EVA "Talaga ba, anak?" Halata sa boses ni Mama na masaya siya kahit hindi ko siya nakikita. Tumatawag ako sa kanila gamit ang isang application at hindi number ko mismo. Napapikit pa ako bago sumagot, "Opo, Inay. Pimapauwi ako ng agency at dito ko na lang daw sa Manila tapusin ang isa pang taon." Kailangan kong magsinungaling. Kilalang pulitiko si Joaquin. Alam kong kahit ayaw ko ay makakasama ko rin siya at makikita talaga kami ng mga tao na magkasama. Kaya hindi malabong baka isang araw ay makita ako nina Inay sa tv. Mabuti na itong maunahan ko sila. "Hindi ka ba p'wedeng umuwi muna, kahit ilang araw lang? Miss na miss ka na namin." Pinigilan ko ang maluha. Natatakot talaga akong malaman nila ang totoo. Baka itakwil nila ako. Ayaw ko ring madamay sila sa gulong pinasok ko. Tum