Kinabukasan nadatnan ni Lora ang kanyang Ina na nakahiga pa sa kanyang higaan. “Nay, magandang umaga po masama ba ang pakiramdam mo?” Kinapa ni Lora ang noo ng nanay niya ngunit hindi naman mainit.
“Wala ito siguro napagod lang ako dahil madaling araw na kami natapos kagabi.” Sabi pa ni Aling Berta. Hinalikan ni Lora ang Ina. “Nay, matulog muna kayo maaga pa ako na po ang maghahanda ng almusal.” Tango lang ang isinagot ni Aling Berta iniwan na ni Lora ang Ina at tinungo ang kusina. Masyado pa maaga kaya hindi muna nagbukas nang pinto ang dalaga. Magsasangag lang naman siya ng kanin nagkape muna si Lora bago magsimula sa pagluluto. Napatayo si Lora at sumilip sa bintana nagulat siya dahil bumaba si Rafael sa kotse nito tinungo ang pintuan nila. Ilang saglit lang narinig niya ang katok mula sa labas.
Nagdadalawang isip si Lora kung pagbuksan ba niya si Rafael o hindi. “Lora, please open the door!”
Napahinga si Lora ng malalim wala siyang magawa kundi pagbuksan si Rafael. “Good morning Lora!” Magalang nitong bati napairap sa hangin si Lorabelle. “Rafael alam mo ba kung anong oras ngayon?”Hindi sinagot ng dalaga ang pagbati ni Rafael. “I know i come early para humingi ng tawad sa’yo alam ko kasi kapag nasa school ta’yo hindi mo ito tatanggapin I’m sorry Lora hindi ko sinasadyang saktan ka at hindi ko kaya na iiwasan mo ako. Kahit ayaw mo sa akin huwag mo naman putulin ang pagkakaibigan natin.” Sabay bigay ni Rafael sa bulaklak na dala nito. Napahawak si Lora sa kanyang noo. “Nakakahiya man pero pinatuloy niya si Rafael sa maliit nilang sala. “Umupo ka muna diyan!” Tumalikod na si Lora titimplahan niya ng kape si Rafael kahit naman may galit si Lora sa lalaki hindi naman siya ganun kasama. Ito ang unang pagkakataon na pumasok si Rafael sa bahay nila nahiya ang dalaga dahil kilalang tao si Rafael tapos bigla itong napadpad dito sa bahay nila.
Iwan ba ni Lora pero kahit kunti wala siyang nararamdaman kay Rafael. Kahit may nangyari na sa kanila ni Rafael parang binaliwala ‘yon sa dalaga. Siguro kung sa ibang babae ito mangyari masaya pa sila pero siya iwan ba niya hindi maintindihan ng dalaga ang kanyang sarili. Wala rin siyang pakialam kung may namamagitan sa kanila ni Rafael at Karen. Inisip kasi ni Lora na mas mabuting may relasyon sila ni Karen para hindi matuon ang antensyon ni Rafael sa kanya.
Bumalik ulit si Lora sa sala nakita niya prenting naka-upo si Rafael. “Magkape ka muna pasen’sya ka na ito lang ang kaya kung ibigay sa’yo. Wala kaming pandisal o kahit ano para e pares mo sa kape. Bakit pa kasi pumunta ka dito sa bahay hindi ka nababagay dito.” Naiinis na wika ni Lora kay Rafael. “Diba dapat masaya ka? Ako na ang pumunta dahil ganun ka kahalaga sa akin.” Nakangiti si Rafael binaliwala ang mga sinasabi ni Lorabelle. “Para sa’yo ‘to sabay lapag ni Rafael sa isang malaking paper bag na nakasarado. “Rafael, please hindi ko masusuklian ang mga binibigay mo ilang beses ko na sinabi sa’yo ‘yon.” Sabay buntong hininga si Lora. “Ito na ang huli Lora huwag mo nang tanggihan pangako hindi na ito mauulit. Saka sa lahat ng binigay ko wala ka naman tinatanggap kaya huwag ka magsalita ng ganun dahil binabalik mo kapag may ibibigay ako”
Napahinga si Lora wala na itong nagawa ng iniwan ni Rafael ang malaking paper bag sa mesa. “Salamat sa coffe, ang sarap see you bye.” Nang mapatingin si Lora sa orasan nagulat ito dahil alas sais na pala. Mabilis ang bawat kilos niya mabuti na lang hinanda niya kanina ang mga ingredients.
Hinanda muna ni Lora ang mesa bago siya umakyat para maligo. Nilapag ni Lora sa kanyang kama ang mga binigay ni Rafael pati na ang bouquet na rosas ay pinatong niya sa kanyang kama. Mabilis lang naligo si Lora agad itong nagbihis at bumaba para makapag almusal.
Nagsimula ng kumain si Lora nakamasid lang ang nanay niya sa galaw nang kanyang anak. “May relasyon ba kayo ni Rafael?” Mahinahon ngunit may diin ang bawat salita ng kanyang Inay. “Nay, w-wala po si Rafael po ang may gusto sa akin alam n’yo po ‘yon.” Napahawak si Aling Berta sa kanyang ulo. “Kung wala kang gusto sa kanya bakit mo tinatanggap ang mga binibigay niya? Anak hindi ka na bata para hindi maitindihan ang mga bagay-bagay tandaan mo ang kalagayan natin at isipin mo kung sino si Rafael.” Ani ng nanay ni Lora. “Opo Nay, tinapos na ni Lora ang kanyang pagkain at nagpaalam na kay Aling Berta. Lutang si Lora habang naglalakad papunta sa paaralan iniisip niya ang sinabi nang kanyang nanay. Habang naglalakad si Lora nakita niya si Karen bumaba sa kotse ni Rafael rinig na rinig pa niya ang matamis na tawa ng dalawa. Hindi pinansin ni Lora ang dalawa nilampasan niya ito. Wala naman siya paki-alam kung anong gagawin nila napahinga si Lora nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Pagdating ng dalaga sa loob nang classroom umupo ito ilang minuto ang lumipas naramdaman niya si Rafael. “Nagustohan mo ba ang binigay ko!”
Sabay yuko ni Rafael upang silipin ang mukha ni Lora. “Hindi ko pa nakita mamaya pag-uwi bubuksan ko.” Matamlay nitong sagot! Tumigil lang sa pangungulit si Rafael dahil dumating na ang kanilang guro na si Miss Sonia. Nag discuss si Ma’am Sonia para sa darating na final exam nagbigay na rin nang long quiz. Matapos ang mahabang oras sa buong araw pina-uwi agad sila. “Lora, sumabay ka na sa akin diritso tayo sa mansion.” Tumigil sa paglalakad si Lora. “May lakad ako Rafael hindi pa ako uuwi.” Napakunot ang noo ni Rafael. “Sasama ako sa’yo!” Natawa naman si Lora sa sinabi ni Rafael. Magsasalita sana ito ng biglang dumating si Karen. “Rafael sasabay ako sa’yo diba may usapan ta’yo na pupunta tayo sa club ngayon.” Pinulupot ni Karen ang kamay nito sa baywang ni Rafael rinig ni Lora ang mahabang buntong hininga ng binata. Napailing na lang si Lora sa dalawa agad itong pumara ng tricycle at nagmamadaling sumakay.
“Hindi ako bobo Karen para hindi alam ang ginagawa mo.” Bulong ni Lora sa isip niya. Alam ni Lora na sinadya ni Karen ang lambingin si Rafael dahil gusto niya magseselos ang dalaga. Sa daming iniisip ni Lora hindi niya namalayan nasa Samara’s Club na pala siya. Agad itong bumaba at patakbong pumasok sa club. Dumaan siya sa likod habang naglalakad nasalubong niya si Miss Samara. “Magandang hapon po Miss Samara!” Bati niya dito! “Oh, ang aga mo ngayon wala ka bang pasok?” Ani Samara! “Half day lang po ako kaya may oras para makapag-hanapbuhay.” Aniya Lora!
Sabay na silang pumasok sa loob ng kuwarto. “Jessa pumili ka nang damit kay Lora siya muna ang kakanta ngayon. Iyong binili kong maskara ‘yan ang ipasuot mo sa kanya.” Napatitig si Jessa kay Lora. “Handa ka na ba? Kinakabahan man pero nanatiling nakangiti si Lora. “Opo, handa na ako.”
Matapos sabihin ni Lora ‘yon lumapit naman si Samara sa kanya. “Huwag na huwag kang papayag kung mag request ang mga customer na tanggalin ang masakara mo. Huwag ka mag-alala kasama mo si Jessa sa stage normal lang na kabahan ka dahil ito ang unang sabak mo. Sa sunday aniverssary nang club ikaw ang mag perform.” Napatango naman si Lora hindi pa nga siya naka-apak sa stage kinakabahan na siya. Alas singko na nag simula ng ayusin ni Jessa si Lora. “Bagay na bagay sa’yo ang dress dahil malaki ang melon mo.” Napatakip naman si Lora sa dibdib niya sinusundot kasi ni Jessa ang dibdib ng dalaga. “Totoo nga akala ko fake.” Natawa naman siya. “Lorabelle tapos ka na ba? Marami ng customer sa labas.” Ani Samara!
“Sabay na tayo dapat tayo kanina ang mauna.” Bulong ni Jessa. Umakyat na sila sa stage agad naman pumalakpak ang mga costomer ng magsimulang tumugtog ang banda. May sariling banda talaga ang Samara’s Club. Nagsimulang kumanta si Lorabelle hindi niya pinansin ang mga tao sa kanyang paligid. Sa bawat bigkas ng dalaga sa kanta iniisip niya ang kanyang mahal na Ina. Darating ang araw hindi na magtatrabaho sa ibang tao ang nanay niya. Balang araw giginhawa rin ang buhay nila walang iisipin na utang at iba pa.
Hindi tuloy namalayan ng dalaga na umiiyak na pala ito bigla siyang nataranta baka hindi nagustohan nang mga customer ang kanta niya.
Malakas na sigawan at palakpakan ang maririnig sa buong paligid. “Good job Lora hindi ko alam na maganda pala ang boses mo.” Bulong pa ni Jessa!
Naka-apat na kanta si Lora ngayong gabi lahat sila humanga sa galing niya. Mapa rock, instrumental, at Dj ay kayang pagsabayin ng dalaga kaya napahanga si Samara dito.
“Okay ka lang ba? Bakit parang malungkot ka?” Tanong ni Jessa nang makapasok sila sa silid.
“Hindi pa kasi alam ni nanay na ganito ang trabahong pinasukan ko.” Malungkot na sabi ni Lora dito.