EVA Kanina pa ako hindi mapakali. Paanong hindi? Sobra sampu yatang kotse ang nakasunod sa amin. Bakit ganito naman kadaming convoy? "Kailangan mong masanay, Eva." Nilingon ko si Joaquin nang magsalita siya. Napansin niya siguro na kanina pa ako lingon nang lingon sa likod namin. Dito ako sa kotse ni Joaquin sumakay, parte na rin ito ng pagpapanggap. Si Eurice ay sa kotse ni Hujin sumakay. Samatalang si Rebecca ay sa isang kotse sumakay, may gwapo raw siyang nakita. "Saan? Na kasama kita o na maaring maging usap-usapan na rin ako ng iba?" kaswal kong tanong. "Sa marangyang buhay." Pumalatak ako, "Nagpapatawa ka ba?" "Dadating ang panahon na ikakasal ka kay Hujin." Napaubo ako sa narinig, "Hoy, Wakin! Umayos ka nga!" "My brother is madly in love with you." Natahimik ako.