DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Copyright © 2020 by Mary Ruth Oba
All rights reserved. No part of this novel may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including typing, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.
~•~•~
KEIRA tossed away the tablet she's holding upon reading an article about her. Nakuyom niya ang kamao dahil sa sobrang pagka-inis. Isa na namang issue na nadamay siya kahit iisang beses palang niya nakasama ang mga nabaggit na taong involve. Isang phenomenal couple naghiwalay dahil sa kanya ayon sa nabasa niya at kumakalat ngayon. Press people and fans were accusing and shaming her online.
Malandi, isa lang sa mga salitang tumatak sa isipan niya habang binabasa kanina ang comments sa article. Fans calling her names such as slut and mitsress. How dare she ruined a nine years relationship, tanong pa sa isang comment na natandaan niya. Paano niya sisirain gayong isang beses lang niya nakasama ang dalawa? Steve wasn't her type too. Hindi ang mga katulad nito ang hahabulin niya at alam ng malalapit sa kanya ang tipo niyang lalaki. Iyon ay kung maniniwala ang mga ito sa kanya dahil isipin nila mabilis magbago ang preference niya pagdating sa lalaki.
“Ms. Kei, sa bahay po kayo pina-didirecho ni Sir Joaq.” Her driver s***h bodyguard notified.
Tumango lang siya bilang sagot dito saka hinilot ang kanang sentido niya. Keira's dad was kind but when his patience comes to an end he could be merciless at the same time. Ngayon palang habang nasa biyahe siya pauwi kailangan na niya mag-isip ng magandang paliwanag na sasabihin sa daddy niya. Ito ang pinaka-iniiwasan niyang magalit sa kanya. Kapag kasi nagbaba ito ng utos, hindi pwedeng hindi ka susunod.
A beep sound coming from her cellphone halted her thoughts.
From: Primo ❤
Dad is so mad. Ihanda mo ang sarili mong mabugahan ng apoy. Mom can't calmed him down. You know, she tried but didn't suceed.
She rolled her eyes upon reading that text message from her brother - Primo.
To: Primo ❤
Thank you for notification lil bro!
Wala pang ilang minuto pagkatapos niya ma-send iyon ay nagreply na agad ang kapatid niya.
From: Primo ❤
I got your favorite ice cream here. Hindi ko mapipigil si Dad mamaya but remember that I'm on your side, ate.
To: Primo ❤
Ilang days ba sa Italy ang gusto mo? One month?
From: Primo ❤
One week haha! Bilisan mo na habang tumatagal ka lalo lang umiinit ulo ni Dad.
Sinabi niya sa driver s***h bodyguard niya na bilisan na ang pagmamaneho dahil pareho lang silang malilintikan sa daddy niya. Ililibre na lang niya ito ng lunch at dinner bukas pambalubag lang ng loob. Mapapagalitan din ito dahil iisipin ng daddy niya hindi siya nito nabantayang maigi kaya nakalusot ang issue na 'yon. Lahat na yata ng santo dinadasalan nila tuwing 6pm natawag niya ng mga oras na iyon. Sana hindi mabigat ang parusa ng daddy niya ngayon.
Another text message flashed on her cellphone screen. Hindi na galing iyon kay Primo. It was from Sebastian and Savannah - her favorite cousins.
From: Sebastian
You okay? Just saw it on TV, ate. What do you want me to do with him?
From: Savannah
Humanda sa akin 'yan Steve na iyan kapag nagkita kami sa isang event. I'll drop by your house after shoot. Love you!
Hindi 'man siya sinuwerte sa kaibigan, biniyayaan naman siya ng mga katulad ni Sebastian at Savannah. Sabay talaga sila nag-text sa kanya kahit iilang minuto palang napapag-usapan ang issue.
To: Sebastian ❤❤
Break his bones...
A smile etched on her face after sending it to Sebastian. Lalong lumawak ang ngiti niya nang makapag-reply ito agad.
From: Sebastian ❤❤
You know that I'm a lawyer right? I might loose my license but its okay though. Maiganti 'man lang kita.
She giggles that made her driver s***h bodyguard glanced at rearview mirror. Nag-peace sign lang siya dito bigla.
To: Sebastian ❤❤
Silly! Long drive na lang ulit kapag hindi na busy at hindi ko pa alam ang parusa ni dad.
Sunod niyang ni-reply-an si Savannah.
To: Savannah
Haha! Will wait for you and love you too!
In-off niya muna ang cellphone at pinikit ang mga mata niya. Sana pag gising niya, tapos na lahat ang issue. She wanted to run away and hide but her parents won't let it happened. Alam niya ang mga ito ang aayos sa issue kahit pa pagalitan siya ng mga ito ngayon. Being a daughter of Atty. Joaquin Jacob Dominguez and Paola Rachelle Sanchez-Dominguez was quite hard.
Kailangan palagi lumayo sa isyu dahil hindi lang isang pamilya ang maapektuhan. Dalawang makapangyarihan at kilalang apelyido lang naman ang dala dala niya - Sanchez-Dominguez. Iniisip palang ang gusot na dala ng isyu na kinasangkutan niya lalong sumasakit ang ulo niya. Sa sobrang lalim ng iniisip niya, halos hindi na niya namalayang nakarating na pala sila sa family house nila. Ipinagbukas siya ng pintuan ni mang Dondie at huminga muna siya nang malalim bago tuluyang bumaba sa sasakyan.
“Pray for my soul, mang Dondie...” aniya sa driver.
“Hindi ka po masyado pagagalitan ni Sir Joaq, prinsesa ka po 'non.” Tila siguradong sigurado ito sa mga sinabi nito. Tatay niya yata ang pinaka-mahirap na kaaway sa mundo. “Kaya niyo 'yan, Ms. Kei!”
Kumaway siya dito bago tuluyang pumasok sa bahay nila. Mabilis siya sinalubong katulong nila at kinuha ang mga gamit na bitbit niya. Tinanong niya ang mga ito kung nasaan ang kapatid at mga magulang niya. Tinuro ng mga ito ang living room nila sa second floor. She literally signed of a cross that very moment.
Hindi siya pala-simba ngunit ngayon iyon na yata ang pangalawang beses na nagdasal siya. She really need a divine guidance right now. Dahan dahan siya umakyat at sadyang binagalan niya para mas madami siyang oras magdasal. Dinig niya ang TV nila na yung isyung kinasasangkutan niya ang binabalita.
“Jeanne Keira bilisan mong umakyat dito...” Nadinig niyang sabi ng daddy niya.
Oh God, galit nga po siya. Buong pangalan ko ang tinawag niya, aniya sa isipan.
Kei, 'yan lang ang tawag nito sa kanya at malambing na boses pa ang gamit. Ngayon iba, may halong galit yung paraan ng pagkakatawag nito sa pangalan niya. Una niyang nakita ang mommy niya na tinanong agad kung okay ba siya. Hindi nakasagot agad dahil biglang tumayo sa ang daddy mula sa pagkaka-upo nito sa single seater sofa nila. Nakita niyang pinatay ni Primo ang TV saka naupo sa inalisan ng daddy nila.
“Dad... that issue were not true.” aniya sa ama. “Once ko lang nakasama yung dalawa na 'yon. Sa birthday party ni Ciara, dun lang po kami nagkakilala. You know na nasa Sanctuary lang ako whole day.”
“Whole day pero sa gabi, nasaan ka? Mang Dondie told us na twice ka niya hinatid sa bar sa BGC at tatlong beses naman sa bar in Makati.” Napalabi siya bigla nang madinig iyon. Akala niya hindi siya isusumbong ni Mang Dondie. She even bribed him those night! Lagot na talaga siya ngayon. “You're grounded for a month, Jeanne Keira. Bahay at Sanctuary lang ang pupuntahan mo wala ng iba. Mang Dondie will not be your driver-bodyguard anymore. Kukuha ako nang bago preferably yung hindi mo basta basta mauuto.”
“Dad I'm already old enough to be grounded,” paalala niya.
“So? Hindi ako tumigil maging tatay mo kahit nasa legal age ka na.” Napatingin siya sa mama niya para humingi ng tulong. “Don't try to communicate with your mom. We've talked already about this. Si Primo ang maghahatid sundo sa 'yo habang wala pang nakukuhang bodyguard. Don't try to bribe Primo, understand?”
“Do you believe that I can ruined a relationship, dad?”
“No.” Mabilis na sagot nito.
“Naniniwala ka po ba sa 'kin?”
“Yes but I have to do this for your own sake. Not for our surnames.” Tumango tango siya sa mga sinabi nito. Nilapitan siya nito saka hinalikan sa noo. “This issue will die tonight. Don't worry, okay?”
“Thanks dad...” mahina niyang sabi.
“Your phone is being tracked by the way.”
Biglang bumagsak ang mga balikat niya. She heard chuckles coming from Primo. Hindi siya makapaniwalang napatingin sa daddy at tumaas lang isang kilay nito kaya hindi na siya naka-angal pa. He's still handsome despite of his age. Hawig na hawig ito ni Primo pero nakuha niya ang mga mata nito.
She have her mom's irresistible beauty. Kaya nga madami ang mga lalaking nagpapansin sa kanya. Ngunit lahat naman iyon ginamit lang siya sa pansariling kasakiman ng mga ito. Nilapitan siya ng mama niya saka niyakap ng mahigpit. Nagpaalam siya sa mga ito na papasok na sa kwarto niya.
Pagpasok niya, agad siyang nahiga sa kama at tumitig sa kisame. Madaming glow in the dark stars and moon doon na nakadikit. Gusto niyang makita ang mga iyon kaso tinatamad na siya tumayo para patayin ang ilaw. But someone heard her agony and did turn off the lights. Binukas din ng may kusang loob ang mga fairy lights sa walls niya kaya kahit paano may ilaw pa doon.
“Kumain ka na muna. Pinadala ni mommy 'yan kasi baka hindi ka pa daw kumain,” anito saka naglapag ng tray sa tabi niya. “Pero busog ka naman na sa sermon ni daddy. Hindi pa nga sermon yon kasi nagbaba lang siya ng batas na susundin mo,”
“Ate Kei!” Masayang tinig na nadinig niya mula sa labas. Nang bumukas muli ang pintuan ng kwarto niya, doon na siya bumangon uli at sinalubong ang yakap ni Sav. “I'll break that Steve's bones kapag nagkita kami. Bwisit 'yon palibhasa palaos na kaya nagpapasikat. Kunwari hiwalay tapos bukas sila na ulit!”
Tumawa si Primo at pati siya natawa din dahil sa sinabi ni Sav. Well, totoo naman ang sinabi nito. Steve and Vanessa's relationship we're on-off at laging may kailangan madawit para biglang sikat na naman ang dalawa. Panghatak din dahil may pelikulang ipalalabas ang dalawa sa susunod na linggo. Paano kaya 'yon kung totoong hiwalay na ang dalawa?
Not your business anymore, Kei. Ang isipin mo ngayon paano ka makaka-survive sa bahay-trabaho routine. Paalala niya sa sarili.
“Panget naman nung mag-jowa na 'yon! Kala mo laging may foundation day,” dagdag ni Primo.
“Tama si Primo, ate. Mas maganda ka at akala ba ni Steve uubra siya kina uncle at daddy, huh no way! Dapat nagdadasal na siya kasi nadinig ko ginagawa na ni mommy lahat para mamatay ang issue.” wika ni Sav.
“Alam niyo kayong dalawa, ang lalait niyo. Enough with that okay? Baka madinig kayo ni mommy at magalit pa 'yon,” sita niya sa dalawa.
Nagkwentuhan silang tatlo at patuloy na nilait nina Primo at Sav ang phenomenal couple na nagdawit sa kanya sa issue ng hiwalayan ng mga 'to. Umalis lang si Primo nung makatulog na si Sav at tinabihan niya ang pinsan sa pagtulog. Deprived lagi sa tulog kaya hinayaan na lang niya habang siya nanatiling nakatitig sa kisame hanggang sa dapuan na din ng antok.
~•~•~
NANGUNOT noo ni Keira nang pagbaba niya sa sasakyan ni Primo ay bumungad sa kanya ang madaming tao sa kabilang establishment katabi ng Sanctuary. May mga police car din sa paligid at ilang ambulance. Napatingin siya sa kapatid niya at nagkibit balikat lang ito. When they both saw a group of reporters coming, Primo put a cap on her head. Marahan siya hinila nito papasok sa loob ng Sanctuary.
“Good morning Ms. Kei, Sir Primo!” Bati sa kanya ni Almira - isa sa mga crew niya doon.
“Good morning! Ano meron sa labas?” bati niya sabay tanong kay Almira.
“May pinatay daw po sa kabila. Chop chop, Ms. Kei.” Kinilabutan siya nang madinig ang sinabi ni Almira.
“Aalis na ako, ate. H'wag ka lalabas ng walang cap madaming reporter sa labas.” Bilin sa kanya ni Primo. Tinanguan niya lang ito saka kumaway na dito. Almira served her favorite drink and cake for breakfast.
“Ang sungit talaga ng kapatid mo Ms. Kei. Wala 'man lang good morning sa 'kin.” Malungkot na sabi ni Almira. Matagal ng crush nito si Primo kaso masungit ang kapatid niya sa 'di ka-close. “Gwapo lang talaga siya, Ms. Kei. Kaya may karapatang mag-sungit.”
“Pagkain lang katapat 'non. Try mo kausapin tungkol sa law at travel tiyak magkakasundo kayo,” aniya dito.
“Eh Ms. Kei, 'di nga ako nag-law kasi hindi kaya nito.” Turo ni Almira sa utak na kinatawa niya. “Wala din naman ako hilig sa travel pero kaya ko siya ipagluto since culinary kurso ko.”
Magsasalita siya dapat nang biglang may pumasok na agad namang binati ni Almira. Nilingon niya ang mga iyon ng tanungin kung sino ang may-ari.
“Ako ang owner nito. What can I do for the both you?” aniya sa dalawang lalaki.
Yung isa mukhang kaedaran lang ni Primo at Almira. Yung katabi nitong lalaki na naka-checkered polo na pinatong sa puting t-shirt ang higit na nakakuha sa atensyon niya. Tinernuhan nito ng medyo kupas na pantalon at black sneaker shoes ang suot at sa tantiya niya ka-edad niya lang din ito. Gwapo ito, matangos ilong, may kapulahan ang manipis na labi, makapal ang kilay at nakasuklay pataas ang buhok na may kaunting naiwan sa bandang noo. Ngayon lang siya nag-examine ng lalaki sa buong buhay niya.
Anong meron dito na wala sa iba? Hindi na niya nagawang sagutin iyon nang magsalita bigla ang lalaki.
“Are you done staring Miss?” anang baritonong tinig ng lakaking ine-examine niya.
Napa-awang ang mga labi sandali bago muling inayos ang sarili. “I'm not staring. So, ano mapaglilingkod ko sa inyo?”
Gwapo nga masungit naman!
“May kailangan lang kaming i-check sa cctv nitong establishment niyo.” anang masungit na lalaki sa kanya. Napatingin siya sa kasama nito na titig na titig pala sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay bago inayos ang suot na baseball cap. She pursed her lips and fix her hair before talking to them again.
“Okay follow me.”