MATAMANG pinapanood ni Ruan ang kuha sa cctv ng katabing establishment ng pinangyarihan ng insidente. Nilagay nila iyon sa date nang nagdaang araw hanggang kaninang ala-sais y medya ng umaga. Nababagot na siya pero wala pa din silang nakikitang kahina-hinala na nahagip ng cctv na iyon. Hindi kaya mali ang theory niya? Baka sa ibang way dumaan yung killer at hindi doon?
Nag-isip siyang muli ngunit natigil ng may makita siyang lumabas na lalaki sa kabilang establishment sa pagitan ng oras na sinabi ng forensic team na estimated time of death ng biktima.
“Stop. Balik mo sa pagitan ng 02:05am - 02:15am.” utos niya sa partner niyang si Dion.
Mas lumapit siya para makita niya nang malinaw ang mukhang ng lalaking lumabas sa establishment na may bitbit na itim na bag. Inutusan niya si Dion na i-pause ulit ang video kung saan kita ang mukha nito. He's thankful that thd cctv cameras were clear and didn't jump off.
“That guy, do you recognize him?”
Anak ng tokwa nahihirapan na ako mag-english. Narinig ko naman siya mag-tagalog pero slang kaya baka foreigner siya talaga... aniya sa isipan.
He was pertaining to the owner of the establishment who owns the clear cctv footages. Kahit naka-sumbrero ito angat pa din ang ganda nito pero wala siya doon para mag-appreciate ng maganda o pangit. He's there to work and solved a crime. Lumapit ang babae para makita ang mukha nung lalaki dahilan para maamoy niya ang pabango at shampoo scent na gamit nito. Hindi niya maiwasang mapalunok nang madikit ang braso nito sa braso niya.
“I didn't know him. Maybe my staff knows him. I don't mingle outside my cafe-c*m-gallery.” anito na may accent pa nang kagaya kay Anne Curtis. Nahahawig nga din ito sa artistang nabanggit niya.
“Okay.” Tanging nabitiwan niya dahil naubos na ang baon niyang ingles. Wala pa siyang almusal tapos chop chop na katawan agad ang hahawakan niyang kaso. Lagot na naman ang lunch at dinner niya nito. Magtitinapay na lang siguro siya para hindi mawalan ng gana. “Dion kumopya ka ng footages tapos dalhin mo sa IT ng Homicide and Murder Division para mahanap na iyang lalaki na 'yan.” utos niya sa bagitong partner.
“Yes boss!” tugon nito at sumaludo pa.
Naiiling siyang bumaling muli sa babaeng may-ari. Hindi niya alam paano tatanungin dito kung pwede ba makausap yung mga staff nito sa ingles. Kung alam lang niya na mapapasabak siya ngayon sa inglesan nakapagbaon sana siya. Magsasalita na dapat siya nang may pumasok na isa pang babae doon na naka-staff uniform. Bumati ito sa kanya saka bumaling sa babaeng may-ari.
“Ms. Kei, nasa baba po si Sir Sebastian at Sir Wren,” anang staff sa babae.
“Okay. Accommodate them please, may tatanong yata sila sa inyong lahat na staff dito.”
Nadinig niyang sabi ng babae. Direcho naman magtagalog pero slang pa din. Mahirap kausapin buti na lang umalis na iyon at naiwan ang staff nitong tumawag dito. Kanina nakita niya iyon nakatingin sa kanya ng mga ilang minuto. Para bang gulat ito na nakita siya. Napaisip tuloy siya kung may dumi ba siya sa mukha.
Habang natingin din siya sa footages alam niyang nakatitig ito pero hindi siya nagpapahalata na napapansin na niya. Baka kasi itanggi na naman nito kagaya kanina. Maging siya din naman ay napapatingin din dito nang matagal dahil sa kakaibang ganda na mayroon ito. Iyong ganda na hindi nakakasawa sa mata. Lihim niyang kiniling ang ulo niya dahil sa naiisip.
Focus Ruan! Focus!
~•~•~
PAGBABA nila sa galing sa control room ng Sanctuary - matapos ang ilang oras nalaman din niya ang pangalan noon - ay bumaba na sila at naabutan pa nila si Atty. Dominguez na kasama yung magandang may-ari. Binati sila nito at gano'n din naman sila dito. Ayon na naman yung sa pagtingin nung babae sa kanya. Hindi pa ba ito nauumay? Sabagay, gusto niya din naman tingnan ito kaso baka mahuli siya at wala naman kaumay-umay sa kanya.
“May kamukha talaga siya chief,” ani Dion sa kanya.
“Sino?” tanong niya at tinuro naman nito ang babaeng may-ari ng Sanctuary. Nasa labas na sila pero ang isip ng kasama niya naroon pa din sa loob. “Sumasahod ka ba para alamin kung sino kamukha niya?”
“Hindi boss. Sabi ko nga po dadalhin ko na to HMD ngayon na.”
Muli itong sumaludo sa kanya saka umalis na. Naiiling niyang sinipat ang kabuuan ng Sanctuary at maging ang kabilang establishment. Magkasing taas lang ang mga iyon at iisang building lang ang pagitan. Tumayo siya kung saan nahagip ng cctv yung lalaki. Napatingin siya sa cctv camera na pare-parehong gumagana.
Kung siya ang killer, bakit siya dadaan sa maliwanag na lugar tapos may cctv pa? Ano ang nais iparating nung lalaking nakitaan nilang may dalang itim na bag? Kumirot ang sentido niya bigla sa sobrang dami ng impormasyong naipasok niya doon. Kumakalam pa ang sikmura niya pero hindi niya alam ang kakainin ngayon. Minabuti niyang umalis na at tumungo sa malapit na convenience store doon.
Malalim siyang napabuntong hininga matapos timplahan ang cup noodles na binili niya. Iyon lang kaya niya kainin ngayon dahil nasa isipan pa din chop chop na katawan at mananatili na yata doon hangga't 'di niya naisasara ang kasong iyon. Being a police detective was his dream. Gusto niyang tumulad sa tatay na isang Police Detective din ngunit maagang yumao. Naiwan sa pangangalaga niya ang ina niya na hanggang ngayon pinipigilan pa din siya sa pagiging police detective.
Kakain na siya dapat ngunit nabitin nang mag-ring ang kanyang cellphone. Lumang modelo na iyon at wala naman siya balak palitan para makiuso sa iba. Hangga't nagana walang saysay kung papalitan, iyan ang motto niya. Mabilis niyang sinagot iyon nang makita mama niya ang natawag. Binaba niya muna ang kutsara't tinidor na hawak.
“Hello 'ma, bakit ho kayo napatawag?” tanong niya sa ina.
[Ikaw na bata ka bigla ka naman umalis na hindi nag-aalmusal. Magpapakamatay ka ba sa gutom?] Litanya sa kanya ng mama niya na dahilan ng pagkamot niya sa batok. Ang aga niya kasing tinawagan ni Dion para sabihin ang tungkol sa insedente kanina. Nang nahimasmasan siya pagkagising ay naligo siya agad at umalis na nang walang paalam sa ina. Kaya gano'n na lamang ito kagalit ngayon.
“Nakain na po ako ngayon 'ma,” tugon niya dito.
[Ano noodles? Tinapay? Kaya ka hindi nataba na bata ka. Susko ka!] Nilayo niya sa tainga ang aparato saka hinalo ang noodles niyang nagiging soggy na.
“May abs at muscles pa din ako 'ma. H'wag ka po mag-alala.” Muli siyang sinigawan ng mama at sinabi pulos kalokohan ang lumalabas sa bibig niya. Binilinan siya nito na maagang umuwi para sabay silang makapag-dinner. Hindi daw siya patatayuan ng HMD ng rebulto kapag namatay siya. Natawa siya doon dahil pati rebulto ng tatay niya naungkat.
Nagpatuloy siya sa pagkain matapos nila mag-usap na mag-ina. Pagkatapos niya doon, bumalik na siya sa trabaho at nagtanong tanong sa mga kalapit na establishment ng crime scene. Wala pang identity ang biktima dahil kailangan pa mag-run DNA test at hanapin ang ibang bahagi nito. Nagbakasakali siya ngayon na may nakapansin doon sa lalaki ng nakita nila sa cctv. Wala siya gaanong nakuhang impormasyon sa nagta-trabaho sa Sanctuary dahil maaga pala nagsasara iyon. Ang tanging pag-asa na lang niya ay yung mga kalapit pa na bukas bente kwarto oras.
Nahiling niya na sana may lead na sila bago matapos ang araw na iyon para sulit ang gutom at sakit ng ulo niya. Naglalakad siya papasok sa unang restaurant na papasukin niya nang makatanggap na text galing kay Dion. Alam na daw nito kung saan nakita yung may-ari ng Sanctuary. Ito daw yung third party sa hiwalayang Steve Asistio at Vanessa del Carmen - ang phenomenal couple sa bansa.
Artista pala... aniya sa isipan.
Nagreply siya kay Dion at sinabi niyang magtrabaho na 'to kung hindi pareho silang 'di makakauwi kapag walang lead ngayong araw. Mukhang natakot naman ang bagitong detective at hindi na muling nangulit sa kanya. Pumasok na siya sa restaurant at kinausap ang manager saka ilang staff. Nalaman niyang kung sino sino ang napasok sa establishment kung nasaan ang crime scene. Paiba iba din daw ang security guard at wala talagang sariling cctv iyon.
Ang mga bagay na iyon ang lalong nagpapahirap sa kanya na resolbahin ang kasong iyon. Sinulat niya sa hawak na notebook lahat ng nakuha niya sa kainan na iyon saka nagpaalam na. Sinunod niya ang law office sa tapat ng establishment na may sarili ding cctv. Kinausap niya head ng law office na 'yon at humingi ng permiso na makita ang mga recoded footages kahapon hanggang kaninang umaga. Buong kalahating araw iyon lang ginawa niya at pasado alas kwarto na nang makabalik sa HMD.
Naabutan niya doon ang ka-team kausap si Dion. Tumigil ang mga ito sa pag-uusap nang makalapit siya. Nakita niya sa white board ang pinagtagpi tagping impormasyong nakalap ng mga ito. At least may progress kahit wala pang lead. Natakot siguro ang mga ito na hindi makauwi dahil sa banta niya.
Kilala siya sa bansag na ‘Lucy’ short for ‘Lucifer’ ng Homicide and Murder Division. Walang kapwa niya detective ang hindi nakarasan sa eagerness niyang maresolba agad ang kaso. Pinaka-matagal na ngayon ang team niya at napapagtyagaan siya ng mga ito. Naupo siya sa ibabaw ng lamesa niya at tiningnan ang mga detalyeng nakasulat doon. Ang mga bahaging nawawala sa biktima ay kanang kamay, kaliwang torso at ulo.
“Lucy, nagtanong ako mga violence crime division dito sa NCR at may mga kaparehong kaso ito sa kanila.” Tumayo si Demi at inikot ang white board. Doon naka-post lahat ng nakalap nitong parehong kaso. “May missing body parts din at cold case ang iba dyan.” Dagdag na paliwanag nito.
Napangalumbaba siya habang isa isang pinagmamasdan ang mga picture sa white board. Matuturing na ba iyong serial killing o hindi pa? Tulad ng division nila wala din lead ang mga napagtanungan ni Demi kaya cold case na maituturing yung iba sa mga iyon. Napadpad ang tingin niya sa labas ng police station kung saan nakita niya yung babaeng may-ari ng Sanctuary. Anong ginagawa nito doon?
“Kakausapin ko bukas ang taga-forensic team para mapagkumpara ang mga kaso. Nakahingi ka ba ng kopya?” tanong niya matapos ignorahin ang nakita niya sa labas.
“Syempre meron. Here kumpleto 'yan dahil alam kong magagalit ka kapag kulang kulang,” ani Demi sa kanya.
“Dion, may resulta na sa face recognition doon sa lalaking nakita sa cctv?” tanong naman niya sa bagitong detective na partner niya.
“Walang nag-match miski isa sa database boss.” sagot nito.
“Ano? Paanong walang match? Ano 'yan alien? Multo?” Hindi siya makapaniwala sa narinig. Maari bang may hindi na-record na mukha sa database? “Grabe naman sa high resolution nung cctv na 'yon pati multo nahahagip,”
“Sanctuary Cafe and Art Gallery ba? Pag-aari kasi iyon ng apo ni dating Senator Henry Dominguez at apo din nung pinaka-mayamang pamilya sa bansa? Sanchez ba 'yon? Basta kilalang kilala 'yan tapos abogado pa tatay.” Pagku-kwento ni Demi.
Bakit hindi niya 'to kilala? Ganon na ba siya kalulong sa trabaho?
“At siya yung sinasabi ko boss na na-issue kagabi. Maganda siya compare kay Vanessa na common ang mukha.” sambit ni Dion. Umani naman ng kutos ito kay Demi at Wesley na mga fans ng phenomenal couple na napabalitang naghiwalay na. “Hindi ka ba nagandahan sa kanya boss?”
“Iba tipo niyang si Lucy, Dion. Morena at hindi parang may anemia na babae.” ani Demi.
Nagandahan siya dito pero hindi niya sasabihin iyon. Sa kanya na lang iyon at wala nang dapat na maka-alam pa. Sinabihan niya ang team na bumalik na sa trabaho tigilan na ang tsismisan para may matapos sila. Isa isa niyang binasa ang binigay ni Demi na similar case mas nakadagdag lang sa pagsakit ng ulo niya. Sa sobrang lulong niya sa pagbabasa, isa isa na palang nalagas ang team niya na nagsi-uwian na.
Mga hindi nag-aaya...
Mabilis siyang nagligpit at nagdesisyon na umuwi na din. Dinala niya ang mga files na binabasa at nilisan na tuluyan ang opisina. Paglabas niya tahimik niyang tinalunton ang daan papuntang carpark ng police station ngunit naantala nang may maramdaman siyang sumusunod sa kanya. Ang totoo kanina pa niya nararamdaman iyon pero iniignora lang niya at masyado din siya abala. Dahan dahan siyang huminto sa paglakad saka kinipkip ang mga folder sa kanyang kili kili at kinuha mula sa hidden pocket ng suot niyang pantalon ang baril.
Tinutok niya iyon sa sumusunod sa kanya nang lumingon siya at nabungaran may-ari ng Sanctuary. Awtomatikong tumaas ang mga kamay nito sa hanggang dibdib saka mariing napapikit.
“C-can you put your gun down? I'm harmless!”