Chapter 36 - Sino ako?

1073 Words

EVA Nagpahila na lang ako kay Hujin papalayo sa lalakeng iyon. Nilingon ko ang lalake at nakitang nakatingin lang siya sa akin. Parang... Sinasabi ng mga tingin niya na hindi siya nagsisinungaling na kilala niya ako. Era? Eralyn... Sinong Era? Gaano kami kamagkamukha, para mapagkamalan akong siya? Kaagad akong sumakay sa kotse ni Hujin nang pagbuksan niya ako ng pintuan. Siya pa mismo ang nagsuot ng seat belt sa akin, kaya kitang-kita ko ang noo niyang nakakunot at salubong ang mga kilay. Naalala ko tuloy ang araw na una ko siyang nakita. Kamag-anak ni rough road pa ang tawag ko sa kanya. Kaagad siyang umikot papunta sa driver's seat nang maisara niya na ang pinto sa gilid ko. Akala ko hindi na siya magsasalita pero... "Siya ba 'yong lalakeng sinabi mong tumawag sa 'yo? Kaya ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD