Pasado alas dyes ng gabi naka-uwi si Lora pagdating niya sa bahay tulog na ang kanyang Ina.
Bago pumasok si Lora sa kanyang kuwarto humalik muna ito kay Aling Berta. “Sorry nay ngayon lang po ako natapos sa trabaho huwag po kayo mag-alala maayos lang ako. Gusto ko po kayong tulungan kaya ko ginagawa ito sana maintindihan mo ako.” Tumulo ang luha ni Lora alam ng dalaga nahihirapan na si Aling Berta ngunit wala itong naririnig na reklamo mula sa Ina. Ngayon kahit magalit man ang nanay hindi na siya mapigilan sa trabahong pinapasukan niya. “Good night nanay!”
Pagdating ni Lora sa kanyang kuwarto naroon pa rin ang mga binigay ni Rafael sa kanya. Agad binuksan ni Lora ang malaking paper bag napahinga nang malaim ang dalaga. Isang mamahalin na dior bag payong at album pa na kasama tila may laman na litarato. Binuksan ni Lora ang album lumaki ang kanyang mata dahil litrato niya ang kanyang nakita. Kung hindi nagkakamali ang dalaga grade four pa lang siya dito elementary pa. “Ibig bang sabihin simula namasukan si nanay sa pamilyang Smith gusto na siya ni Rafael?” Hindi niya maitindihan kung bakit ipinakita ni Rafael ito. Malinaw kay Lora na sinusundan siya ng binata kahit saan. Nang buklatin niya ang kabilang pages nakita niya ang litrato ng isang panyo. Napahinga si Lora ng malalim hindi niya alam kung magagalit ba siya kay Rafael o ano. “Bakit panyo? Anong kinalaman ng panyo? Bakit kailangan pa ilagay dito sa album? Tinabi ni Lora lahat ng laman nang paper bag tanging ang album lang ang kinuha niya. Ibabalik ng dalaga bukas kay Rafael ang lahat ng ito. Hindi matatanggap ni Lora ito isa pa gusto malaman ng dalaga kung ba’t may mga litrato siya sa binata.
Kinabukasan kahit walang pasok ang dalaga maaga pa rin siya bumangon maglalaba siya ngayon araw.
Paglabas ni Lora sa kanyang silid pumasok siya sa kuwarto nang nanay niya. “Good morning Nanay, kumusta po ang pakiramdam ninyo?” Umupo si Lorabelle sa gilid ng higaan ni Aling Berta. “Nay, Nanay!” Tawag ulit ni Lora sa kanyang Ina. “Nanay! Nanay!” Malakas na sigaw niya. “Nay, gising hindi ka puwidi mawala kailangan pa kita Inay! Tulong, mga kapitbahay tulungan n’yo po ako si Inay hindi na siya humihinga. Nay!” Hagulgol ni Lora, hindi niya matanggap ang sinapit ng kanyang mahal na Ina. Ang akala pa naman ni Lora masaya ang araw niya ngayon. Nanatiling umiiyak ang dalaga habang yakap ang malamig ng katawan ng kanyang Ina. Pagdating ni Karen nagulat ito sa nasaksihan. “Karen, wala na si Inay iniwan na niya ako. Bakit Karen? Bakit ang Nanay ko pa?” Napahagulgol na rin si Karen hindi niya alam kung anong isasagot sa kaibigan, niyakap ni Karen si Lora. Kahit naman may alitan sila hindi maatim ni Karen na tinggnan lang ang kaibigan. Hindi makapaniwala si Karen sa nangyari nanay na ang turing ni Karen dito kaya nasaktan siya sa biglang pagkawala nito. “Sorry, Lora!” Yakap ni Karen ang kaibigan awang awa siya sa sitwasyon ni Lora ngayon. Dinukot niya ang kanyang cellphone at may tinawagan. “Rafael, patay na po si Aling Berta!” Hagulgol ni Karen habang kausap si Rafael. “What? Okay I’m coming!” Sagot naman ng binata, napapatitig si Karen sa kanyang phone pinatay na pala ni Rafael ‘yon. “Karen, hindi ko alam kung anong gagawin ko kay Nanay, hindi ko alam kung saan ako lalapit para maayos ang burol niya. Karen anong gagawin ko?” Parang tinarakan naman ng kutsilyo ang puso ni Karen kahit siya hindi niya rin alam kung saan sila lalapit. Sabay silang napatingin sa pinto ng bumukas ‘yon.
“Hija, paano nangyari ito?” Si Senyora Amanda na pinagpawisan ng butil butil sa noo. Napaluhod si Senyora Amanda awang-awang siya sa sinapit ng kanilang mayordoma. Hindi na alam ni Lora kung sino ang mga taong pumasok sa bahay nila, nakatuon lang ang mata ng dalaga sa kanyang Ina na ngayon ay inasekaso nang mga tao. “Nanay! Nanay! Bakit mo ako iniwan.” Malakas na hiyaw ng dalaga ramdam ni Lora ang mahigpit na yakap ni Rafael. Nasa balikat naman niya si Marie naka alalay sa kanya, habang si Karen inasekaso ang mga tao. “Ma’am Amanda, saan po dadalhin si Nanay? Bakit po inilabas nila ang Nanay ko?” Napatayo si Lora saka lumapit kay Amanda.
“Hija, kami na ang bahala sa Nanay mo okay?” Napatango si Lora hindi ito ang panahon para mag enarte pa siya, umupo ulit ito ngayon lang niya napagtanto na marami palang tao sa labas ng bahay nila. May ambulance na naka-abang para maisakay ang bangkay ng kanyang Ina. Hindi matanggap ni Lora ang pagkamatay nang Nanay niya lumapit si Rebecca na Ina ni Marie at niyakap ng mahigpit ang dalaga.
“Nakikiramay kami sa pagkawala ng iyong Ina!” Hikbi ni Rebecca sa ilang taon nilang nagkasama sa trabaho wala itong nakikitang kasamaan kay Berta. Nakita ni Lora tumayo si Rafael lumayo ito para masagot ang kanyang phone. Hapon ng ma-uwi ang labi ni Aling Berta sa kanilang tahanan nasa loob na ito nang kabaong. Alam ni Lora ang pamilyang Smith ang nag-asekaso sa lahat. “Hija, kumain ka muna simula kanina hindi ka pa kumakain kami na muna ang bahala rito. Marie samahan mo muna si Lora, Rebecca magsabi ka kung may kulang para alam ko.” Ani ni senyora Amanda. Sumapit ang gabi maraming tao ang dumating para makiramay mahimbing na natulog si Lora sa kanyang kuwarto. Dalawang paris nang mata ang nakamasid sa dalaga simula ng dumating ito kanina dito na siya dumiritso sa silid ni Lora.
“Kuya, kumusta siya? Hindi pa ba siya nagising simula kanina?” Tanong ni Rafael sa kuya niya.
“Hayaan muna natin siya makatulog para may lakas siya bukas. Ako na ang bahala sa kanya tulongan mo sila doon sa labas pakisabi kay Mom nandito lang ako sa loob babantayan ko lang si Lora.” Aniya ng kuya ni Rafael.
Napatango si Rafael at mabilis itong lumabas lumapit ang lalaki sa tabi ni Lora hinaplos niya ang mukha ng dalaga bago niya dinampian ng halik sa noo. “I’m sorry, alam ko nasaktan ka na naman be strong don’t gave up.” Bulong nito! Naputol ang malambing na paghaplos ng binata dahil pumasok ulit si Rafael. “Kuya, ang sabi ni Mommy gisingin daw si Lora para makakain.” Napahinga ng malalim ang kuya ni Rafael.
“Hindi puwidi mamaya na kapag magising siya ako na ang maghahatid sa kanya sa baba.” Aniya! Wala ng magawa si Rafael kundi sumunod sa kuya niya. “Maraming mga waiters sa baba kaya dito muna ako tayong dalawa ang magbabantay sa kanya.” Sabi pa ni Rafael! “Mabuti na lang hindi ka pa nakalipad papuntang States, anong gagawin natin ngayon? Anong tulong ang puwidi natin ibigay sa kanya?” Napahinga si Rafael ng malalim. “Rafael, ako na ang bahala kilala mo si Lora hindi ito tatanggap ng ano mang tulong pagdating sa ibang tao. Siguro kung hindi natin tauhan si Aling Berta I’m sure hindi niya tatanggapin ang tulong ni Mommy.” Wika pa ng binata. “Kuya siguro oras na para kausapin mo siya ikaw naman ngayon ang kikilos magpakilala ka na ikaw ang —..” Naputol ang sasabihin sana ni Rafael ng tumihaya si Lora. Agad naman tinakpan ng binata ang binti nito dahil umangat ang kumot na nakabalot sa katawan niya. Pinagtawanan ni Rafael ang kuya niya bago nagsalita. “Hindi mo pa kilala ‘yan sobrang maldita ni Lora kuya baka hindi mo kakayanin at susuko ka agad.” Ngiting wika ni Rafael. “Lower your voice baka magising siya!” Sabay takip ng binata sa bibig ni Rafael. Ilang sandali lang lumabas na si Rafael naiwan mag-isa ang kuya niya. Naka ilang buntong hininga na ang binata natatakot siya sa mangyayari kay Lora lalo na ngayon mag-isa na lang ito.
Bandang alas dyes nagising si Lorabelle napahilot siya sa kanyang ulo sumasakit ito namaga rin ang kanyang mata. “Nay, ang daya mo sabi mo ikaw ang aakyat sa stage kapag makapagtapos ako sa kolihoyo. Nangako ka na hindi ka mawawala dahil ayaw mo akong iwan Nanay hindi ko alam kung kaya ko pa ba mabuhay ngayong wala ka na.”
Humagulgol naman si Lora hindi niya alam na may taong naka-upo sa paanan ng maliit niyang kama. Pag-angat ng tingin ni Lora nagulat ito sa bulto ng lalaki nakatayo sa tabi niya. “B-bakit nandito ka sa loob ng kuwarto ko? Sino nagpapasok sa’yo dito?”Mababanaag ang takot sa boses ng dalaga.
“I’m sorry, nandito ako para bantayan ka, but don’t worry w-wala naman akong ginawa sa’yo. Please don’t panic relax okay?” Walang paalam itong niyakap ng binata at ikinulong niya sa kanyang matigas na braso. “Sshhh.. Stop crying I’m here okay? Everthing is fine just trust me.” Sabay haplos ng binata sa likod ni Lorabelle. Bawat haplos ng binata sa likod ni Lora ay nakaramdam ito ng kaginhawaan sa kanyang puso. “Are you okay now?” Tanong ng binata kay Lora. Tango lang ang sinagot nito at unti-unting kumalas sa pagkakayakap niya sa binata. “Clean your self, hihintayin kita sa labas.” Aniya!