but there's no answer. Napailing na lang siya nang makitang pinanonood na naman nito yung pabebeng magjowa na taon taon hiwalay. “She still following those couple na attention seeker?” Pinatahimik niya ito dahil hindi maaring madinig iyon ng mama niya. Lahat ng magbad mouth sa paborito nito'y nakakatikim ng mag-asawa sermon na may kasamang anak na litanya. Silas playfully zipped his mouth and walked towards their front porch. Naiiling niya lang na sinundan ito doon at binaba si Cookie bago naupo sa silyang katapat ng inupuan ni Silas. Nilapag nito sa harap niya ang plastik canned beers at junk foods. “Ngayon lang 'to ulit. Sa sobrang busy nalimutan ko na lasa nyan,” “Siraulo ka talaga kahit kailan. Paano ka ba naging prosecutor ha? Ikaw ba talaga yung nag top five sa bar?” singhal niya dito. “Kamusta sa trabaho mo?” tanong nito. “Same old, same old. Iniignora ko na lang dahil ang mahalaga ginagawa ko trabaho ko ng maayos,” “Ah yung trabahong may kasamang landi ba?” Natatawang tanong nito sa kanya saka pinakita ang litratong kuha nito. It was him and Keira talking. Yung isa kuha kahapon at yung ikalawa kanina lang dahilan upang maang siya mapatingin dito. “Iba ka talaga master. Ang galing mo pumili ng babae. Si Jeanne Keira Dominguez, ayon sa mga magazine ang may-ari ng pinaka-magandang mukha sa buong mundo.” “Ano na naman ngayon? Ang arte arte kaya tapos english pa ng english.” Tumawa si Silas ng dahil sa sinabi niya. “Kaya pala tinutulungan mo palagi kasi maarte saka english ng english,” “Stalker ka din talaga. Kanina mo pa ako sinusundan no?” “Nagkataon lang na nandoon ako kada tutulungan mo si Keira.” Umayos ito ng upo saka seryoso siyang tiningnan. “Hindi ka talaga tinamaan sa kanya? Grabe ang tatag ng pader dyan sa puso mo ah, walang makatibag.” Hindi niya sasabihing na-attract siya kasi aasarin lang siya ni Silas. Ngayong ngang hindi siya naamin ay panay na ang pang-aasar nito paano pa kaya kung umamin na. Lihim niya kiniling ang ulo niya upang iwaksi iyon. Uminon siya sa canned beer na hawak saka hinaplos ang ulo ni Cookie na natutulog na sa may paanan niya. Gano'n siya na-miss ng aso na 'yon at hindi niya maiwasang maalala si Keira dahil kay Cookie. “Wala akong oras para dyan.” aniya sa kaibigan. Totoo naman iyon mas gusto niya maresolba na ang kasong hawak niya para wala nang sumunod pa. “Ikaw ang prosec sa kasong hawak ko 'di ba?” “Oo at bukas makikita mo ako sa TV.” Tumaas baba ang magkabilang kilay nito na muli niyang kinailing. Hindi talaga lubos maisip na prosecutor ang kaibigan niyang iyon. Nagpatuloy sila sa pag-uusap ukol sa mga bagay bagay na nangyari sa kani kanilang buhay. Matagal siyang nawalay dito pero lagi naman itong nag-te-text sa kanya para sumbatan siya tungkol sa responsibility kay Cookie. Gusto na niya mainis dito pero hindi niya magawa. Kinabukasan, maagang pumasok si Ruan dahil sa maagang pa-meeting ni Police Chief Inspector Juan De Vera. Kasama nila ang miyembro ng prosecution sa conference room. Wala siyang pake sa mga tao doon kahit nga kay Silas wala siyang pakialam. Tinuon niya lang ang mga mata niya sa whiteboard kung saan nakalagay yung mukha ng lalaking nakunan sa cctv ng cafe ni Keira. Ito ang primary suspect nila ngayon ngunit gaya nalaman ni Dion nung isang araw wala ito sa database kaya hindi matukoy ang identity nito. May mga nakapost doon na larawan ng mga babaeng napaulat na nawawala mula nung pumutok ang unang kaso sa Caloocan. Thirteen girls who were young professionals. Hindi nila makumpirma kung sa mga nawawala ba iyong mga parte ng katawan na nakuha sa iba't ibang panig ng Metro Manila. Walang naiwan na maaring pagkuhaan ng DNA sa mga parte ng katawan na nasa kanila. Lalong sumasakit ang ulo niya dahil doon at iyon na yata ang pinaka-mahirap na kasong nahawakan niya. Pagkatapos ng meeting nila, naunang umalis si Silas dahil ito ang magsasalita sa harap media ukol sa kasong iyon. Habang siya lumabas lang sa conference room tuloy tuloy hanggang makalabas ng presinto. Naglakad lakad siya hanggang sa makarating siya sa malawak na park malapit sa presinto. Doon naabutan niya si Keira na sinisipa ang mga dahon sa ibaba ng kinauupuang woode bench. Naka-mask ito at sumbrero ngunit nakilala pa din niya dahil sa buhok nitong kulot. “H'wag mo ikalat 'yan. Ang hirap kaya maglinis dito kita mo ang lawak lawak,” aniya sa dalaga. “H'wag ka maingay detective nag-iisip ako. Saka doon ka mamaya ka na lumandi,” tugon nito sa kanya. Literal na napa-awang ang mga labi niya dahil sa sinabi nito. Tuluyan na ba itong nabaliw dahil sa issue na kinasasangkutan? Nailing niya ang ulo dahil sa naisip. Mukha namang matino pa dahil nakilala pa siya nito. He seated on the other end part of the wooden bench and focused his attention to Silas. Nagsasalita na ito ngayon sa harap ng iba't ibang media upang ipagbigay alam ang tungkol sa kasong hawak nila. “Iwasan mo muna paglabas sa gabi ng walang kasama.” aniya kay Keira. “How will I know if I have a stalker, detective?” tanong nito sa kanya. “Ay sorry, tagalugin ko ba?” “Na-gets ko, okay? Saka bakit mo ako tinatanong eh ikaw itong parang stalker dyan,” singhal niya dito. “Ang sungit talaga. Anyway, pakiramdam ko may nasunod sa akin kaya laging may balitang naipupukol sa akin.” anito sa kanya. “Check mo mga gamit mo baka may hidden cam o voice recording chip. Piliin mo din pinagku-kwentuhan mo dahil tandaan mo iilan lang ang maari mo pagkatiwalaan sa mundo.” “Yes dad...” tugon nito. “Ano?” “Ice cream tayo libre mo ako. Nakita ko malaki sahod ng mga katulad mong detective,” “Close tayo? Saka barya lang sa 'yo ang sahod ko. Magbabayad ka nga gamit credit card sa taxi 'di ba?” Umisod ito palapit sa kanya. “Ayan close na tayo at hindi ko alam na hindi pala pwede iyon dito. I spent four years in US duh,” “Ewan sa 'yo.” Tumayo siya saka lumakad na paalis doon. He heard her shout at him but didn't turned his back. Mabilis itong nakasabay sa kanya at hiwakan pa siya braso. “Ano ba? Ayan ka na naman nanghahawak ka na naman.” “Arte naman. Libre mo na ako bilis dahil may sasabihin akong related sa hawak mong kaso,” “Ayos ah, hindi ka lang stalker, scammer ka pa.” “Ayaw mo ba malaman yung alam ko? Okay lang naman kasi ikaw naman mahihirapan 'di ako,” “May gana ka pa makipaglaro gayong may problema ka din,” “Kaya nga ako nagpunta dito kasi kailangan ko tulong in exchange I'll tell you something I notice sa primary suspect niyo.” Natutulili ang tainga niya sa pagka-konyo ng kausap niya. Hindi ito bumitaw sa pagkaka-abrisete sa kanya kaya naman wala siyang nagawa kung 'di dalhin ito sa malapit na convenience store. Binili niya ito ng ice cream na kanina pa nito inuungot kapalit ng impormasyon na sana makatulong dahil kung hindi sisinghalan niya lang ito. Apat na flavor ang binili niya na request nito. Pagkabayad, tinungo na niya ang pwesto nito saka nilapag ang mga biniling ice cream sa harao nito. “Sabihin mo na ano yung napansin mo. Dapat relevant iyan sa kaso ha,” “Wait, bakit ka ba nagmamadali?” “Kasi naka-duty yata ako at bad influence ka,” “Okay eto na nga. Yung suspect niyo mukhang dumaan sa plastic surgery. May off kasi sa face niya nung makita namin ng pinsan ko and this is the proof that he alter his face to avoid you.” Pinakita nito sa kanya ang profile nung hawig ng primary suspect nila na matagal ng patay at hindi pa sa Pilipinas nakatira. “Madaming plastic surgery clinic dito Metro Manila pwede kayo doon mag-umpisa.” dagdag na sabi nito sa kanya. “Ano kapalit nito? Saka paano mo 'to nalaman?” “Connections.” Natawang sabi nito saka kumain na ng ice cream. “Joke lang pero may pinsan akong plastic surgeon and she saw that on TV eh,” “Ano kapalit nito?” “Find that bug inside our house.” ~•~•~ IBA talaga ang pakiramdam ni Keira ngayong may lumabas na namang issue against sa kanya online. Araw araw na lang niyang tanong kung kailan ba matatapos iyon. Ayaw naman ng parents at kapatid niya ang naisip niya na magsalita. Ang mga ito na daw ang bahala sa lahat kaya hindi na niya kailangan pa iyon alalahanin. Ngunit habang nagulong ang araw at dumadami ang issue na pinupukol sa kanya, hindi na niya alam kung makakabangon pa siya. The elders wants her to leave the country but her dad doesn't agreed to it. Aayusin daw nito iyon at hindi na niya kailangan pa umalis. Ang pagpunta niyang iyon sa park malapit sa presinto na kinaroroonan ni Ruan ang naisip niyang makakatulong sa problema niya. An investigator can find that bug inside their house. Si Ruan ang naisip niyang kausapin at katiwala tiwala naman ito kahit masungit. “Find that bug inside our house.” aniya dito nang tanungin nito kung ano kapalit ng impormasyong binigay niya. Rory, her cousin,  was a plastic surgeon. Nakita nito sa TV ang kuha nung lalaking primary suspect gamit ang cctv camera ng cafe niya. Napansin agad nito ang pagkakaiba sa normal na itsura ng tao. Hindi daw gaano successful ang operasyon noon at yung pinaggayahan ay yumao ng artista sa US. Hindi niya sana ibibigay iyon dahil baka 'di naman siya nito tulungan pabalik at gamitin lang siya. Sawang sawa na siya magamit at pakiramdam niya ubos na ubos na siya, ni latak wala na yatang natira. “Okay.” Simple nitong sagot sa kanya. Okay? Payag ba siya o hindi? tanong niya sa isipan. “Shall I fetch you or you'll go there later?” tanong niya dito. “Pupunta ako doon. Hindi mo na kailangan lumabas dahil baka matulad ka pa sa mga 'yon.” Tinuro nito ang mga biktima ng chop chop case na hawak nito. Maang niya ito tiningnan at nagkibit balikat lang ito. Hinintay nito na masundo siya bago bumalik sa presinto bitbit ang impormasyon na binigay niya. Habang nasa sasakyan siya iniisip niya kung saan makikita ang bug na 'yon sa bahay nila. Imbis na sa bahay, nagpahatid siya cafe niya at doon nagtambay hanggang sa gumabi na. Malapit na sila sa gate ng bahay ng may maaninag siyang pamilyar na sasakyan. Pinahinto niya ang sasakyan at bumaba siya doon. Lumiwanag ang mukha niya nang makita si Ruan nakatayo sa harap ng owner nito. “Bakit parang hindi mo in-expect na nandito ako?” tanong nito sa kanya. “Huh? No expected ko nga 'to,” sagot niya. “Ewan sa 'yo. Tara na para makauwi na ako,” iritang sabi nito sa kanya. “Tinanggap ba ng head niyo yung possibility na nagpapa-plastic surgery yung killer?” tanong niya dito pero hindi ito sumagot. Tuloy tuloy lang ito sa pagpasok sa bahay nila kasunod siya. Una nitong tiningnan ang ilalim ng sofa nila dalawang living rooms nila pero wala doon ang bug. He checked the other parts including the rooms in their mansion. Naabutan sila ng parents niya at ni Primo na naghahanap sa buong kabayahan. Nadamay nila sa ginagawa ang mga katulong kaya wala 'man lang sumalubong sa mga ito. “What's meaning of this Keira?” tanong ng daddy niya sa kanya. “Still at it, ate? Wala nga makakapasok na bug dito sa dami ng bantay simula sa gate palang,” Primo said. “Sino nagbigay nito?” tanong nagpalingon sa kanya. Ruan was holding the huge teddy bear that she always carry wherever she goes. Iyon din ang kasama niya nitong mga nakaraan at kahit papaano naibsan noon ang lungkot at takot niya. Nakita niya sinira iyon ni Ruan na gumulat sa kanya. Mula sa mata ng teddy bear hinugot nito ang isang camera na may voice recording chip pa. “Ito iyong sinabi mong pakiramdam mo na palaging nakasunod sa 'yo dahil mukhang dala dala mo 'to kahit saan ka magpunta,” “Kanino galing iyon anak?” tanong ng mommy niya. “Fan po ni Savannah. She left that here para kahit wala siya ay parang kasama ko pa din,” “Call Sav to trace that fan of hers.” utos ng daddy niya sa kapatid. Inabot sa kanya ni Ruan ang sirang teddy bear pero hindi camera na may voice recording chip. “Ipapa-analyze ko ito para malaman kung anong company nakuha at sino bumili.” ani Ruan sa kanya. Tumango tango lang siya dito bilang sagot dito at binigay na yung sira sirang teddy bear sa katulong nila. Inaya ng mommy niya na magdinner doon si Ruan na hindi naman natanggihan ng binata. Sabay sabay sila kumain at ang daddy niya panay kausap kay Ruan tungkol sa kasong hawak nito. She felt Primo's stares and he even slight kick under the table to get her attention. Inignora niya ito at mamaya na haharapin pagkatapos ng dinner nila. Buti na lang I put my trust in a right person this time... aniya sa isipan habang pinagmamasdan si Ruan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD